Episode 49

1310 Words

Chapter 49 DANICA Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga rin nagising si Baby. Pinalitan ko ito ng diaper at pinadede bago inilabas sa silid para paarawan. Si Yaya naman ay nakita kong nagdidilig ng halaman. ''Yaya, akala ko pupunta ka sa ospital,'' tanong ko. ''Mamayang hapon na raw ako pupunta sabi ni Alp. May mga bisita kasing dumalaw sa ospital,'' tugon naman ni Lola sa akin. ''Ahmm... Gano'n po ba?'' malungkot ko namang wika. Araw ng pacheck-up ngayon ni Baby, kaya kailangan ko siyang dalhin sa pedia niya. Makalipas ang ilang sandali ay ipinasok ko na sa silid si Baby at pinunasan. Nakaligo naman na ako kahapon kaya nagpunas na lang ako at mamaya na lang ako maligo pagdating ko. Binihisan ko si Baby at lumabas na kami. Naroon naman si Lola sa sala kaya nagtanong ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD