Natutulala akong naglakad pabalik sa classroom ko. Iniisip ko 'yung nagdurugo nyang kamao dahil sa pagsapak nya do'n sa pader. Bakit ba kasi ang laki ng galit nya sa pader nung rooftop? Palagi nyang sinasapak?
Umiling ako't nagbuntong hininga.
Hanggang ngayon naririnig ko parin ang boses nya. Hanggang ngayon iniisip ko parin 'yung sinabi nya sa akin kanina. Siguro nga ginagawa ko 'to para din sa sarili ko. Pero... bukod naman sa gusto kong magkaroon ng sponsor hanggang makatapos (sino ba naman kasing ayaw ng gano'n?), gusto ko din talaga syang tulungan. Oo, alam ko, tama sya. Hindi ko pa sya kilala. Pero mali sya kung iniisip niyang ayoko siyang mas kilalanin pa dahil gusto ko. Gusto ko syang maintindihan.
Nag-umpog ako ng ulo sa desk.
Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Biruin mo, hindi pa man namin kilala ng lubusan ang isa't-isa, disaster na kaagad?
Mabagal na natapos ang hapon ko. Nagkaklase kami pero iniisip ko kung paano ko mapapa-payag 'yung mayabang na maging tutor ako. Akalain mo 'yun, ipinagpalit ko ang lecture para lang isipin sya? Kahibangan 'di ba?
Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng school. Didiretso ako sa tambayan dahil walang patutunguhan ang pagiisip ko ng plano para doon sa mayabang na 'yon. Atsaka siguradong gulpi lang ang aabutin ko 'pag kinulit ko sya ngayon. High blood pa man din sya sa akin. Baka pumutok din iyong isa nyang kamay, dahil sa paggulpi sa akin 'pag kinuliglig ko sya ngayon.
Tahimik akong naglalakad doon sa maliit na eskinita patungo sa tambayan. Sa totoo lang, tahimik ako kasi hindi ako umiimik pero langya, 'yung utak ko, parang may debate. Para kong napa-praning na baka may biglang sumulpot sa kung saan tapos makikita ko nanaman sya. Ewan ko na talaga.
"'Yan! Akina yan! Ito sayo, akin 'yan!" napahinto ako kaagad sa paglalakad ng maaninag ko ang dalawang lalaking lumiko. Nagtatalo sila at may kung ano silang pinagpapasahan na bagay galing sa mga bulsa nila.
Ano 'yun, drugs?
"Ano ka? Ako kumuha nito ah? Akin 'to, ito na lang ang iyo."
Sandali silang natigilan ng makita akong nakatulala sa kanila doon. Agad-agad ang ginawa kong pag-iwas ng tingin at patay malisyang naglakad muli pasalubong sa kanila. Tumahimik sila ng malapit na ako sa kanila. Nagulat ako ng tinulak ng isang lalaki ang kasama nya. Agad itong nagreklamo't nagmura lalu na ng tumakbo ang lalaking kasama nya.
Tumabi ako ng kaunti sa daan para pagbigyan silang makadaan. Nilinga kong muli ang paligid at nag-obserba. Baka may lumabas nanaman na sugo ni satanas dito. Juicecolored. Ito na yata ang huling pagdaan ko dito.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtantong wala ng kung sinong pusakal ang naroon. Nagpasya akong gamitin nalang ang board ko para mas mabilis at para iwas hassle. Kinuha ko iyon mula sa pagkakasabit sa likod ko. Inalis ko ang tali at inihanda na sa kalsada. Nakasakay na ako noon sa board ko ng may kung anong nahagip ang mata ko sa daan. Umupo ako ng bahagya para matignan iyon ng maayos at nakumpirma kong isa iyong kwintas.
Isang heart gold necklace.
Luminga pa ako sa paligid, baka kasi pinagti-tripan ako ng may-ari nito.
Dinampot ko iyong kwintas at pinagmasdan ng mabuti... bukod sa common ang design... bakit parang pamilyar ito?
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko't inalala ang isang gabing iyon... 'yung gabing na-hold up ako... nung tinulungan ako nung mayabang... nung... AHA! Sabi ko na nga ba! Alam kong imposible at hindi kapani-paniwala pero...
Ito ang kwintas nya!
'Yung pinulot nya pagka-alis ng holdaper? AT! 'yung sinabi nyang ninakaw sa kanya nung isa pang holdaper na tinulungan ko.
Tinignan ko ulit 'yung kwintas. Totoo ba 'to? Baka naman pinaglalaruan lang ako ng pagkakataon?
Umiling ako't agad ibinulsa iyong kwintas.
Hindi eh. Medyo madilim noon pero hinding-hindi ko makakalimutan kung anong itsura nung kwintas nya... kasi pangbabae! At ito talaga 'yon! Pramis!
Sumakay ako sa board ko't mabilis nagpadyak sa kalsada para umpisahan ang pag-andar. Saktong pagliko ko sa isang kanto ay napababa ako bigla sa board ko.
Jusme. Muntik ko na akong makatama!
"Shiela! Please go home... I need you..."
Paalis na sana ako ulit ng mapalingon ako sa bandang gilid ko. Nandoon ang isang lalaking nakasandal sa isang poste't bahagyang nakayuko. Naamoy ko kaagad ang alak sa hangin. Ni hindi sya magkanda gulapay sa kalasingan doon.
"Hey, Shiela! Are you there?" pilit nyang inaninag ang mukha ko pero hindi sya gaanong makadilat.
Lasing talaga ito. Dumilat ka po. Hindi ako si Shiela.
"Ay kuya, hindi ako si Shiela. Hanapin mo baka nasa kabilang kanto, nagf-fishball."
Tinapik ko sya sa balikat nya bago ko sya nilampasan. Pero pagkababang pagkababa ko ng kamay kong 'yon ay agad-agad nyang nasunggaban ng hawak. Napaharap ako sa kanyang bigla. Binabawi ko mula sa kanya ang braso ko pero mas lalong humigpit ang hawak nya 'don.
Ito lang yata ang lasing na malakas kumapit?
"I maybe drunk... but I'm not blind, Shiela. Alam kong ikaw yan... please don't leave me... please..."
Hindi ka nga bulag kuya, lasing ka lang.
Nagunot ang noo ko ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Umiwas ako kaya halos mapatumba sya dala ng kalasingan. Inabuso ko naman ang pagkakaton para tanggalin ang hawak nya sakin ng lumuwag 'yon.
"Alam mo kuya, umuwi ka na lang. Walang Shiela dito. Mamaya ma-hold up ka pa. Ang dami kayang holdaper dito." Based on experience!
This time hindi ko na sya tinapik. Baka mahawakan nanaman ako eh. Paalis na talaga ako noon ng bigla syang mapaupo. Hala anong nangyayari dito? Baka mapatay 'to ng mga holdaper dahil sa sobrang kalasingan?
Nakonsensya naman ako.
I dropped one knee para maging magka-lebel kami. Tinignan ko sya at kinalabit.
"Huy kuya, ok ka pa ba?" malamang hindi na. 'Di na nga makilala kung sino si Shiela.
Mabagal ang ginawa nyang pag-angat ng ulo nya. Napababa akong lalo ng pagkakaupo ng bigla nyang hawakan ang magkabilang balikat ko.
"Shiela... I... I love you... please don't go... come home with me... I can't do this alone... Shiela..." mangiyak-ngiyak na sabi nya.
Hindi ko lang masabi na sayang ang acting nya dahil hindi naman ako si Shiela. Pero sayang sya. Kasi naman bibihira na lang ang mga lalaking katulad nya na wagas kung magmahal. Tapos ganito pa ang nagiging ending. Kawawa naman 'tong si kuya. He's lost. So lost in love with that... Shiela.
"Sorry kuya pero kasi hindi naman ako—"
"No... don't say that. Shiela, I'm begging you. Hindi ko kayang wala ka... I-I just... I couldn't... so please stay..."
