CHAPTER 23: PROVE THEM WRONG

2514 Words

CHAPTER 23. #TBLProveThemWrong Nagising ako ng maramdaman kong tumayo siya, agad naman akong umupo sa kama at tinignan kong saan siya papunta. Tumayo naman ako para ayusin ang higaan niya, mukhang okay naman siya, kagabi sobrang hina niya. Nang lumabas na siya sa banyo ay nagulat ako ng mapansin niyang iba na ang suot niya. Tinignan niya ito at nagkatinginan naman kami, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nakakahiya. "Uhm, pinalitan ko iyan kasi basang-basa ka, w-wala naman akong may ginalaw," paliwanag ko habang nakatalikod sa kaniya. "You're getting red," mas lalo akong nahiya sa sinabi niya. "Sige magluluto muna ako ng almusal niyo, bumaba ka na lang kung nagugutom ka na," dali-dali akong lumabas ng kuwarto niya at nakita ko pang nakangisi siya. Nakakahiya itong ginawa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD