CHAPTER 32. #TBLByeAshe Nakakapagod. Yan lang ang masasabi ko ngayong araw, hindi ko alam kung bakit. Pero kaninang alas-tres gising na ako. Umalis kami ni Sky at bumili ng mga lulutuin ko mamaya para sa birthday ni Rigel. Marami kaming pinamili ni Sky, dahil ngayong araw din ang huling araw ni Rigel dito sa bahay. Naiiyak ako, nalulungkot at nakakapanghina. Hindi ko pa nahahawakan at nakikita si Rigel dahil nandoon siya sa mga relatives nila. Kahit na sila hindi rin alam na may sakit si Rigel. Kumain muna ako bago pumonta sa kusina dahil pakiramdam ko kaya ako napagod dahil gutom lang ako. Mabuti na lang at may ulam na natira sa ref at ang sarap ng adobo kapag nalipasan. Mas lalong lumalabas ang kaniyang lasa. Pagkatapos kong kumain ay ginalaw ko na ang mga lulutuin, inuna ko an

