Part 2

1802 Words
PAWANG mga marketing executives na kagaya ni Ramil ang mga sinaludar niya. Apat lang naman ang mga ito. Mga lalaking kasali rin sa entourage sa kasal nila. Nang ayain siyang magsayaw ng isa, pinaunlakan niya. Nasundan pa iyon kaya nang matapos siyang makipagsayaw sa pang-apat, totoong ngalay na ang mga binti niya. Pabalik sila ng partner niya sa grupo ay kaagad siyang napasimangot. Huling-huli niya kung paano sinaid ni Ramil ang alak na nasa baso nito. At mukha rin namang daga na nasukol ang lalaki. “Patay ka kay commander,” kantiyaw dito ng huling naka-pareha niya sa pagsasayaw. “May license ako, di ba, sweetheart?” sagot ni Ramil at tumingin sa kanya. “Huwag lang bang sosobra, eh,” game namang wika niya. Sa mga mata niya, alam niyang naitawid niya kay Ramil ang disapproval niya sa ginawa nito. kilala naman siya ni Ramil. Kahit na hindi nagbabago ang tono niya, alam nito kung kailan niya hindi gusto ang ginagawa nito. “Excuse me, I have to freshen up.” Iniwanan pa niya ng matamis na ngiti ang grupo nito. Pagkatapos niyang lumabas sa comfort room at bumalik siya sa lugar na pinuntahan niya kanina. Naupo siya sa bench na naroroon at hinubad ang sandals. Talagang nangalay na ang mga binti niya. At dahil alam niyang wala namang makakapansin sa kanya doon, itinaas na rin niya sa bench ang mga binti niya. Pinagmasdan niya ang naggagandahang orchids sa greenhouse na nasa harapan niya. Iyon ang weakness ng magiging biyenan niya. At mas lalo silang nagkasundo ng biyenan dahil sinuyo rin naman niya ito sa pamamagitan ng orchids. Nang malaman niyang iyon ang kiliti nito, hindi siya nag-aksaya ng panahon at umakyat siya ng Baguio. Namili siya roon ng mga wild orchids na alam niyang walang mabibili sa Maynila at Laguna at ipinanregalo rito. At hindi nga siya nagkamali. Mas lalo silang naging “in good terms” ni Mrs. Herrera. Ngayon nga, mas mukha silang magkabarkada kaysa mag-biyenan. Biglang bumaling ang leeg niya nang makarinig ng isang pagtikhim. “Kaya pala wala ako sa mood magkipagsayaw, naririto pala ang babaeng dapat kong isayaw,” wika ng lalaking ang ganda ng boses ay parang sa FM radio lang niya maririnig. Napanganga siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makita niya ang lalaki. Maraming beses na niya itong nakita sa litrato. She knew he was handsome pero hindi niya akalaing hindi lang ito basta guwapo. He was tall. He had striking personality that she felt he was making her breathless. He seemed to possess a patent in s*x appeal. Pakiramdam niya ay bigla siyang nataranta. At nang maisip niya ang ayos ng pagkakaupo niya, agad niyang hinagilap ang kanyang sandals. And she wanted to die in shame nang parang hilong-talilong siya sa pagkakabit ng straps niyon. Hindi naman niya maitaas ang binti niya dahil lililis ang suot niyang bestida. “Relax, honey,” he said in a soothing voice at kaswal na naupo sa tabi niya. “S-sir…” Buhat sa p*******i niya ng sandals ay umangat ang tingin niya dito. “Sir?” sambit nito na bakas ang disapproval sa tinig. “Hindi kita empleyado para tawagin mo akong ganyan.” Napalunok siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ganito ang maging epekto sa kanya ng paglapit ng lalaki. Nasaan na ang cool and kikay Eve? Sa isang segundo ay lumipad ang pagiging cool and collected niya. Wala siyang iniwan sa isang babaeng kulang na lang ay mangatog sa labis na emosyong dumamba sa dibdib niya. And good Lord, mukhang nag-uumpisa na nga siyang mangatog! “Let me,” wika ng lalaki at bago pa siya nakahuma ay umuklo na ito ng upo sa paanan niya. She made another swallow. At naiinis na siya. Bakit ba kailangang lumunok, hindi naman siya kumakain? Oh, hell, kahit na anong kapilosopohan ang ipasok niya sa isip sa mga sandaling iyon ay hindi nababawasan ang tensyong nararamdaman niya. Para ngang umakyat na roon pati bituka niya nang sandaling hawakan ng lalaki ang kanyang paa. His touch was warm. Ang pagkakadaiti ng balat nito sa kanya ay parang may kakambal na apoy. It was low heat na tila mientras nagtatagal ay parang lalong umiinit. Her nerve-endings were threatening to burst. Hindi niya alam kung paanong naging ganito ka-sensitibo ang pakiramdam niya gayong mga paa pa lang niya ang hinawakan ng lalaki. Pa lang? Gusto niyang mapangiwi. Bakit sa takbo ng isip niya ay parang naghahangad pa siya ng higit pa roon? “There.” Nakauntag sa kanya ang tinig ng lalaki na tila isang obra ang natapos at bahagya pang tinapik ang kanyang paa bago nito iyon isinayad sa lupa. Umunat ito ng tindig at walang ipinagkaiba sa isang monumento ng Greek God ang tumunghay sa kanya. And she was helpless but to look up at him. “T-thank you,” she whispered. He flashed a killer smile. “Para iyon lang,” sagot nito sa napakakaswal na tono. Parang gusto niyang pumadyak. Gusto niyang magalit na sa anyo ng lalaki ay tila balewala lang ang lahat. And she thought it was unfair. Habang siya ay parang nagdidigmaan na ang bawat himaymay ng katawan dahil sa epekto ng paglapit nito ay napaka-insensitive naman ng kilos nito. Mabilis siyang