Part 18

1942 Words
“RYAN,” she whispered nang pagmulat ng mata ay ito ang makitang nakatunghay sa kanya habang nakaupo sa sofa. Painot siyang bumangon. Kinusot pa ang mga mata bago muling tumingin dito. “Anong oras na ba? Napasarap ang tulog ko, ah?” “Alas siete y medya,” sagot ni Ryan. “Hindi kita ginising, ha? Tahimik lang ako dito. Pinapanood ka,” tudyo pa nito. Lumabi siya. “Ano ba naman ang trip mo, bakit kailangan mong panoorin ang pagtulog ko? Baka kung ano ang ginawa mo?” akusa niya dito sa magaang tinig. She stretched lazily at iginalaw-galaw pa ang leeg. Ngumiti si Ryan. “Well, kung sa ginawa, wala pa.” “What’s for dinner?” pag-iiba niya ng paksa. Tila nagulat ito. “Dinner? Oh, hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na iyon.” Tumindig na rin ito at hinawakan siya sa kamay. “I was dreaming of having you as my dinner, Eve,” he said in provocative tone. Tinawanan lang niya ito. “I’m hungry.” Dinala siya ni Ryan sa isang bahagi ng cottage. Madilim na madilim doon. Inakay lang siya nito at iniupo sa hinilang silya. Kumapa ang kamay niya sa harapan. Nakapa niya ang isang tela na malambot sa hipo. She smiled. Parang nahuhulaan na niya ang sorpresa ni Ryan but she wanted to indulge him kaya hinayaan lang niya ito sa balak nito. “Ryan, sobrang dilim naman! Brownout ba?” pa-inosenteng tanong niya. “No. Teka lang, sisindihan ko ang mga kandila.” She made a sound snort. “Buksan mo na lang ang ilaw. Mas maliwanag pa ang fluorescent lamp.” “Later, Eve.” Mayamaya ay natanglawan na ng dingas ng kandila ang paligid niya. Iginala lang niya ang mga mata. Ano man ang komento niya ay hindi niya pinayagang isatinig. The table was set in a formal way. Tama ang hinala niya roon. The tablecloth was silk with delicate patterns. The silvers were shining. Ganoon din ang porcelain at magkaibang uri ng baso para sa tubig at wine. “Say something, honey,” wika sa kanya ni Ryan at pumwesto na sa isang silya. “I thought you forgot about dinner?” mahinang wika niya. “You prepared all these? May nakatago kayong ganitong kasangkapan dito?” Tumawa nang mahina si Ryan. “You amused me. Ang inaasahan kong maririnig sa iyo ay ang nasorpresa ka sa inihanda kong ito. But I think you’re more on the analytical side rather than sentimental. Well, to satisfy your answer, I never forget our dinner. In fact, matagal kong pinag-isipan kung ano ang gagawin ko. We haven’t dine out before, di ba? Gusto kong makabawi sa pamamagitan nito. I called one of my hotelier friends in this island. Sa kanya ko ipinabahala ang paghahanda ng hapunang ito.” “How about this flowers and candles?” tanong niya at hinaplos ang ilang tangkay ng calla lily na nasa pinakagitna ng antigong candleholders. Anim na humahalimuyak na kandila ang nakasindi roon na siyang nagbibigay ng liwanag sa paligid nila. Umubo ito. “Ah, effort ko na iyan. Sinuhulan ko iyong manager ng isang hotel dito para ipahiram sa akin ang pang-centerpiece na iyan.” Nang tanggalin ni Ryan ang takip ng pagkain ay napabulalas siya. “Pusit at alimango?” Mahirap sabihin kung disgusto o katuwaan ang kahulugan ng gulat sa tinig niya. “Paborito mo iyan, di ba?” nalambungan ng pag-aalinlangan ang anyo ni Ryan. “Oo nga.” “You prefer steak? Mag-o-order na lang tayo kung gusto mo.” “No! Okay ito,” mabilis na wika niya. Noon muling lumiwanag ang mukha nito. “Thanks. Akala ko pa naman mapapalpak ang gabing ito.” Nginitian niya ito. “Ano ka ba naman?” Pinagkiskis niya ang mga palad. “I’ll wash my hands. Mas masarap kainin iyan kung nakakamay.” Nang tumayo siya ay sumunod din sa kanya si Ryan. Sabay din silang bumalik sa mesa. Magsisimula na silang