PART 23: Ulan (1)

3522 Words

Nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkaka-tigil ko sa paglakad ng mawala sa paningin ko si Pj dahil sa dalawang lalaking nangharang sa akin. Seryoso't madilim ang mga mukha nilang nakamasid sa akin ng nag-angat ako ng tingin. "Ikaw ba ang anak ni Kenji Rodriguez?" Tumabi ang dalawang lalaking nasa harapan ko para bigyan ng daan iyong lalaki sa bandang likuran nila na nagsalita. Kumunot ng bahagya ang noo ko habang pinapanood ang paghakbang nya palapit. Matangkad ito't malaki ang pangangatawan. May kung anong tattoo akong nakita sa leeg nya. "Sumagot ka! Ikaw ba?" bahagyang tumaas ang boses nya dahil sa katahimikan ko. "Sino ba kayo?" Pinasadahan ko ng tingin iyong dalawang nasa gilid na lalaki. Katamtaman lang ang laki nila ngunit malaki din ang pangangatawan. Gustuhin ko mang matawa d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD