Chapter 20 ALP Nang makarating kami sa bahay ng kaibigan ni Sheena ay pumasok kami sa loob. ''Shen!'' bati ng isang babae at patakbong nagtungo kay Sheena at yumakap. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko nang malaman ko kung sino ang kaibigan niya. ''Hey, kasama ko pala si Alp, kababata ko. Alp si Jessica, friend ko,'' pakilala ni Sheena sa akin. ''Alp? Its that you? K...kamusta ka na?'' tanong nito sa akin na hindi makapaniwala na magkita ulit kami. ''Well, I'm fine at naging matured na. How about you?'' hilaw kong ngiti sa kaniya. ''Gano'n pa rin, hali kayo sa mesa para makakain na kayo,'' yaya naman niya sa amin ni Sheena. Kaunti lang naman ang bisita niya pero hindi ko akalain na makita ang first love ko noong high school pa lang ako. Nang nasa mesa na kami ay umupo ka