Kinabog ang puso ko sa sinabi nya. Naalala ko si John Loyd sa 'One more chance'. Kakaiyak! 'Yung movie!
Napabuntong hininga ako.
Kung alam ko lang kung nasaan si Shiela, kanina ko pa syang hinila papunta dito.
Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti syang lumapit sa akin at aktong yayakapin ako. Patayo na sana ako pero may biglang taong bumulaga. Hinigit nya sa kwelyo si kuya at agad itong napatayo mula sa pagkakaupo kahit hindi parin magkanda-gulapay.
"She's breaking up with you, man. Just accept that and f**k off."
Napatingala ako sa isang lalaking naka-cap na may hawak ng kwelyo ni kuya.
"She's not!" pilit nyang inaalis ang pagkaka-hawak 'nung lalaki sa kwelyo nya pero ibinalibag lang sya nitong palayo na animo'y piraso lamang ito ng damit.
At dahil sobrang lasing si kuya, napasalampak sya sa kalsada ng walang kalaban-laban.
Pinulot ko ang board ko. Pero muli akong napabaling ng tingin doon sa lalaking naka-cap ng bigla nya akong hawakan sa pulso ko at hilahin patayo. Kinaladkad nya ako palayo pagkatapos.
Magrereklamo na sana ako ng bigla kong narinig ang sigaw ni kuyang lasing.
"Shiela!" pinipilit nyang tumayo pero hindi na niya kaya. Mukhang hilong-hilo siya.
Ng mawala siya sa paningin ko'y tsaka ko lamang nagpagtuunan ng pansin ang taong kasama ko. Binawi ko ang braso ko mula sa hawak niya. Napatigil sya sa paglakad at napalingon sa akin.
"You okay?"
Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa pagaalalang nahimigan ko sa boses nya. Para kasing matagal na kaming magkakilala kung tanungin niya ako.
Sandali akong napa-isip.
"Your ex is one hell of a guy. It's funny. I can never do that." tawa niya sa pagkamangha.
"He's not my ex." pagtatama ko.
"Wait..." nagtataka niya akong tinignan. "But your name's Shiela, right?"
"Also, no."
"Then--" Sandali siyang napaisip. "What was that?"
"Kilala ba kita?" tanong ko imbis na sagutin siya.
"Now you're kidding." ngisi niya at nag-antay sa reaksyon ko.
Ng manatili akong nagtataka ay tsaka lamang siya natuluyan sa pagtawa.
"Seriously? Okay."
Nag-idle ako sandali ng bigla nyang tanggalin ang suot nyang sumbrelo. Sinuklay niya ng daliri ang buhok ng isang beses. Iba na ang sunod niyang tingin sa akin. Iyong tipong para bang may kung anong interesante sa mukha ko o ano.
"Hi there, miss Skater." ngumisi siyang muli at ngayo'y may kindat pang kasama.
Napasinghap ako, "Ikaw ba 'yung..."
"Yep!" maligaya niyang tugon.
Hindi pa ako tapos magsalita ay kinumpirma na agad niya. Malay nito kung ang itatanong ko'y kung sya ba iyong call boy sa may kanto?
"It's Jack." humakbang siyang palapit. "What's yours?"
Kung tama ang pagkaka-alala ko, siya iyong nakita namin nila Vj sa parke isang gabi habang nags-skate kami. Iyong maangas at mukhang lasing na kinatuwaan ang pagiging skater ko. "Bakit?"
"Anong bakit?" natatawang sabi nya.
Tinignan ko lamang sya. Maya-maya'y humupa ang ngiti niya't unti-unting naging seryoso. Muli siyang humakbang palapit sa akin, invading my personal space.
"Let's just say..." sandal siya kunyaring nag-isip. "Because I saved you?"
Okay? Binibiro ba ako nito? Did I ask for help? At sino ba ang may kailangan ng pag-save mula sa isang walang kalaban-labang lasing?
I hate to break it to him but, "I don't need someone to save me." sabi ko, walang halong yabang o ano but just a matter of fact.
"Whatever you say." muling nagbalik ang interesadong ekspresyon sa mukha niya.
