CHAPTER 7. #TBLWarning Masigla akong umalis at pumasok para sa unang araw ng trabaho. Excited na ako na makakilala ng bagong mga kaibigan na kasama ko sa hotel. Sa likod ako dumaan kung saan tinuro ni Ylona papunta sa locker. Nang makarating na ako ay agad kong inilagay ang mga gamit ko, bag at isinuot ang uniform na binigay ni Ylona. "Uhm? Astrid?" Natigilan ako ng tinawag ako ng isamg babae na kasama ko sa trabaho. "Po?" "Ako nga pala si Camille, kasama mo sa section H," wika niya. "Section H?" Kunot noo kung tanong. "Yes, every floor here has a section. Kagaya ng first floor section A naman sila ibang grupo naman ang naka-assign dun na nagtatrabaho, kasama mo ako dito sa section H, actually sampung room lang ang nandito kaya hindi tayo mahirapan kasi tatlo lang tayo dito