kumain nang matawa siya. “What’s funny?” tanong agad ni Ryan. “Oh, nothing… well, everything,” she giggled. Puzzled na tiningnan siya ni Ryan. Nakangiti pa rin siya nang kumuha ng pinasingawang alimango at inilagay sa kanyang plato. Agad niyang tinungkab ang takip niyon. “Wow, sarap!” walang iniwan sa naglalaway ang tono niya. At saka lang siya bumaling kay Ryan na alam niyang naghihintay pa sa sasabihin niya. “You know, Ryan, this is something. Look at this tablecloth. Sa Romantic Events, kapag ganito ang request ng ikakasal na gamitin sa presidential table, mahal ang charge.” Lalo itong napakunot ang noo. “What I mean, kung tablecloth ang pagbabasehan at isama na rin natin ang china at silver na naririto, it is indeed awkward na magkamay tayo. Pero masarap bang kumain ng alimango na nakakutsara?” “Okay, I got it,” ani Ryan. “Mali ito. Palpak ang plano ko.” “Ryan,” tawag niya dito. “This is perfect to me. Wala nang perpekto pang dinner sa kung mga paborito mo ang nakahain. Come on, kumain na nga tayo.” “Next time, kapag naisip ko ang dinner, I’ll think about complementary and harmony.” “Huwag mo na nga isipin iyon. Saka hindi ako comfortable sa mga formal dinner. Maganda pa nga ang ganito. Naka-casual dress, puwede pang itaas ang paa para lalong magana sa pagkain.” Napatanga sa kanya si Ryan at pagkuwa ay humalakhak na rin ito. “See? Kahit iyang ganyang tawa, hindi mo malayang magagawa kapag nasa fine dining ka.” He nodded at saka sumeryoso rin. “Pero pagbalik natin sa Manila, pangako, I’ll treat you to a very special dinner.” Ikinumpas niya ang kamay. “Saka na natin pag-usapan iyan. Lalo lang akong nabibitin dito sa alimango, eh.” She chuckled at saka pinagtuunan na ang pag-sungkit sa aligi. “HINDI ba delikadong maligo sa dagat? I mean, gabi na. At masyadong madilim ang paligid.” “Ano naman ang ikatatakot mo? You’re with me. Saka kabisado ko ang dagat sa lugar na ito. Walang mangyayari sa iyo na hindi mo magugustuhan.” She looked at him. Alam niyang may ibang kahulugan ang tinuran nito subalit hindi niya iyon pinatulan. Nang abutin ni Ryan ang kamay niya at tinungo nila ang dagat ay nagpatianod lang siya. Walang pinagkaiba ang uri ng buhangin doon sa pamosong buhangin na ipinagmamalaki ng isla. No wonder she was in that picturesque island. Bahagya siyang nagtaka nang iharang ni Ryan ang sarili nito sa kanya. Without any word, dumako ang mga daliri nito sa buhol ng kanyang roba ay kinalas ang buhol niyon. “Ryan,” singhap niya. Ngumiti lang ito sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa nitong paghawi sa kanyang roba. Two-piece bikini ang suot niya sa ilalim. At bagaman confident na confident siya kanina nang isuot iyon, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang na-conscious ngayon sa harap ni Ryan. Madilim namang talaga sa paligid. Ang tangi nilang tanglaw ay ang ilaw na nanggagaling sa isang poste malapit sa cottage. At dahil nakatalikod sila roon, sa palagay niya ay naaaninaw lang ni Ryan ang katawan niya. Na isa namang kabaligtaran sa posisyon niya. Si Ryan ang mismong tinatamaan ang malamlam na liwanag. At kahit hindi iyon ang unang pagkakataon na makita niyang halos hubad ang lalaki, hindi pa rin niya magawang ipagwalang-bahala ang katangiang taglay nito. Once more, she drank in his beautiful masculinity. Walang ingay na bumagsak sa buhangin ang kanyang roba. Nagtagpo ang kanilang mga mata at ilang segundong naghinang. Pagkuwa ay inisang hakbang ni Ryan ang maliit na distansya nila at dumako sa kanyang likuran ang mga kamay nito. Ang buhol naman ng kanyang bikini bra ang pinagtuunan nito. “Ryan!” singhap niya sa tinig na hindi matukoy kung protesta o kasabikan. Nakalas na nito ang buhol niyon at unti-unting hinahawi ang makitid na tirante. Maliit na piraso na lang ng tela ang kailangang tanggalin sa kanya at hubad na hubad na siya sa harapan nito. “Beautiful,” he whispered at nakita niya kung paano naglandas ang mga mata nito sa kabuuan niya. Parang manunuyo ang lalamunan niya. Dulo man ng daliri nito ay hindi ikinakanti sa kanya pero daig pa niya ang hinahaplos sa buong katawan sa pamamagitan ng titig nito. She felt he was touching her very soul at damang-dama niyang tangay na siya ng anupamang mahikang taglay nito. Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan nito. He seemed to pressed his lips nang ibalik nito ang tingin sa mga mata niya. Then he stepped backward and hooked his thumbs inside the waistband of his trunks. Siya naman ang napalunok. In short seconds, tumambad sa kanya ang buong kabuuan nito. He was so beautiful. Hindi niya alam kung saan ipapako ang tingin. Ryan was holding her gaze to her. Tila nais nito mahuli ang lahat ng magiging reaksyon niya sa sandaling iyon. And she swallowed again. “Ryan,” she said breathlessly. He made a lazy smile. Hinapit siya nito at hinalikan nang padampi sa kanyang mga labi. She wanted to moan a protest. Tumawa lang nang mahina si Ryan sapagkat alam na alam nito kung paano siya humabol sa nakakatuksong halik na iyon. She felt feverish. Minsan pa ay bahagyang lumayo sa kanya si Ryan at walang tanging nagdidikit sa kanila kung hindi ang mga kamay nitong nakalapat sa magkabila niyang bewang. Then she felt him moved to the waist of her bikini. “Hindi ba you were wishing for a nude camp?” halos nang-aakit na sabi nito sa kanya. Umuklo ito at pinadausdos sa mga hita niya ang kanyang bikini. “This is what you wish for, hon,” he whispered. Ganap na nitong naihubad ang saplot na iyon at pumantay na ito ng tayo sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at dinala siya sa tubig. She felt she was in a paradise, indeed. Tila sariling-sarili nila ang mundo. Pakiramdam niya ay sila ang mga unang tao. And for once in her life, she felt the true meaning of her name Eve. They swam for some minutes. Pero alam din nilang pareho lang nilang pinapahirapan ang mga sarili nila. They could not resist touching each other. At palagi na ay ipinadarama sa kanya ni Ryan ang kahandaan nito. “Aw, Eve, I can no longer bear this ache,” tila hirap na wika nito sa kanya at dinala siya sa pampang. Nang sandaling magtagpo ang kanilang mga labi ay daig pa nila ang taong nanggaling sa disyerto at nakatagpo ng bukal ng tubig. Dama sa bawat galaw ng kanilang mga labi ang pananabik at pagkauhaw sa isa’t isa. And their hands couldn’t find satisfaction in one place. Tila may sariling isip ang mga iyon upang damhin ang bawat bahagi ng isa’t isa. “Eve, oh, God, Eve,” he groaned and nudged her legs apart. He poised himself between her at hinaplos ng isang daliri ang kanyang mga labi. “Take me,” she moaned at pinangahasang haplusin ang bahagi nitong nakatakdang umangkin sa kanya. “Eve, don’t!” malakas na ungol ni Ryan at tila napasong lumayo sa kanya. Hinuli nito ang kamay niya at inilagay iyon sa taas ng kanyang ulo. Then he positioned himself again. “Don’t touch, honey. Oh, you could, pero hindi ngayon. God, ilalagay mo ang sarili ko sa kahihiyan pag nagkataon.” Sa kabila ng tila nagliliyab niyang pakiramdam ay nagawa niyang ngumiti. “Then why are we wasting time talking?” She arched herself at parang inagaw din sa kanya ang pagtawa niya nang maramdaman itong nagsisimulang sumiksik sa kanya. “Oh, Ryan…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD