Chapter 47 Danica Makalipas ang limang araw ay nakalabas na kami ng baby ko sa hospital. Si Alp halos ang nag-aasikaso sa akin pati ang pagpunas ng aking katawan ay si Alp na ang gumagawa. Sa Bf homes kami inuwi ni baby ng kaniyang ama. Hindi ko pinapansin si Alp kahit na siya ang nagpupunas sa akin. Kasalukuyan akong nagpapadede sa baby girl namin ni Alp na si Alexa Diness. Simula ng lummabas ako sa hospital ay hindi ko pinapansin si Alp. Naiinis pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Nasa silid kami ngayon ni Baby at tinitingnan ko siya ng mabuti. Nakuha niya ang labi ni Alp na manipis sa itaas at ang kulay gray nitong mata at ang buhok nito na kulay blond. Si Mommy at Lola naman ay sila ang nagbabantay kay baby kapag tapos na itong dumede. Saka si Julie Ann naman ay tuwang-tuwa

