Chapter 45 ALP Mula nang isinugod ko si Danica sa hospital dahil sa pagwawala nito noong gabing nagtalo kami ay bihira na muna ako magpakita kay Danica. Subrang kinabahan ako noong nawalan siya ng malay at dinugo siya. Mabuti na lang at naisugod ko siya sa hospital ng mas maaga dahil kung hindi baka nakunan na siya. Galing ako sa condo ko. Marami akong inasikaso ngayon, hindi na ako ang sumundo kay Danica nang lumabas siya sa hospital. Pinakiusapan ko muna si Mommy na siya na muna ang bahala kay Danica. Si Sheena naman ay nakalabas na rin sa ospital. Dahil sa mga koneksiyon ko ay nalaman ko kung saan ngayon si Rexor ang ama ng dinadala ni Sheena. Umuwi lang ako rito sa bahay sa BF Homes dahil kukuha ako ng mga gamit ko. Pupunta ako bukas sa Amerika kasama si Sheena. Labag naman sa pu

