Ilang araw na ang nakalipas ngunit walang natanggap na balita si Emilia tungkol kay Miguel. Walang makapagsasabi kung nasaan din ang pamilya nito. Ang sabi lang ay wala na ang mag-anak sa lugar ng sinubukang puntahan ito ng mga inatasan ng ina. Walang humpay ang pag-iyak ng dalaga dahil sa takot na napahamak na ang binata. "Pa, anong ginawa ninyo kay Miguel?" nanginginig ang boses na tanong ni Emilia sa ama na noon ay kauuwi lang. Wala s'yang ideya kung ano ang mga pinagagawa nito dahil mas madalang na nila itong kasama. "You better stop Emilia. Kalimutan mo na ang lalaking iyon. Ibaon mo sa limot ang anumang namagitan sa inyo. Iwaglit mo na may nakilala kang isang Miguel. Ayaw mo ba mamuhay ng masaya at tahimik, ha?" mahabang pahayag ng Don. "Magiging masaya lang ako kung kasama ko

