Chapter 61 Danica Lumingon si Alp sa akin at tinanong ako. ''Baby, okay lang ba sa 'yo na hiramin muna nila Mommy si Baby Alexa?'' Tumango na lang ako dahil may tiwala naman ako kina Mommy at Lola. ''Hayaan mo na at dumedede naman na si Alexa sa bote,'' sabi ko at hinaplos ang buhok ni Alexa. ''Okay, basta ibalik niyo bukas ang anak ko, ha? ani Alp sa Mommy niya. ''Ito naman parang ayaw ipahiram ang anak sa Mommy niya. Eh, kung ayaw mo dito na lang kaya kami titira. Total malaki naman itong bahay niyo,'' sabi naman Lola. ''Masig-uwi na kayo Lola, Mom. Dalhin niyo na si Baby Alexa, basta huwag lang kayo tumira dito sa bahay. Puwede kayo pumunta rito at matulog pero isang gabi lang,'' birong wika ni Alp kay Mommy at Lola Umarko naman ang mukha ni Mommy sa anak niya. ''Aba, talga nam

