CHAPTER 11

800 Words
KYRHEIN POV Nasa library na ako at maingat kong binuksan ang pinto papunta sa likod ng bookshelf. Dahan-dahan akong pumasok. Medyo madilim, gamit ang flashlight na dala ko binuksan ko 'yon at naglakad na. Naghanap ako ng ibang daanan at may nakita akong hagdanan pababa. Bumaba ako at maingat na naglakad. Pagdating ko may pinto na sarado, sinubukan ko itong buksan. Tinulak ko ang pinto at sinalubong ako ng masangsang na amoy. Parang dugo na hindi ko maintindihan. Naglakad ako at para akong may naring na ungol ng tao. Nilapat ko ang tainga ko sa may dingding. Iyak ng babae ang narinig ko. "P-parang awa niyo po sir, pakawalan niyo kami!" boses ni Vanessa. Mabilis kong hinanap ang pinto kong saan ako makakadaan. Agad ko namang nahanap 'yon at sinipa ko ito para mabuksan. Napasigaw sila at gulat sa pagpasok ko. "Kyrhein!" tawag sa akin ni Vanessa. "Magaling, magaling Miss Fuentabella. Nahanap mo rin ang lagusan patungo rito," sabi ni Sir Demetrio. "Pakawalan mo sila!" seryosong sabi ko. Tumawa lang siya at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. "At bakit kita susundin? Sino ka para utusan mo 'ko?" tanong niya sa akin. "Ako ang kailangan mo hindi ba? Kaya pakawalan mo sila," sabi ko. "Napakatalas ng iyong pandinig, narinig mo pala kami no'ng nasa clinic ka." "Hindi ako bingi at mas lalong hindi ako tanga sir, alam kong ikaw ang sumusunod sa akin at kinuhanan mo kami ng litrato ni Volter habang nag-uusap," sabi ko sa kaniya. "Bilib na talaga ako sa'yo. Napakahusay, kaya naman kita napili na maging asawa ko dahil magaling ka." Nanindig ang balahibo ko sa tinuran niya. "Sa tingin niyo mapapayag niyo 'ko? Mamatay muna ako bago niyo gagawin ang gusto ninyo," sabi ko. Nilibot ko ang paningin ko at kita ko ang mga istudiyante na takot at kawawa ang mga itsura. Pero bakit wala si Volter? "Kung hinahanap mo si Volter, nasa loob siya ng box na 'yan at mayamaya lang ay mamatay na siya," sabi niya at tumawa. "Napaka demonyo mo! Paano niyo nagawa ito? Paano niyo nagawang manggamit ng mga istudiyanteng babae!?" galit kong sabi "Wala ka ng magagawa, nakuha ko na at ikaw ang isusunod ko," sabi niya at lalapit na sana siya sa akin pero agad kong naitutok ang kutsilyong dala ko. "Subukan mo akong hawakan, hindi ako magdadalawang isip na isaksak sa'yo ito! Pakawalan mo ang mga kaibigan ko Sir Demetrio!" utos ko sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ko pero kinakalma ko ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag at matapang. Buhay namin ang nakasalalay dito. "Papakawalan ko sila, sa isang kondisyon," Slsabi niya. "Anong kondisyon?" tanong ko. "Maiiwan ka rito at pakakasalan mo ako," sabi niya sa akin na umiigting ang panga. "Deal." Kunwari ay tinanggap ko. Ito na 'yong plano ko sisimulan ko na. "Sigurado ka ba sa sagot mo? Napakadali mo namang nakapagdesisyon Miss Fuentabella," hindi makapaniwala niyang sabi. "Para sa mga kaibigan ko, mas gugustuhin kong ako na lang ang magsasakripisyo," sabi ko na nakatitig sa mga mata niya. "Amazing," sabi niya at pumalakpak. Tinanggal niya ang tali ni Vanessa at Rose. Patakbo silang lumapit sa akin at niyakap ako. "Bakit ka pumayag? Masama siya Kyrhein," sabi ni Vanessa. "H'wag kayong mag-alala alam ko ang ginagawa ko, planado na 'to," bulong ko. "Pakawalan niyo na ang iba," utos ko. Agad naman silang sumunod at nagtulungan na tanggalin ang mga tali nila. Nilapitan ko ang kahon kung saan nakapaloob si Volter. Mabilis ko iyong sinira. "Volter, Volter gising," pukaw ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang dumilat. "K-kyrhein? W-what are you doing here?" pabulong niyang sabi. Bugbog sarado ang mukha niya at puno ng galos ang katawan. Maga ang mukha at putok ang labi. Tumulo ang luha ko at niyakap ko siya. "Ililigtas ko kayo," bulong ko. "Bilisan niyo na! H'wag na kayong maglampungan sa harapan ko!" sigaw ni Sir Demetrio. "Tumakas na kayo, umalis na kayo. Vanessa, tulungan niyo si Volter," tawag ko kay Vanessa. Agad naman silang lumapit at tinulungan siyang makatayo. "Ky paano ka?" nag aalalang tanong nila. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti. "Okay lang ako. Sige na umalis na kayo at iligtas niyo ang inyong sarili." "Hindi ako aalis na hindi ka kasama Ky," sabi ni Volter. "Magtiwala ka sa akin. Naka abang sila Apple sa library. Bilisan niyo na." "Umalis na kayo!" sigaw ko. Tumulo ang luha ko nang unti-unti na silang nawala sa paningin ko. "Come here," malambing kunyari niyang tawag sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko na nagpagulat sa akin. "I won't hurt you Ky, sundin mo lang lahat ng gusto ko nang hindi ka masasaktan," pabulong niyang sabi. Hinila niya ako at naglakad kami papasok sa isang pintoan na malaki, hindi ko alam kung saan kami pupunta, sumabay lang ako sa kaniya para hindi ako masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD