CHAPTER 35. #TBLYesOrNo Andami ko ngayong pinamili dahil wala nang laman ang pantry lalo na ang ref kaya nagdesisyon ako na mag-groceries na. Nagpaalam naman ako kay Sky at Skylar at binigyan ako ng pera ni Sky. Halos lahat ng kulang inilista ko andami kong nabili kaya lahat ng mga mata ng customer nasa akin. Halos sampung punong carr ang nakalinya kaya siguro nainis sila sa akin. Mabuti na lang at mabilis ang cashier kumilos kaya hindi ako natagalan at nagpahatid na ako sa driver na inutusan ni Sky na sunduin ako. Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng kaba, kaba na parang gusto kong bilisan ni Manong na makarating sa mansyon. Parang nae-excite ako umuwi, siguro nae-excite lang ako maglagay ng pinamili ko sa ref at pantry. Kaya pinapanood ko na lang ang mga buildings na nadadaanan

