Ending Alp Dinala ko si Danica sa hospital dahil nahihilo ito. Naisip ko na baka marahil ay kulang siya sa dugo dahil sa pag-aalaga sa anak namin. Tapos pinuyat ko pa siya kagabi. Nang nasa hospital na kami ay sinuri siya ng doktor at nagpa-laboratory na rin siya ng urine at dugo niya. Nakaupo kami sa dalawahang upuan sa loob ng hospital habang hinihintay ang result ng laboratory niya. Nakaakbay ako sa kaniya at panay ang halik ko sa noo niya. ''Baby, nagugutom ka ba?'' tanong ko sa kaniya. ''Gusto ko kumain ng kamatis Daddy,'' sagot naman niya sa akin. Kumunot ang noo ko. ''Kamatis? Nahihilo ka pa ba?'' Umiling-iling siya sa akin. ''Gusto ko kumain ng kamatis na kulay green. Hanapan mo ako gusto ko galing sa puno.'' Nagtataka naman ako sa hinihiling niya sa akin. Saan naman ak