gumawa ng paghinga at nagpasyang tumindig din. Hindi niya gustong nakatingala rito na para bang sinasamba niya ito. Aba, diyos lang ang sinasamba! Pero nang ganap siyang makatayo ay parang nais niyang magsisi sa kanyang desisyon. Her knees buckled. At gusto niyang magalit na naman sapagkat gusto niyang sisihin ang kaharap sa nararamdaman niyang iyon. “D-doon na po tayo sa mismong party. Baka hindi pa kayo kumakain,” wika niya sa tinig na sinisikap maging matatag. Hindi naman yata siya papayag na malaman ng lalaki na halos mataranta siya sa striking presence nito. Hindi na siya naghintay ng tugon nito at nagpatiuna nang humakbang. Pero maagap ang lalaki na abutin ang kanyang siko. “Honey.” Muli ay dumagsa ang maliliit na kuryente sa kanyang katawan. Nais niyang haklitin ang siko subalit hindi niya gusting gawin iyon na magkakaroon ng pahiwatig sa lalaki sa nagiging epekto sa kanya ng presensya nito. “Sir, hindi po “Honey” ang pangalan ko.” He echoed an amused laugh. “To me, you are. You are my honey.” At sa banayad ngunit may puwersang paraan ay kinabig siya nito upang mapalapit dito. “Bakit mo ba ako aayain doon kung mas maganda naman ang makikita ko rito?” he said in a seductive tone. “You are so beautiful, honey. Forgive me but the first time I laid my eyes on you, I know I must do this.” He kissed her. Nanlaki ang mga mata niya. His mouth ground against her without any warning. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pag-isipan kung tama ang nagaganap o hindi. Nang sandaling dumaiti ang mga labi nito sa kanya, parang nagkaroon na rin ng sariling isip ang mga labi niya. She opened her mouth and accepted his kiss. It was a no-nonsense kiss. The kiss was carnal and primitive. He was tasting and giving and making her whole body on fire. Ang isang kamay nito ay kumulong sa kanyang bewang upang hapitin siya nito nang husto. And she felt so pliant in his arms. Para siyang malambot na masa na inihuhulma sunod sa hugis ng katawan nito. She whimpered when she felt his kiss on the lobe of her ear. Kusa nang yumakap ang mga bisig niya sa leeg nito. His tongue licked the soft skin of her neck, at isa na namang impit na ungol ang kumawala sa lalamunan niya. “Oh, God, honey. I know you would taste this good,” anas nito sa kanya and showered her ears with his wet kisses. Halos manginig siya sa bisig nito. At nang tila hindi na niya kayang tagalan ang sensasyong iyon, sa wari ay naramdaman din iyon ng lalaki. Naupo ito sa bench na tangay siya. She settled on his lap. He kissed her again and she felt it became wilder, bolder and hotter. Parang mapupugto ang hininga niya nang maramdaman ang kamay nito sa gilid ng kanyang katawan. Her dress was low cut in the back, it was a mortal sin to wear a bra. When he touched the sides of her breasts, she felt like a liquid fire. Dumiin ang mga daliri niya sa balikat nito. Ang katawan niya ay umaarko sa parang hindi pa nangyari sa tanang buhay niya. She never felt this wanton in her entire life. Hindi pa nagawang gisingin ni Ramil ang mga emosyong ngayon ay nagawang antigin sa kanya ng lalaking ito. Then she froze. Si Ramil! Bigla ay napamulat siya ng mata at tila nakikita ng multo. For a moment, she remained still. At may palagay din siyang nawalan din ng kulay ang kanyang mukha. “What’s wrong, honey? Nasaktan ba kita?” wika sa kanya ng lalaki. Sunud-sunod siyang umiling at saka bumalikwas ng tayo. “Oh, God. Oh, my God!” singhap niya na daig pa ang nakakita ng multo. Tumindig ang lalaki at tinangkang abutin siya. Subalit tumataas pa lang ang kamay nito ay umiiwas na siya. “Don’t touch me! Oh, God!” Natataranta siya. “Honey…” Inihilamos niya ang sariling palad sa kanyang mukha. Sa mabilis na sandali ay sinikap niyang maging kalmante. At bago siya muling nagbuka ng mga labi ay isang paghinga ang ginawa niya. Take a deep breathe, Eve. One, two, three… “Don’t call me Honey. Or any term of endearment, please. This is wrong. This is all wrong!” Mabilis siyang tumalikod sa pagnanais na makalayo dito. “Look, this is a surprise. What happened?” puno ng pagtatakang habol sa kanya ng lalaki. She stared at him crossly. “What happened should not be happened in the first place, SIR.” “Sir again?” pumantay sa galit na tinig niya ang tono nito. “Yes, sir,” ulit niya. “I’m sorry we have to meet this way. This is indeed very embarrassing and too shameful. I’m not proud of what I did. I’m very sorry.” “Sandali nga. Ano ang ibig mong sabihin?” Halos magsalubong ang kilay nito. “What happened is definitely wrong. I’m ashamed of myself. Hindi ko ito dapat pinayagang mangyari.” “Don’t tell me you’re married?” tila may pait na bigkas nito. “Wala sa itsura mo.” She winced. “Well, malapit na. I am Ramil’s fiancé.” “No!” Marahas na pagtutol at disbelief ang bumadha sa mukha nito. “Yes,” kumpirma niya at nagawa nang ganap na kalmahin ang sarili. “And this is definitely a nightmare. Hindi ko inisip na sa ganitong sitwasyon ko makakaharap nang personal ang amo ng mapapangasawa ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD