"oh, anong tinitingin tingin mo diyan?" nakangising tanong sa akin ni Engot nang mapansin nitong natulala ako sa kanya.
Oh shocks, nahuli ka..... malandi ba dating ko? Isip ng palusot Bingo. Hindi ka naman ata tumitig? Parang napadaan lang siguro anh mata mo? Oo ganun nga.
"As if naman noh! nakakadiri ka lang tignan, parang hindi uso sayo ang word na towel. Haist karumi" masungit kong sagot dito.
"Sus, huli na lulusot pa! Pwede mo namang aminin na nagwapuhan at nagandahan ka sa katawan ko, hindi yung idinedeny mo pa. Sige ka ikaw din ang mahihirapan. Mahirap pigilan ang paghanga. tumatawa at mayabang nitong sagot sa akin na ikinaiinit ng ulo ko.
Damdamputin ko na sana ang flower vase sa harap ko ng bigla namang sumulpot si Lola Milagros dala ang leche flan na ginawa nito. Timing naman sa lola.
"ayyy Mar nandito ka na pala. Ikaw talagang bata ka nangingintab ka sa pawis diyan. magpunas at magbihis ka nga muna doon. Hindi ka na nahiya kay Bingo at hubad baro ka pang nakadisplay diyan" utos na sabi ni Lola. Oo lola pagalitan mo yang mahalay na yan.
Buti nga
"Lola, pabor na pabor pa kay Bingo yang nakikita niya. Hindi ba Bingo? Enjoy ba?” Sagot ni Engot na kaagad kong pinandilatan ng mata.
"Marlino! Kung ano ano ang sinasabi mo diyan... magbihis ka na muna doon. Hindi ka na nahiya” galit na sabi sa kanya ni Lola Milagros na kaagad kong ikinatuwa
Dahil trip kong asarin si Engot ay tsinempo kong nakatalikod si Lola Milagros sa akin bago ko binelatan si Engot na para bang nangaasar. Hindi nakaka mature pero ok na yan kesa naman makipagbugbugan ako. Baka di ko rin kayanin.
"La, tignan mo yan si Bingo.. gusto daw akong punasan ng pawis" biglang sabi ni Engot
Hala ano daw?
"ayy siya ganun ba Bingo? Naku ang bait mo talaga, kaya botong boto ako sayo e, sige ikaw na ang magpunas sa batang iyan at hindi rin maayos magpunas yan , matutuyuan lang yan ng pawis" sagot ni Lola pero this time nakangiti na ito
"po?" clueless kong tanong
"diba sabi mo gusto mong punasan ang pawis ni Mar, oh ito na ang tuwalya." Nakangiting sagot nito habang inaabot sa akin ang tuwalya
"ako po?" gulat kong tanong. Lola parang lowkey kampi ka sa apo mo ha?
"Lola, natutuyo na po ang pawis ko..uubuhin po ako nito" pagpaparinig ni Engot
Engot amp. Walang hiya kang Engot ka. Gusto mo to tutukan pa kita electricfan.
"sige na Bingo, baka magkasakit si Mar" pagpilit sa akin ni Lola
Ay lola parang bumibda ka na. Kung hindi ka ba naman minamalas.
"basang-basa ako ng pawis Bingo oh" pagpapaawang bungad sa akin ni Engot habang lumalapit ako sa kanya
"oo, nagmamantika ka na dapat sayo piniprito na" nanggigigil kong sagot ditto
"ay ang tapang naman ng mahal ko" nangaasar nitong sagot sa akin habang pinupunasan ko ang likod nito
"makakabawi din ako sayo..." mahina kong bulong dito
"mahal yung sa may bandang abs, pawis na pawis" reklamo nito
"eh di punasan mo" sagot ko dito bago ko pinalo ang tuwalya sa may badang tiyan nito
"aray ko......." angal nito dahil mukhang napalakas ata ang palo ko ditto
"Mar, anong nagyayari sayo?" tanong ni Lola
"nagbibiruan lang po kami La, sige po tapos na po kain na po tayo" singit ko ditto
"ay siya mabuti pa nga, Mar magbihis ka na sa kwarto mo ng makasalo ka sa amin ni Bingo" utos nito sa buang niyang apo
Nang makaalis si Mar, ay napansing kong hindi gaanon karami ang mga pictures sa bahay nila. Nasaan na kaya ang mga magulang ni Engot?
"La, matanong ko lang po, nasaan po ang mga magulang ni Lino?" pagtatanong k okay Lola habang abala ito sa pag-aayos ng kakainan naming
"ahhh, ang nanay ni Mar ay namatay noong ipinanganak siya dahil na din sa sakit sa puso samantalang ang tatay naman nito ay iniwan siya matapos makahanap ng ibang pamilya sa Mindanao" kwento nito sa akin
Ulila na pala si Engot
"wala po ba siyang mga kapatid?" pahabol na tanong ko ditto
"ang sabi ng mga kapitbahay nila, ay may nakatatandang kapatid na babae daw si Mar ngunit kinuha ito ng Lola niya sa mother's side niya dahil maayos daw ang buhay nito" patuloy na sagot nito sa akin
Kung ganun...
"oo, tama ka Bingo. Hindi kami magkakdugo ni Mar dahil napulot ko lang siya noong bata siya habang palaboy-laboy ito sa kalsada. Dahil nga wala naman kaming anak ng asawa ko ay kinuha ko na lang ito at tinrato bilang sariling akin" nakangiting kwento nito sa akin
"Napakabait niyo po Lola, napakaswerte po sa inyo ni Lino" gulat at humahanga kong sgaot ditto
Pero natawa lang ang matanda
"Bingo, mas maswerte kami sa batang yan. Bata pa lamang iyan ay tumutulong na yan sa asawa ko sa pangngisda sa laot, matalino din yan si Mar sa eskwela at madalas humakot ng award , magalang , madasalin at magaling makisama. Ni minsan ay hindi kami binigyan ng sakit ng ulo niyan, maliban na nga lang minsan kung maraming dalaga ang nagpupunta sa bahay naming para hanapin siya" tumatawa at masiglang kwento sa akin ni Lola
"ganun po ba? Sa mga naririnig ko po sa inyo, napagtanto ko na hindi ko pa po pala ganun kakilala si Lino" sagot ko ditto
"ano ka ba Bingo, maraming pagkakataon pa para magkakilanlan kayo. Tiyak na hahanga ka sa kabutihan ng loob ng batang yan... tiyak na magugustuhan mo din siya kagaya ng....." sgaot ni lola nang biglang sumingit si Engot sa usapan naming
"tara na La , kain na tayo" masiglang sabi nito na ngayon ay nakasando na
Nag-iba biglang ang paningin k okay Engot matapos ang mga sinabi ni Lola. Hindi ko pala dapat siyang husgahan.
"wag mo naman ako masyadong titigan mahal, baka matunaw ako niyan e" biglang bulong sa akin ni Engot nang mapansin nitong kanina pa ako nakatitig sa kanya.
Hindi na ako nakapagpalusot dahil huli na din ako. Kaya yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain
"maiiwan ko munakayo diyan mga apo ha, at akoy magluluto pa para sa hapunan" pagpapaalam sa amin ni Lola bago kami iwan sa sala
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming ni Engot, nahihiya ako at hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"alam mo na ang buhay ko" mahina nitong sabi sa akin
"Lino, hindi ko alam na ganun pala ang pinagdadaanan mo" sagot ko dito
"iniwan ako ng mga mahal ko sa buhay,si Lola ang nagstay" malungkot nitong sagot sa akin
"ako , hindi kita iiwan" ang bigla kong nasabi
At bigla namang tumingin ng seryoso si Engot
Anong nasabi ko
"ano...ang ibig ko sabihin.... hindi ka naming iiwan nila mama,nila Melgar...oo ganun yun" kinakabahan kong palusot ditto
"salamat naman kung ganun Bingo. Sabi mo yan ha, di mo ko iiwan" nakangiti nitong sabi sa akin
Ano ba yan
"ahh oo, di ka namin iiwan" sabi ko ditto
"eh bakit may namin? Ikaw ba iiwan mo ko?" nakanguso nitong tanong sa akin
"hindi kita iiwan. Okay na?" naiinis kong sagot ditto
"okay na okay!" masigla nitong sagot sa akini.