Ng humakbang pa siyang palapit sa akin ay napaatras na ako.
"Do you want to have fun?"
"Sandali lang." natatawa ngunit naguguluhan ko siyang tinapunan ng tingin. "Hindi ka naman siguro organ dealer, 'no? Wala ka naman sigurong balak ibenta ang mga organ ko in discounted price?" mabilis akong umiling. "Sinasabi ko sayo, mukha lang akong healthy pero marami akong kumplikasyon. Lalu na sa buhay!"
He laughed. Iyong tawang akala mo'y wala ng bukas.
"Damnit!" pulang-pula ang mukha niya kakatawa doon. "That's so cute!"
Cute? 'Yung pagbebenta ng organ ay cute? This guy is real trouble.
"Okay, I'm not signing up for this." sabi kong bigla sabay talikod sa kaniya.
Ilalatag ko na sana sa simento ang board ko ngunit hinawakan niya ang isang dulo nito.
Ng nilingon ko siya'y napakalapit na kaagad niya sa akin.
Hindi ba nito alam ang personal space?
"Come with me. I'll take you wherever you want." malat ang boses niya mula sa pagtawa. Ang multo ng ngiti ay naroon parin sa mukha niya.
Nagbibiro nga talaga siya. I just met him. Ni hindi ko alam anong klase ng tao siya. Paano ko siya maipapa-blotter kung ni hindi ko alam anong buong pangalan niya?
"Mister, what makes you think I'll come with you?"
"Jack," pagtatama niya.
Tumango ako. "Okay. Jack."
Satisfied siyang tumango din.
"I'm not coming with you." ngiti ko. "Goodbye!" Sabay akmang hila ko sa board ko.
"Yes, you are." hila niyang pabalik ng board ko. "Tell me. Saan mo gustong pumunta? I'm up for anything fun tonight!"
Umiling ako. Dapat na ba akong kabahan?
"Okay."
What?
Hinila niya ang board ko at nagsimula na siyang maglakad. Pilit kong inaagaw iyon sa kaniya ngunit ang higpit ng kapit niya doon.
Huy! Hala. Ano 'to?
"You're a skater. I know how much you love this thing. There's no way you'll leave it to run." ngisi niya pagkasulyap sa akin.
"You're not seriously--"
"You bet, I am!" tawa niya.
Ano bang nuno ang natapakan ko at bakit minamalas ako ng ganito? Anak ng tupang mga lamang lupang 'yan!
"Saan mo ako dadalhin?!" taranta ko nang sigaw.
Oh boy.
"Just shut up and come with me." muli niya akong kinindatan. "I'll make sure we're both gonna have our fun tonight!"
"Greenville?" basa ko sa nakasulat na pangalan ng hinintuan naming building. Umiilaw pa 'yon at talagang tanaw na tanaw kahit sa malayo. Ano naman kaya 'yon?
Napa-baling ako ng tingin sa kanya at naabutan ko syang nakatingin doon sa building. Natigilan ako ng bigla nya akong lingunin sabay ngising aso.
"Are you ready to have fun?" tanong nya sabay sulyap muli sa building.
Ano bang mayroon diyan?
Napatingin din tuloy ako ulit doon sa building. Muli kong binasa ang pangalan nito at halos malaglag ang panga ko ng mapansin kong may nakadugtong pa pala doon.
"Greenville... motel?" sabi ko habang nakatunganga sa tapat noon. Walang ilaw ang 'motel' kaya hindi sya pansinin sa unang tingin.
"Lets go?"
Malapit na sya sakin ng balingan ko sya ng tingin. Napatalon talaga akong palayo sa kanya.
"Hayup na—bitiwan mo yong board ko! Anong buong pangalan mo? Ipapa-blotter talaga kita!"
Nakipag-agawan ako sa kaniya sa board ko.
"Goddamnit! Why are you so cute?" tawang-tawa talaga siya. "Relax, okay? Dito naka-park yung sasakyan ko! What are you thinking?"
Huminto siya sandali kasabay ng pagkakatigil ko.
"Wait, were not--"
"Were not going in!" tawa ulit niya. Sabay sumeryoso. "Unless you want to."
"I can't really trust you." Sabay hila kong muli sa board ko.
"Hey, I'm just messing with you! Masyado ka namang seryoso dyan!" puno parin ng humor ang boses niya.
Hanggang sa makarating kami sa parking space ay naga-alangan parin ako't hindi mapalagay.
"How about you loosen up so we can have fun?" sabi niya pagkabukas ng pinto ng passenger's seat. "Sounds good?"
Tinignan ko siya ng mabuti. Alam kong hindi tamang basta nalang akong sumama sa kaniya pero may kung ano sa akin na nagsasabing harmless siya. At kung titigilan lang niya ang mga biro niya'y makukumbinsi niya akong totoo iyon.
"Okay." buntong hininga ko. "I know some deadly self defense so don't try anything funny."
He shrugged, smiling. "Good to know."
Tinignan ko 'yung plate number ng kotse nya't palihim na tinandaan bago tuluyang sumakay.
Hindi ako mapalagay buong byahe. Panay ako tingin sa dinaraanan namin para siguraduhing alam ko pa ang lugar. Samantalang siya'y ito't pakanta-kanta lang habang sinasabayan ang kanta sa speaker.
"Loosen up, you. Mukha kang kukuha ng importanteng exam ng hindi nakapag-review. For real!" sulyap niya.
"You're just too chill." obserba ko. "At saan ba kasi tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot. Ilang minuto ang nakalipas ng sa wakas ay mag-park siya.
"And we're here." naabutan ko syang tinatanaw ang labas mula sa bintana ng kotse.
Pinagmasdan ko ang buong paligid mula sa entrance ng makababa kami. Marami paring tao sa loob kahit gabi na.
"Let's go?" excited niyang sabi habang wini-wave ang mga ticket na hawak.
Napangiti ako pagka-pasok ng salubungin ang mata ko ng mga nagkikislapang ilaw at ilang mascot na kumakaway sa amin bilang pag-bati. Magkakahalong ingay ng mga makina ng rides, sigaw at tawanan ng mga pasahero nito at ilang usapan ng mga naglipanang tao sa paligid. Marami ding stall ng pagkain at games ang nakita ko roon.
"Amusement park?" sulyap ko sa kaniya.
"Too traditional?" sabi nya habang busy'ng-busy sa pag-scan ng lugar. "It looks just like in the movies, huh?" Tumango pa sya na para bang may haka-hakang napatunayan.
"Hindi ka pa naka-punta dito?" kunot noo ko sa pagtataka sabay napakibit-balikat "Wala ka bang kaibigan?"
Ngumuso siya at tumango. "I sure have plenty. Why?"
"Kung mayroon, bakit ako pa ang sinama mo dito?" sabay mwestra ko sa kabuuan ng amusement park.
"Dahil hindi ko dine-date ang mga kaibigan ko?" kibit-balikat nyang sabi. "Mga kaibigan kong lalaki, I mean. But since you're a girl, might as well call this a friendly date."
Kinunot ko lang ang noo ko sa kindat nya. Friendly date ka pa ha. Wala ngang 'friend'! Stranger date! Ah teka! Sinong may sabing 'date' ito?
"Now, let's start the fun!"
Nag-ikot muna kami doon at nanginain. Ilang games din ang sinubukan namin at ni isa ay wala kaming napanalunan.
"Alam mo, swerte ako eh. May bitbit ka sigurong malas. O baka sinisingil ka na ng karma sa lahat ng kalokohan mo!" biro ko.
"Having you here with me already exceeded my luck for the night. So how could I possibly ask for more?" ganting banat niya.
Sabi ko nga mas magaling siyang bumanat eh.
Ng napatingin ako sa isang ride ay may nabuo akong evil plan. Hindi pa sya nakaka-kita ng amusement park 'di ba? Meaning hindi pa nya nata-try sumakay ng rides.
"Nakikita mo ang isang 'yon?" sabay turo sa space shuttle.
"Yeah. Looks interesting." sulyap niya habang abala sa pagkain ng hotdog sandwich.
Interesting pala ha. "Tara!" aya ko sabay takbo patungo doon.
Sumunod sya sa akin. Tignan ko ang tapang nito.
Mula sa pagiging excited ay nabigo ako. "Ang haba ng pila."
"No worries." pagka-punas ng tissue sa gilid ng labi ay sinuong niya ang kahabaan ng pila patungo sa pinaka-unahan nito.
Ano balak nya? Sisingit?
Sinundan ko siya patungo doon.
"Hi, pretty miss."
Nakita kong nabigla 'yung babaeng nasa unahan ng pila pagkalingon sa kaniya. Kinakalabit na din sya ng kasama nya dahil napatulala sya dito sa lalaking kasama ko. Parang gusto ko ngang i-check 'yung mukha ni Jack kasi parang may nakikita 'yung babae do'n na hindi nakikita ng iba.
"Itatanong ko lang sana kung pwedeng mauna kami nitong baby sister ko. She badly wants to ride this. And I'm afraid that it would be her last. Kasi..." kinagat nya ang labi nya't yumuko ng bahagya. Nakita kong unti-unting namula ang mga mata nya.
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka.
"K-kasi?" tanong ng babaeng mukhang nac-carried away na sa acting ni Jack.
"'Cause she has a brain tumor." singhap niya.
Namilog ang mga mata ng babae at napanganga katulad ko.
"I'm sorry... don't mind my crying." may narinig akong pekeng hikbi at singhot.
Sapu-sapo na ng babae ang dibdib niya't mamula-mula narin ang mga mata habang maiging pinanonood si Jack.
"Actually, gabi na kaya hindi na dapat sya nasa labas pero nag-please sya sakin na magpunta dito dahil gustong-gusto nya ang ride na yan. Kaya itinakas ko sya. But then, ang haba ng pila..."
Napanganga ako ng marinig ko ang pagkakabasag ng boses ni Jack. Seryoso? Maniniwala ka ba diyan? May tumor ang kapatid mo tapos isasakay mo sa space shuttle? Pinapaaga mo ba ang buhay nya? Imposible 'tong taong 'to!
"Oh my God." singhap ng dalawang babae habang sapo ang nanginginig na mga labi.
Nagulat ako ng malingunan kong nakatingin na din ang ibang mga nakapila at maging sila'y napapasinghap. Parang gusto ko pa ngang mapangiwi sa natatanggap kong mga naha-habag na tingin.
"You're such a good brother." nagpupunas ng luhang sabi babaeng nasa unahan ng pila. "S-sige na, mauna na kayo ng baby sister mo. Kaya naman naming maghintay pa ng konti."
Mabilis namang nagsipag-ayon ang iba pang nakapila.
Ngumiti si Jack na kala mo'y iniligtas siya nito mula sa panga-api. "Thank you. Maraming-maraming salamat sa inyo. I deeply appreciate it... I'm sure pati ng baby sister ko." Sabay baling sa akin.
Pinanlakihan ko sya ng mata. Really? Ganoon lang iyon? Naniwala sila? Pero kasi naman, sino ba kasing magjo-joke ng mga bagay tulad nito? Wala namang maglalakas loob na gumawa nito kundi siya!
Parang gusto ko ng matawa pero kailangan kong pigilan dahil baka mauwi sa wala ang acting ng bugok na si Jack.
Pagkadaan namin sa mga babae ay tinignan nila ako na para akong tutang sugatan. 'Yung mga mukha nila'y talagang awang-awa.
Talaga lang ha? Mukha ba akong may tumor?
Kaya ayun. Naka-sakay kami agad pagkatapos ng isang ride.
"Pwede na ba akong mag-theater arts?" nakangising sabi nya habang sumasakay kami.
Natatawa akong napailing. "Tumor? Baby sister? Seryoso? Alam mo mas bilib ako sa lakas ng loob mong manloko eh."
Tinawanan lamang nya ako.
Tahimik siya buong byahe habang ako'y halos mamaos kakasigaw. Ilang minuto lang 'yon at bumaba na din kami pagkatapos.
Grade hindi ako makatayo ng maayos dahil sa panginginig ng mga tuhod ko!
Ng hinanap ko si Jack ay naabutan ko syang nakayuko sa isang basurahan.
Hala ka. Sumusuka ba 'to?
"Uy, ok ka lang?" nilapitan ko sya kaagad kahit palihim akong natatawa.
"To hell with that--" bigla syang nasuka.
Nagulat naman ako kaya tinapik-tapik ko na lang ang likuran nya.
"Fucker!" He screamed grudgingly habang naka dirty finger sa space shuttle.
Hindi ko talaga napigilang humagalpak ng tawa. Bukod sa exhilaration mula sa pagsakay ay tawang-tawa din talaga ako 'pag nakikita ko ang mukha niya. Iyong pag-chill-chill niya kasi kanina ay naglaho na ng parang bula.
"What so funny?" kunot noo niya.
"'Di ba ang bilis ng karma?" sabay tawa ko ulit hanggang sa manggilid na ang luha ko.
Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang 'trouble' siya in a dangerous way. Kasi trouble talaga siya! Sa katatawanan!
Hindi muna kami sumakay ulit. Namahinga muna kami sa isang bench. Pinainom ko na ng tubig. Nakakaawa din pala siya kung iisipin.
Buong sandali siyang tahimik. Mukhang tinangay ng space shuttle ang kalokohan nito ah. Na-trauma?
Ayaw na nyang sumakay pero pinilit ko parin syang sumakay sa flying fiesta na syang nagi-isang nagustuhan naman niya. Para syang batang tuwang-tuwa noong nakasakay kami doon. Inosenteng inosente ang hitsura nya na hindi mo aakalaing iisang tao lang sila ng pa-chill-chill na si Jack.
"Next time I'll come back here, yan lang ang ride na sasakyan ko ng paulit-ulit. Nothing else!" deklara niya sabay ngiti na kala mo'y batang naibili ng bagong laruan.
Akalain mo? Cute din pala ang isang ito kung minsan.
Dala ng page-enjoy ay nalimutan ko na ang pagpunta sa tambayan. Nag-try pa kami ng ilang rides hanggang sa mag fireworks display na. Pagod na pagod ako sa kakasigaw at kakatawa ng paalis na kami doon. Kung mag-kwentuhan kami sa sasakyan buong byahe pauwi ay aakalain mong matagal na kaming mag-tropa. Para kaming mga batang sinasaniban sa pagku-kwento. Ni hindi ko namalayang ilang kanto nalang kami sa bahay, kung saan ako nagpapababa. Hindi ko sinabi sa kaniya kung saan ang bahay namin. Kahit pa magaan na ang loob ko sa kaniya'y iba parin ang nagi-ingat.
"Uy salamat ah." sabi ko pagka-abot niya sakin ng board ko. "Salamat dahil hindi mo binenta ng discounted mga organ ko!"
Sabay kaming natawa.
"Una na 'ko. Ingat ka." pababa na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Wala bang goodbye kiss d'yan, baby sister?" sabi nya sabay nguso.
Inambaan ko nga.
"Woah! Woah! Chill. Joke lang, grabe talaga 'to." Suko niya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
Aalis na ulit sana talaga ako kaso natigilan ako ulit dahil may sinabi nanaman sya.
"Isa lang sa cheeks o?"
Nilingon ko't sinapak na.
"Ouch!"
"Gusto mong masuka ulit? Ha? Sabihin mo lang." natatawa kong banta.
Mabilis siyang umiling ng nakanguso. "No thanks, ma'am."
Tuluyan na akong bumaba.
"Hey!"
Sinilip ko sya sa loob ng binaba niya ang bintana.
"Bakit?" tanong ko.
"Thank you for tonight. I had plenty of fun." mapungay ang mga mata niya ng nginitian ako. "You take care. See you!"
Tanging thumbs up at matamis na ngiti lamang ang isinukli ko sa kaniya bago siya tuluyang umalis.