CHAPTER 30. #TBLLadyInGold Binihisan ko si Rigel at ang guwapo niya sa suot niyang cute na tuxedo at ihahatid siya sa relatives nila dahil sila ang magbabantaynkay Rigel. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dun mismo sa party 'e sumama nga ako para bantayan si Rigel tapos iba din naman pala ang magbabantay sa kaniya. Pero wala na akong magagawa may gown na ako at handa na ang lahat kaya hindi na ako tatanggi. Minsan lang ako maging maganda kaya itotodo ko na 'to. "Behave ka mamaya Rigel ha? Tsaka nandun din si Ashe kaya don't worry," wika ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok niya. Tumango lang siya at nilagyan ko ng gel ang buhok niya. Pagkatapos ko siyang bihisan at ayusan ay hinatid ko na siya sa kotse ng kuya Sky niya. Nang makaalis na sila ay agad na akong pumasok a

