CHAPTER 9. #TBLSkyCostaVerde Dahil day-off ko nagdesisyon ako na ipadala muna ang kalahating pera na natitira sa akin. Mabuti na lang talaga hindi niya ginalaw ang pera na ipapadala ko kay Nanay. Bibili na lang muna ako ng sapatos, wala nga pala akong kontak kay Nanay paano ko siya mapapadalhan? Bibili na lang ako ng sapatos para bago at hindi na ako magtiis dito sa lumang sapatos ko na isang gamit na lang ata masisira na. Naghihingalo na ito. Nagpaalam ako kay Camille na bibili lang ako ng sapatos ko at balik ako agad. Suot ko ang paborito kong bestida at unang beses ko gumala dito. Bibili na rin ako ng ulam namin mamaya ni Camille, tsaka dun na ako uupa sa kaniyang inuupahan. Mabuti na lang at may nakilala akong Camille Balsomo, kung hindi siguro wala akong patutungohan dito sa Mayn

