Chapter 59 Danica Kinabukasan ay maaga kaming nag-flight pa Maynila. Noong gabi pa lang ay nagpaalam na kami kay Itay na babalik na kami. Pumayag naman si Itay at tulad ni Inay ay pinayuhan niya kami ni Alp na pag-usapan kung ano man ang hindi namin pagkakaunawaang mag-asawa. Hinatid pa kami nila sa airport dahil halos ayaw nila mawalay sa apo nila. Pero 'di kalaunan ay tinanggap nila na kailangan mapalayo sila sa apo nila pansamantala. Nang makarating kami sa Maynila ay dumaretso kami sa Bf Homes sa bahay ng Mommy ni Alp. Kasama namin si Mark at sumama rin ito sa amin sa bf homes. Pagdating doon ay nag-door bell si Alp. Nakababa na kami sa taxi at ako naman ay karga-karga ko si Baby Alexa. Pagbukas ng gate ay halos maluwa ang mata ni Lola nang makita kami. ''Waahhh... Danica, bu

