Chapter 37 DANICA Kinahapunan ay dumating si Itay at Inay sa condo. Pati na rin si Tita, at Ma'am Helen. Maraming dala si Itay galing sa probensya. Pagdating nila kanina sa airport ay dumaretso na muna sila sa bahay ni Tita saka sila tumuloy sa condo kasama si Alp. Nagmano ako kay Itay at Inay pagdating nila. Malamig naman akong tinitigan ni Itay, alam kong galit ito sa akin. ''Maupo po muna kayo, Sir,,'' kalmadong saad ni Alp sa Itay ko. Humalik ako kay Itang at Inang. pagkatapos ay umupo si Itay sa mahabang sofa na dala-dala ang isang box na hindi ko alam kung ano ang laman. ''Kamusta ka na, Dani? Nahirapan ka ba sa pagbubuntis mo?'' tanong ni Inay sa akin. ''Ayos lang po ,Inay. Maupo muna kayo,'' wika ko kay Inay at tumingin ako kay Ella na nakangiti ito at lumilibot ang paning

