Napatuwid ng upo ang binata sa pagdating ng mag-asawa. Naningkit ang mga mata ng Don sa dumating na hindi n'ya inaasahang bisita. Kung malakas lang ito ay baka nasugod na nito ang lalaki. "Ano'ng ginagawa mo rito sa pamamahay ko? Bilib ako sa lakas ng loob mo upang dumayo sa teritoryo ko," sigaw ng Don. "Ganyan ba kung tratuhin ninyo ang bisita sa mansion?" nanunuyang tanong ng binata. "Depende sa kung sino at saan nanggaling ang bisita," asik ng Don. "Ano'ng kailangan mo?" malumanay na tanong mula sa Ginang. "Nandito ako upang makausap ng masinsinan si Emilia tungkol sa anak ko," diretsong tugon ni Miguel. Ayaw n'ya magtagal sa mansion. "Anak mo? Wala kang anak, si Loyd ang nakagisnan na ama ng apo ko at ikakasala na sila. Kaya itigil mo na ang ilusyon mo. Hanggang ngayon makapal pa

