BINGO

1048 Words
The Betrayal | Chapter 10 "DO YOU NEED THIS ONE BA, MOMMY?" masiglang tanong ni Tasha kay Carol. Nakauwi na sila kaninang umaga pagkatapos nilang magsimba muna kasama ang daddy niya. Hinatid siya nito sa bahay nila, at tulad ng inaasahan niya wala si Lawrence nang umuwi siya. Hindi naman nagtanong si Tasha, tungkol dito. "Please, Anak. Okay lang ba kung iabot mo kay mommy?" aniya rito. Sinundan niya nang tingin si Tasha hanggang sa makababa ito sa high chair na pinapatungan nito para maabot siya. Nag presinta itong tulungan siyang gumawa ng carrot cake na paborito at nakakabuti rito. "Mommy.." ani sa kaniya ni Tasha. Napalunok si Carol dahil alam niyang gustong-gusto na nito magtanong tungkol sa ama nitong hanggang sa mga sandaling iyon wala siyang alam kung nasaan ito. Naka-deactivate din ito at inaasahan niya iyon, ganoon naman talaga si Lawrence kapag wala ito sa kanila nag-de-deact ito at kapag umuwi naman active ulit. Minsan nga iniisip niyang komprontahin ito sa bagay na iyon, iniiwasan niya lang dahil ayaw niyang may mahalata o may marinig si Tasha na pinagtutulungan nila. "Si Daddy ba, Anak? Hindi pa alam kung nasaan siya eh. Ang sabi ni Tita Jane naka-leave siya hindi ba?" sambit niya rito. "Bakit hindi po nagpapa-alam sa iyo si daddy, Mommy?" inosenteng tanong sa kaniya ni Tasha. Kinuha niya ang tong na pinaabot niya sa kaniya at hinarap ito. "Anak, marami ka pang hindi naiintindihan sa amin ng daddy mo. But sooner or later, maiintindihan mo rin iyon dahil alam kong matalino ka, Anak. But now, mommy can't explain you will. Malabo rin sa akin ang lahat eh." "Gusto niyo na ba maghiwalay?" Napalunok si Carol sa tanong sa kaniya ni Tasha. na iyon, iniiwasan niya lang dahil ayaw niyang may mahalata o may marinig si Tasha na pinagtutulungan nila. "Si Daddy ba, Anak? Hindi pa alam kung nasaan siya eh. Ang sabi ni Tita Jane naka-leave siya hindi ba?" sambit niya rito. "Bakit hindi po nagpapa-alam sa iyo si daddy, Mommy?" inosenteng tanong sa kaniya ni Tasha. Kinuha niya ang tong na pinaabot niya sa kaniya at hinarap ito. "Anak, marami ka pang hindi naiintindihan sa amin ng daddy mo. But sooner or later, maiintindihan mo rin iyon dahil alam kong matalino ka, Anak. But now, mommy can't explain you will. Malabo rin sa akin ang lahat eh." "Gusto niyo na ba maghiwalay?" Napalunok si Carol sa tanong sa kaniya ni Tasha. Hindi niya akalaing maiisip nito ang lahat ng iyon. "Tasha, no. Hindi, Anak. Walang ganoon, hindi naman ganoon, Baby, eh. Just like mommy said 'di ba, marami ka pang hindi naiintindihan. J-just leave this to mommy and daddy, please, Anak." Ngumiti si Tasha sa kaniya. "I will, Mommy. Sorry for asking ha, na-mi-miss ko lang po si daddy at alam kong ganoon ka rin, Mommy." "Babalik din si daddy iyon ang lagi mong isipin, Anak, ha. Wala naman ibang pamilya si daddy kun 'di tayo lang 'di ba? Ikaw lang ang baby, n'on." Tango ang naging sagot sa kaniya ni Tasha. Niyakap niya sa ulo ito sabay na hinalikan. "I'M HOME..." Sabay ang ginawang paglingon ni Carol at Tasha sa biglang dating. Si Lawrence.. "Daddy..." Malakas na sigaw ni Tasha rito, inalalayan niya itong makababa at mabilis na sinalubong ng yakap ang ama nito. Iniwas ni Carol ang tingin niya rito nang sumulyap ito sa kaniya. Ganoon na lang talaga ang routine nito sa bahay nila, aalis ng walang paalam— babalik ng walang pasabi. "Daddy, saan ka po nanggaling? Ang sabi mo 'di ba, magbabakasyon tayo? Bakit bigla ka po hindi umuwi dito sa amin ni mommy?" inosenteng tanong pa rin sa ni Tasha rito. Kunwang inabala ni Carol ang sarili niya sa ginagawa. "May biglaang vacation trip si daddy eh, hindi na nakapagpaalam, Anak. Sorry, ha." Narinig niyang tugon ni Lawrence kay Tasha, sa sulok ng mga mata niya nakatingin ito sa kaniya. "Forgiven, Daddy. Hindi ba, Mommy? Forgive na natin si daddy?" Napilitang napatingin si Carol sa gawi ng mag-ama niya, pansin niya ang maliit na kamay ni Tasha na hawak-hawak ng magaling nitong ama. Sana ganoon kadali magpasensya. Magpatawad, ani sa isip niya. "Babawi si daddy, Anak. Kasi bumalik na si daddy eh." Narinig niya pa habang ang mga mata nito'y nakatingin sa kaniya. "Okay lang ba, Carol?" anito sa kaniya. Ang lakas lang din talaga ng loob ni Lawrence harapin siya, kahit na harap-harapan ang pagkukunwari nito sa harap niya. "Don't make any promises, just prove it," nakangiti niyang tugon dito. Pinagmasdan niya ang mag-ina niya hanggang sa lumapit ito sa gawi niya. Binitiwan nito ang kamay ni Tasha at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I miss you, Mrs. Saavedra.." puno ng pagkukunwaring lambing sa kaniya ni Lawrence. Binaba niya ang tingin niya kay Tasha. "Huwag mo akong binobola sa harapan ng anak ko, Lawrence," nakangiting saad ko sa kaniya ng pabulong iniiwasan kong marinig ito ni Tasha. "C-Carol!" sambit ni Lawrence sa pangalan niya. "Anak, samahan mo na ang daddy mo sa kwarto mo. Baka may pasalubong siya sa 'yo. Right, Rence? For sure naman hindi mo kinalimutan ang bata hindi ba?" pasaring niyang tanong. "Of course, mayroon ka rin siyempre. Hindi naman pweding wala kayo eh." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Paano niya ba sasabihin sa harap nitong wala siyang ni katiting na interes sa sinasabing pasalubong nito sa kaniya? Napailing-iling na lang siya habang sinusundan ng tingin ang mga ito. Kung hindi niya lang nakikita ang saya sa mukha ni Tasha, 'di sana'y pinagtabuyan niya ito palabas sa bahay nila. Afterall, bahay niya iyon bigay sa kaniya ng magulang niya iyon. Siya ang may karapatan, at heto wala kahit na kaunti. Sino ba si Lawrence nang ibigay sa kaniya ni Mildred? Wala ito, kahit kaunti wala itong maipagmamalaki sa kaniya. Magpasalamat na lang ito at naging bunga si Tasha nang pagsasama nila, dahil kung hindi matagal niya nang pinutol ang kahit na ano'ng relasyon na mayroon siya rito sa kabila ng sakit na pinaramdam nito sa kaniya. 'Malalaman ko rin ang lahat, and I make sure na sa kulungan ka pupulutin, Lawrence! Huwag ka lang magpapahuli! Galingan niyo pa ng babae mo!' galit na bulong ni Carol sa sarili habang nakatingin sa pinto kung saan pumasok si Lawrence kasama ang anak niyang si Tasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD