RASHEEQA's POINT of VIEW "Nagkabalikan kayo?" tanong ni Jaze habang bumubuntot sakin. Dumiretso ako sa kusina tsaka naghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, bumungad sakin ang ilang inumin ni Rasheen kasama na doon ang paborito niyang yogurt. "Syempre hindi. Tsaka wala akong balak na balikan siya." sagot ko sabay kuha sa pitsel na may lamang tubig. Alam ni Jaze ang koneksyon ko kay Spruce dati at alam niya din na si Spruce ang totoong ama ni Rasheen kaya siya mukhang siraulo kanina na para bang kina-career talaga ang pagiging asawa ko. Galit kasi siya kay Spruce dahil sa ginawa niya sakin. "Mabuti naman at natuto ka na." parang concern kapatid ko na din 'to e. Siya yung kasama ko dati maliban kay Paul after kong maipanganak si Rasheen. Kaso nga lang nasa Germany ang business ng

