Chapter 3

1113 Words
Chapter 3 Muntik “I did great cause, I'll pour out my love and happiness while I'm cooking.” isa sa mga naalala ko at ang pag bitaw ng salita noon ni frida sa mga bisita. Masungit niyang tinanong sa akin kung paano ko nagagawa ang pagluluto na hindi ko naman kaya noon. At sinagot ko siya sa magandang salita. “Natutunan ko lang ang pagluluto, nang walang poot at galit sa puso ko, iyon ang tanging paraan na hindi pumapangit ang lasa. Minahal ko na ito, at hanggang sa nasanay ko.” wika ko sa kaniya noon na naalala niya pa rin ngayon. Pero tama ba ang ginawa niya? Sa palagay ko ay hindi dahil nagsisinungaling lang siya sa mga bisita. Hindi naman ako siya kaya wala akong na akong kinalaman sa ginawa niya. At tungkol sa bisita ay umuwi naman ito kasama ang anak nilang si Garreth. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila sa huli dahil dumiretso na akong natulog sa kalahating gabing iyon. Sa dumating pang mga araw ay dumadalaw rin minsan ang binata sa bahay nila ni frida. Pinaunlakan ito ng babae habang ako pasikretong nakasilip lang sa kanila ngunit nag iingat lang talaga ako sa kinikilos ko. Tanaw ko mula rito sa ikalawang palapag ang pag-uusap nila na kasalukuyang nakaupo sa sala. Si madam, saka ang pyutur in law nito. “Dalawang taon na lang, garreth at ggraduate ka na rin.” Rinig kong proud na sabi ni madam sa binata. Lumingkis naman ang braso ni frida sa braso nito at nakahilig ang ulo nito sa balikat ng lalake. “Yeah, mom. His going to be a professor someday.” tugon mismo ng anak sa ina nito, hindi iyung plastik na ngiti at plastik lang kung ngumiti sa hindi nila ka-uri. “That's good garreth.” Maligayang ani madam. Narinig ko rin na mayaman ang buong angkan ni garreth at isa siyang Cua na makapangyarihan simula noon sa lolo at lola nito, nakapag-aral ng prestihiyosong paaralan, mayroong pamilya na mahal siya at inaalagaan, nagbibihis ng mamahaling damit, nakakain ng wasto at may sustansya. Pareho sila ni frida na nakapag aral sa magandang paaralan ngunit mahal ang gastos dahil private, lahat binibili, pati libro. Kaya walang makakabuwag sa kung ano man ang namamagitan sa kanila, Masyado silang bagay sa lahat. At ako isang nangangarap at ambisyosa sa lahat ng bagay. Kaya paano ko ihaharap ang mukha ko angkan ng mga cua? Wala rin naman akong silbi pa. Ito ang magiging kina-iinggitan ko sa lahat, ang nakapag-aral sila at ako hindi, sila mayaman ako hindi, may nobyo si frida na halatang mahal siya nito basi sa mga mata nito na kumikinang. At ako wala, pangarap ko naman talaga ngunit naalala ko ang pinagsasabi ng ina ko noon, na walang silbi kong magkakaroon pa ako ng nobyo kung iiwan rin naman ako sa huli katulad niya na ilang beses na niloko, sinaktan pinagpalit. Kaya heto, natakot rin ako kaya naging bato na rin sa akin puso ko. Ngunit ang mas importante ay yung pinapaaral ko ang aking dalawang kapatid. “But how about the company? Hindi ba at mamanahin mo iyon, anak kung magpapakasal na kayo ng dalaga ko.” Patuloy na sabi ni madam rito. Nag iisang apo lang talaga si Garreth cua kaya sa kaniya pinamana lahat ng ariarian ng mga magulang niya at apo sa tuhod, kayat hindi na ako magtataka kung bakit mas mayayaman pa sila dahil lang sa mga cua. “My father do them well. I will just focus first to my studies, tita. And about the wedding so soon, it should be wait.” ngiti nito na siya namang ikinakislot ng puso ko. At hindi ko gusto iyon kayat tumalikod na ako, ayaw kong makita muli ang mukha nito. “Just call me mom, garreth. Alam kong ikaw ang makakatuluyan nitong dalaga ko saka excited na akong ikakasal kayo.” Rinig kong bungisngis ng amo ko. Napabalik ako sa pagtanaw nila. “Mom naman, mas excited ka pa sa akin.” saway ni frida sa ina, mahinhin na nagtakip ito ng bibig, at marahan na natawa. “Well wait for the right time mom.” bawi ng binata. Napako ang mata ko sa kamay nilang magkahompong sa kandungan ni frida. “Sana naman ay makabuo agad kayo.” Pilyang ani madam. Bumalatay sa ekspresyon ko ang inggit, buti ang ina ni frida suportadong suportado. Ngunit sana naman ay hindi kayamanan ang hinahabol nila. Alam ko na ang baho ng pamilya Prajado pero sa naman ay nagkamali lang ako. “Mom please.” kunware ay suway ni frida sa mama niya ngunit ang totoo ay kita ko rin sa mga mata nito ang kagustuhan. Siguro nga ay totoong may pagmamahal si frida sa nobyo. Ngunit ang ikinataka ko ay matagal niya pa itong sinasagot. Noon pa man kase ay narinig ko siya na may kausap sa Skype dala ang laptop nito papasok sa kwarto niya. At nabanggit ang salitang garreth, na nag-aaral pala sa Ibang bansa kung saan sa pransya. Habang ang mga magulang nito ay nasa pilipinas lang, maayo rito sa tinitirahan nila. Rinig ko ang balita noon, na nakauwi ang binata mula sa pransya, hindi ko pa siya nakikita noon, naririnig ko lang ang boses niya sa kabilang linya na hindi ko sinasadya. Dumiretso ito sa mansyon nila na pamilya cua at Doon nga namasyal ang dalaga sa bahay ng nobyo nito, tuwing summer. Ang akala ko noon ay magkaiba ang tinatawagan nito na pangalan, ngunit iisa lang pala. Si Garreth na kausap niya sa Skype saka tunutukoy nitong soon to be boyfriend ay si Garreth cua. “Hayaan mo na, she's just happy.” sabat ng lalake. Saka tumingin kay madam na may kislap na ngiti. “Hihintayin ko munang sasagutin ako ni frida, tita--mom.” dagdag nito. “That's great iho.” tango ni madam. “Sagutin mo na kase itong si garreth at ngayon na.” sabi pa nito sabay ngisi sa anak. “Mas mabuting hindi muna natin madaliin si frida, mom.” madamdaming tumingin ang binata sa babae. Nahihiyang yumuko si frida saka inipit ang takas na buhok sa tainga. “Si mom naman kase eh, saka malapit ko na sasagutin si Garreth kaya chill ka lang.” puot na sabi ni frida sa ina. Rinig ko ang mahinang tawa nila. Muntik pa akong mahagip ng tingin ni garreth nang mapansing may nakatitig sa kaniya kaya mabilis akong nakatago. Hindi nito napansin dahil lumabas ang alagang pusa ni frida kaya akalaing pusa lang iyon nakamasid sa kanila. Kumabog pa ang puso ko saka pilit kong pinakalma ang sarili ko. Umalis na lang ako at pinagpatuloy ang paglilinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD