Chapter 29 DANICA Pagkatapos namin mag-usap ni Itay ay kami naman ni Alp ang nag-usap. ''Give me your full name, birthday and Mother and Father name,'' ani Alp sa akn. ''For what?'' tanong ko. ''For our papers. Kailangan na natin asikasuhin ang mga papeles para sa nalalapit nating kasal,'' seryoso naman niyang sabi sa akin. ''Kailangan pa ba natin magpakasal?'' tanong ko sa kaniya dahil ayaw kong pagsisihan natin pareho ang desisyon natin na magpakasal. Salubong naman ang kilay niya na tumingin sa akin. ''Kung hindi mo kailangan magpakasal sa akin. Puwes, ako kailangan kong pakasalan ka dahil ayaw ko magkaroon ng anak na bastardo. Ayaw ko lumaki ang anak ko na walang kinikilalang Ama,'' madiin niyang wika sa akin. ''Hindi kita mahal, Alp. Magpapakasal lang ako sa 'yo dahil sa anak

