Chapter 3

1609 Words
Mula sa malayo ay natatanaw ni Miguel ang kasiyahan sa malawak na bakuran ng mga Montezillo. Naiilang s'ya sa lahat ng mga naroon. Masaya s'yang nakita n'yang masaya ang nobya. Gusto man n'ya itong lapitan ay hindi n'ya magawa. Napakaganda nito sa suot na gown. Isang fucshia pink long gown na binagayan ng mga mamahaling palamuti at mataas na takong. Ito ang unang pagkakataon na makita n'ya ang dalaga sa ganung itsura. Hindi n'ya ugali ang dumalo sa mga kasiyahan at nagpunta lamang s'ya ngayong gabi upang matupad ang pinangako n'ya sa dalaga na dadalo s'ya. Kahit na nahihiya ay nagpakita s'ya. Malapad na ngiti ang binigay nito nang matanaw s'ya nito pagkatapos n'ya itong kawayan. Ang swerte n'ya na s'ya ang napiling maging boyfriend nito. Tuwang tuwa s'ya sa nakikitang tanawin sa paligid. Lahat ng tao mula sa iba't ibang antas ay naroon upang makisaya. "Maligayang kaarawan, Mahal ko!" nabulong n'ya sa hangin. "Ano 'yun kuya? May sinasabi ka ba?" tanong ng kapatid n'yang si Clara. "Ah, wala ako'ng sinabi. Bakit?" maang maangan na sagot n'ya. Naiiling na lamang s'ya. Hindi n'ya napansin ang mga salitang namutawi sa bibig. Namamangha s'ya sa kagandahan ng dalaga at sa lahat ng nakikita. Naramdaman n'ya ang pamumula ng pisngi at parang pinipiga ang ulo n'ya ng nakitang hinalikan ng lalaki si Emilia. Sumama ang pakiramdam n'ya ng napansing nagtitilian at napabungisngis ang mga dalaga na halatang kinilig sa ginawa ng kasayawan ng nobya. "Nay, mauna na po ako. Napagod ako sa maghapon. Nais ko pong magpahinga ng maaga at bukas madami pang mga gagawin," paalam n'ya sa ina. "Sige anak, maya maya ay susunod na din kami ng mga kapatid mo," pagpayag ng ina. Nasa bahay at naiwan ang kanyang ama. Gaya n'ya ay wala din itong interes sa pakikihalubilo sa mga matataas ang antas. Hindi n'ya alam pero allergic din ito sa mga mayayaman. Kung hindi lang dahil kaarawan ni Emilia kesahodang makalapit s'ya ng mansyon. Naiinis s'ya at aminadong nagseselos. "Sana pala hindi na ako nagpunta pa. Kung alam ko lang na ganun ang mapapanood ko dapat pala hindi na ako nag-abala pa," pagmamaktol ng binata. Nagsimula na s'yang maglakad pauwi ng bahay. Kahit na madilim ang daan pauwi naging madali sa kanya ang pagbaybay dahil sa maayos ang maliit na kalsada na pinasadya ng mga Montezillo. Sadyang pinagawa ito ng pamilya sa tulong ng kanilang lokal na pamahalaan dahil sa dami ng nakatira at nagtatrabaho sa rancho at sa malaking tulong pangkabuhayan na nagawa ng pamilya sa mga tagarito. Mga halos isang oras din bago s'ya makarating ng bahay. Gawa ito sa kawayan at bubong na yero. Napapaligiran ng mga puno, taniman ng mga gulay at bulaklak. Sa isang malaking puno ng kaimito nakatali ang kanilang aso, si Bruno. Napatigil ito ng tahol nang makilala s'ya. "Oh bakit mag-isa ka lang?" tanong ng ama sa kanya. Napansin kasi nito na wala ang ina at mga kapatid. "Maya maya uuwi na din po sila. Nauna lang ako at napagod ako sa buong araw," sagot n'ya rito. Nahiga s'ya sa papag na gawa sa kawayan. Dalawang dekada na ganun ang pamumuhay nila at sa malapit na pagtatapos n'ya sa kolehiyo marami s'ya nais gawin. Nais n'yang magtrabaho sa gobyerno o sa isang malaking kumpanya. Magkaroon ng sariling negosyo. Pangarap n'yang makatulong sa pamilya. Mabigyan ang mga ito ng mas maayos na bahay, mas kumportable at matibay. Gusto n'yang tumanda ang mga magulang na magaan na ang lahat kasama ang mga kapatid. Paghahandaan n'ya ang pagpapamilya upang maging karapat dapat s'ya sa pamilya ng babaeng kanyang pakakasalan. "Hayys ang hirap mong mahalin Emilia. Bakit ikaw pa?" tanong ng binata sa sarili. Alam n'ya na impossible ang lahat sa kanila. Ngayon mas malaki ang pressure at responsibilidad na nakaatang sa balikat n'ya. Mahal na mahal n'ya ito. Lahat kaya n'yang gawin para rito. Napakalaking hamon na magustuhan s'ya ng pamilya nito. Sana mabigyan s'ya ng pagkakataon na maipakita ang tunay na hangarin n'ya sa dalaga. Napahilamos ng mukha ang binata. Alam n'ya na hindi lang s'ya ang may nais sa dalaga. Maging ang lalaking nakita n'yang kasayawan nito ay halatang may gusto din ito sa nobya. Sa mansyon ay hindi mapakali ang dalaga. Malapit ng matapos ang kasiyahan ngunit hindi n'ya nakikita ang nobyo. Lumapit s'ya sa kapatid nito. "Kayo lang ba ang dumalo ngayon?" tanong n'ya Kay Clara. Kilala s'ya nito ngunit nagulat ito na lumapit s'ya sa mga ito. "Ah si tatay lang po ang naiwan sa bahay Senorita. Hindi po kasi pwede na walang tao sa bahay," manghang sagot sa kanya. "Ah ganun ba, sino mga kasama mo na nagpunta?" tanong pa n'ya. "Si nanay, isang kapatid ko po na babae si Magda at si kuya Miguel pero nauna na po s'ya umuwi napagod daw po kasi s'ya," sagot sa kanya. "Ah ganun ba, sige maiwan ko na muna kayo ha. Enjoy the party!" paalam n'ya kay Clara. "Happy birthday po Senyorita!" pahabol na bati nito. "Salamat! Sige, hindi na muna ako magtatagal baka hanapin na ako eh," mabilis na paalam n'ya at lumapit sa mga magulang. "Ma, akyat na po ako sa taas. Gusto ko na magpahinga," bulong n'ya sa ina. "S'ya sige, tapos naman na ang programa. You're so beautiful tonight, anak. Masaya ka ba?" nakangiting saad nito habang hawak ang dalawang kamay. "Of course Ma, salamat sa inyo ni Papa. Sige po, akyat na muna ako!" patuloy na paalam n'ya sa mga magulang. Nagpaalam at sumenyas na din s'ya sa mga kapatid at kaibigan upang magpaalam. Abala ang mga ito sa pakikipag-usap at pag-inom ng alak. Pagpasok sa kwarto mabilis na nagpalit s'ya ng damit. Nais n'ya makita si Miguel. Alam n'yang nagseselos ito kaya maaga itong umuwi. Dumaan s'ya sa lagusan na madalas n'yang dinadaanan pagka s'ya ay tatakas ng mansyon. Abala pa sa kasiyahan ang lahat at tiyak na hindi mapapansin ang kanyang paglabas. Bitbit ang maliit na penlight binaybay n'ya ang madilim na daanan papunta kanila Miguel. Hindi s'ya nakaramdam ng takot dahil kabisado na n'ya ang daan papunta sa bahay ng mga Antonio. Ilang minuto na naglakad ang dalaga upang makarating sa patutunguhan. Isang ilaw lang ang bukas sa labas ng bakuran. Baka natutulog na nga ito. Napaangat ng ulo si Miguel ng naramdaman na parang may tao sa labas at napatigil ang pag alulong ni Bruno. Ibig sabihin may dumating at kilala ito ng aso. Dahan-dahang binuksan ng binata ang pintuan saka lumabas. Nagtataka s'ya na biglang tumigil ang aso pero walang tao na maaninag sa labas. Hindi pa dumadating ang ina at mga kapatid. "Buti gising ka pa," boses ng isang babae. "Ano'ng ginagawa mo dito? Di ba dapat sa party ka pa? Alam ba nila na umalis ka?" tanong n'ya rito. Nakilala n'ya ang boses ni Emilia. "Nag-aalala kasi ako dahil hindi na kita maapuhap kaya sinundan kita. Nagpaalam ako na matutulog na kaya hindi na nila ako hahanapin saka abala sila sa kasiyahan sa mansyon," sagot ng dalaga. "Bakit, hindi ka ba nag-eenjoy doon? Kumpleto ang lahat mula sa mga kaibigan, kamag-anak, tauhan at mga kasosyo n'yo," saad n'ya. "Hindi ako sanay sa madaming tao. Mga magulang ko ang may gusto ng party kaya pinagbigyan ko na lang sila. Saka bakit ka umalis ng hindi nagsasabi?" sumbat ng dalaga. "Importante ba na magpaalam pa ako? Eh mukhang nag-eenjoy ka naman masyado doon kasama sila. Saka hindi naman kailangan na andoon ako hanggang sa matapos ang gabi. Madami akong gagawin kinabukasan. Tama na nagpunta ako doon upang matupad ko pangako ko na dadalo ako," mahabang paliwanag ng binata. "Iyon lang ba talaga ang dahilan?" tanong ni Emilia sa nobyo. "Oo, ano pa ba sa tingin mo?" balik tanong ng binata. "Nagseselos ka ba?"pangungulit ng dalaga. "Kanino ako magseselos? Bakit ako magseselos? Wala naman akong karapatan na magselos," sagot n'ya sa dalaga. "Umalis ka dahil nakita mo'ng hinalikan ako ni Loyd, hinanap kita hindi kita makita," panunumbat ng dalaga. Tiim ang bagang habang tahimik lang ang binata. "Bakit hindi ka makasagot?" sundot pa ng dalaga. "Ano'ng gusto mong isasagot ko? Na nagseselos ako? Oo nagseselos ako at naiinggit ako na hindi man lang ako makalapit sa'yo. Ako nga boyfriend mo pero hindi man lang kita mahawakan o makausap anumang oras na gustuhin ko," pagdadamdam ng binata. "Wala ka naman dapat kaiinggitan dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pipiliin ko. Maiintindihan ko 'yung selos mo at bakit ka nagdaramdam kaya nga ako andito," pag-comfort ng dalaga. "Ewan ko, ang hirap mong mahalin. Siguro ganun talaga dahil magkaiba tayo ng mundo. Sa totoo lang naguguluhan ako. Madami akong iniisip at kailangan gawin. Mahal ko ang pamilya ko at mahal na mahal kita. Hindi ko alam ang uunahin ko," paglalahad ni Miguel. "Hindi kita pinapipili. Maiintindihan ko anuman ang desisyon mo basta huwag kang susuko. Huwag mo akong isusuko dahil hindi ko kakayanin," naiiyak ng sambit ng dalaga. "Kaya kitang ipaglaban kung kailangan na magpakalayo tayo pwede naman nating gawin 'yun," dagdag pa nito. "Huwag kang hibang Emila. Mahal natin ang bawat isa ngunit mahalaga pa din na buo ang pamilya natin. Hindi kailangan na may masira at mapahamak upang masunod ang kagustuhan natin. Hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko sa kahit na anong bagay," sagot ni Miguel. "Kahit na ako Miguel?" tanong ng dalaga. "Oo dahil alam kong mas malawak ang pang-unawa mo. Alam mong mahal kita at kung mahal mo ako, maintindihan mo," sabi n'ya sa dalaga. Napahikbi na lamang ang dalaga. Mahal na mahal n'ya ang binata. Ayaw n'yang mawalay s'ya dito. Gagawin n'ya ang lahat upang maging karapat-dapat dito at alam n'yang ganun din ito. Wala s'yang ibang nais kundi ang makausap at makasama ito kahit sandali lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD