NO MORE RULES || CHAPTER 14

1309 Words
KYRHEIN POV Pagkatapos ng klase ay lalabas na sana ako kasabay ni Vanessa pero tinawag ako ni Trio. "Miss Fuentabella, you stay," aniya. Pinauna ko na lang si Vanessa at sinabing susunod ako. Lumabas na silang lahat at kami na lang dalawa ang naiwan sa loob ng classroom. "A-akala ko ba puwede akong makipagkita sa mga kaibigan ko," sabi ko sa kaniya. "Yes, wala naman akong sinabi na hindi. I just want you to remember na mga kaibigan mo lang na babae ang kakausapin at lalapitan mo. And remember that, I am watching you," seryoso niyang sabi. Napabuga ako ng hangin at walang nagawa kun'di ang tumango. Mga kaibigan ko lang rin naman ang kakausapin at lalapitan ko. Sila na lang ang bahalang magpaliwanag kay Volter na hindi na ako maaring lumapit sa kaniya. Gagawin ko ito para sa lahat at sa aking sarili na hindi na masasaktan at hindi sila mahihirapan. Ngayon na aalisin na ni Trio ang rules ng buong campus, malaking bagay na iyon para sa aming lahat. "Naintindihan ko at gets ko, puwede na ba akong umalis?" "One more thing," pahabol niya. Napapikit ako at huminga ng malalim. "What?" mataray kong tanong. Imbes na sumagot siya ay lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko na pinalid ng hangin. Hinalikan niya ako sa noo at naamoy ko ang kaniyang pabango, napapikit pa ako at hindi nakagalaw. "Take care, okay?" Pagtango lang ang naisagot ko sa kaniya, walang isang salita na gustong lumabas sa bibig ko. "You may go," sabi niya. Mabilis akong lumabas ng classroom at napahawak sa aking dibdib na kulang na lang ay lumabas na sa lakas ng pintig nito. Nagtungo na ako kaagad sa cafeteria at pagpasok ko ay lahat sila napalingon at nagulat sa aking pagdating. Samu't-saring tanong ang aking naririnig at tuwa na makita nila ako. Nagtayuan naman ang mga kaibigan ko at patakbo nila akong sinalubong ng yakap, lalo na si Apple. "Bff! Mabuti at nakabalik ka na. Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo. Hindi kami mapalagay, alam mo ba na naglakas-loob kaming kausapin ang lalaking iyon? Pinakiusapan namin siyang pakawalan ka na, na pabalikin ka na," umiiyak na sabi ni Apple sa akin. "Okay lang ako, walang masamang nangyari sa akin, bukod sa nakakulong ako sa isang kuwarto," sabi ko sa kanila. Umupo kami at tinanong nila ako kung ano pa ang nangyari sa akin matapos ang araw na iniligtas ko sila Vanessa. Kinuwento ko sa kanila ang lahat, maging ang pagsampal sa akin ni Trio ay nasabi ko. Galit si Apple at gusto niya itong sugurin pero pinigilan ko siya at sinabi kong magbabago na ito. Sana nga ay magbago na ito. Bukod pa roon ay sinabi ko na rin sa kanila na tatanggalin na ang rules ng campus. Mayamaya lang ay inagaw ang aming mga atensyon ng speaker sa loob ng cafeteria at buong campus. "Attention! Good morning everyone! This is Demetrio Vulturi, speaking. Hope you all enjoying your snacks.We wanted you all to know, that starting today, there is NO RULES inside the school. You can stay outside until 8:30 pm from Monday to Thursday and Friday to Saturday it's up to all of you if you want to sleep or not. Bahala na kayo, but! Please do not take advantage, not because you are free to do whatever you wanted is all of the time you can do what you want. Remember, you are still here inside our school. Be responsible, and respect. Still, bawal pa rin kayong lumabas ng campus. All we can do is, we will give you a freedom inside this school. We all hope that you understand, that's all. Thank you." Naghiyawan ang lahat ng istudiyante at nagtatalon sa tuwa. Maski ako ay napangiti rin, tinotoo niya ang kaniyang sinabi kanina sa loob ng classroom. Matapos ang senaryong iyon at matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming klase. Masaya na ang lahat, na para bang nabunutan ng tinik. Ilang oras ang lumipas ay natapos na rin ang buong araw na klase. Paglabas ko ng classroom ay naroon si Volter at parang naghihintay sa akin. Bigla akong kinabahan at naalala ang sinabi sa akin ng Trio. Kaya umiba ako ng daan at nagtungo na lang sa faculty nila. Tinawag ako ni Volter pero hindi ko siya pinakinggan at hindi ko siya nilingon. Hindi sa ayoko siyang makausap kun'di umiiwas lang ako sa gulo o sa puwedeng gawin ni Trio. Ayoko saktan siya ulit, ayokong masaktan siya ng dahil sa akin. Dahil sa taranta ko ay hindi ko nakita ang nagkasalubong ko kaya nagkabanggaan kami. Nagkalat sa sahig ang mga gamit ko kaya dali-dali ko itong pinulot. "Are you okay? Natataranta ka?" Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig. Si Trio pala ang nagkabanggaan ko at tinulungan niya akong pulutin ang mga gamit ko. "S-sorry, hindi kita nakita e," nauutal kong sabi. "You look tense and nervous, are okay? May problema ba?" tanong niya sa akin. "W-wala naman, nagmadali lang ako baka kasi naghihintay ka na," palusot ko. "Actually, pupuntahan na sana kita. Pero, you're heading your way here. Tapos, lingon ka ng lingon kaya hindi mo 'ko napansin." Parang tinambol ang puso ko sa sinabi niya. Nakita niya kaya si Volter na sinusundan ako? "T-tara na, gusto ko ng magpahinga. M-may assignment rin ako." Sh*t! Nauutal pa talaga ako. "Kyrhein, look at me. What happened?" tanong niya. "It's Volter, right? I saw him following you." Nakita nga niya, para na akong mahimatay sa kaba na nararamdaman ko ngayon. "Let's go. Ako na ang bahala sa kaniya," sabi niya at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. Nagpatianod lang ako at hindi nagsasalita, natatakot ako na baka sigawan niya ako o 'di kaya ay saktan niya ako. Pagdating namin sa bahay niya ay dumiretso ako sa aking kuwarto at naupo sa kama. Bumuga ako ng hangin at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay nanghina ang buo kong katawan at pagod na pagod ito. Mayamaya lang ay pumasok siya sa aking kuwarto na may dalang tubig. Inabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap at ininom. Nakabihis na rin siya, samantalang ako ay hindi, ngayon ko lang din nahubad ang sapatos ko. "Why are you look so scared?" tanong niya. "P-puwedeng... h'wag mo ng saktan si Volter? Iniwasan ko naman siya at hindi kami nag-usap. Kaya nga nagmamadali akong pumunta sa faculty ninyo dahil iniwasan ko siya..." "Shhh..." Iniharang niya sa aking labi ang kaniyang hintuturo. "You don't need to be scared like that, Ky. At hindi ko rin siya sasaktan, sa ngayon. But, the next time na lumapit siya sa iyo. I'm sorry, but I will punish him," seryoso niyang sabi. Hindi na ako umimik pa. Wala akong magagawa kung saktan talaga siya. Ito ang kasunduan namin kaya dapat panindigan ko iyon para walang masaktan. Lumabas na rin siya ng kuwarto ko para magluto, ako naman ay nagbihis na at lumabas ng kuwarto upang sundan siya sa kusina. Sa sala pa lang ay amoy ko na ang niluluto niyang ulam. Natunugan niya ang pagdating ko kaya lumingon siya sa akin at malawak na nakangiti. Matapos niyang magluto ay inihanda ko ang plato na gagamitin namin at kumuha ng tubig sa ref. Nilagyan pa niya ako ng pagkain sa plato ko bago ang sa kaniya. Tahimik lang kaming kumakain, ang sarap niyang magluto. Nakaubos ako ng dalawang cup ng kanin, hindi ako matakaw sadiyang masarap lang ang ulam. Matapos ay kaming dalawa na ang naghugas ng plato at sabay na nagtungo sa aking kuwarto para gumawa ng assignment, siya naman ay gumagawa rin ng lesson plan niya para bukas. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ang ballpen ko. Wala na akong alam sa sumunod na nangyari. Inaantok na rin talaga ako kaya hindi na ito nakayanan ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD