ERRORS AHEAD
"Im sorry......"
Bigla akong napabangon dahil sa napaginipan. Habol ko ang hininga ko at kasing bilis ito nang mga kabayo. Sinubukan kong ibalik ang tulog ko pero di na ako dinalaw muli.
Napaginipan ko na naman ang taong yun.
At dahil di na ako makatulog muli ay lumabas nalang ako at pumunta sa bakuran namin kung saan kitang-kita ang libo-libong bituin sa kalangitan at ang buwan na syang sentro tuwing gabi.
"Sa ilalim libo-libong bituin at sa buwan na kay ningning ay isasayaw kita. Hindi man kita maipagmalaki sa araw pero saksi ang gabi kung gaano kita ka mahal. . ."
Sandali akong natulala nang maalala ko ang buo nyang sinabi sa akin.. Nilibot ko ang aking tingin sa bakuran at kahit madilim ay nakita ko parin ang bagay sa tabi ng puno nang narra.
~Yelling at the sky
Screaming at the world
Baby, why'd you go away?
I'm still your girl~
Isang maliit na lamesa at dalawang upuan at isang speaker na maliit, may isang lalaki at babae na nag-uusap doon at halatang masaya sila hindi nagtagal ay pumunta ang lalaki sa gawi ng speaker at pinatutog nya ang isang pamilyar na kanta..
At dahan dahang iginiya nang lalaki ang babae para tumayo, ikinuwit ng babae ang kamay nya sa leeg nang lalaki at dahan dahan silang nagsayaw habang may ngiti sa labi. . .
~Every night I'm dancing with your ghost
Every night I'm dancing with your ghost~
Agad akong kumurap at wala na ang babae at lalaking nagsasayaw. Namuo ang mga luha ko dahil naalala ko na naman ang nakaraan ko.
At kahit saan ako tumingin ay siya parin ang nakikita ko. Paano pa ako magmamahal uli? Kung bawat tingin ko ay sya ang naalala ko?
Kinuha ko ang telepono ko at pinatugtog ko ang kanta na napaka espesyal sa akin tsaka ako marahang tumayo dinama ko ang lamig nang gabi habang nakapikit ang aking mata at iniisip na nasa harapan ko lang sya.
"Lagi ko sinasabi sa sarili ko na ayos lang ako. Pero lagi kong nakikita ang sarili ko na umiiyak" marahang sabi ko habang nakapikit ako na para bang nasa harapan ko lang sya.
Nakakatawa dahil lagi akong nagde deny na hindi masakit pero lagi ko syang hinahanap.
Pagka gising ko nang umaga, pag maliligo ako, kakain, maglalakad, magbibihis, magsusuklay, at kahit sa pagtulog sya ang hinahanap ko at napakasakit dahil lagi kang umaasa na sana makita muli sya na buhay na buhay at nakangiti.
Yung mukhang gusto mo makita tuwing magigising ka hindi muna muli makikita, yung boses nya na nakakabuo nang araw mo hindi mo na maririnig pa, yung makita mo yung upuang nakalaan para sa kanya ay bakante na. . .
~Never got the chance,
To say a last goodbye,
I gotta move on
But it hurts to try~
At yung pangako nyang isasayaw ako gabi-gabi ay hindi nya na matutupad pa.. Nakikita ko nalang yung sarili kong tinutupad mag-isa ang mga pangako nya. At laging binabalikan lahat ng mga alala.
Napaiyak nalang ako at nanghihinang napa upo sa damuhan. Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko, hindi manlang sya nagpaalam na mawawala na sya.
And I don't know if im dancing with his ghost every night but i see my self walking to the backyard and play the music with closed eyes and dancing slowly like he's just there...
Kung sana nakipaghiwalay lang sya sakin ehh o naghanap nang iba pero hindi ehh. . .
Ayos lang sakin na makita sya sa piling nang iba matatanggap ko pa kasi alam ko makikita ko pa naman sya pero yung makita mo sya na nasa kabaong at unti unting tinatabunan nang lupa?? Yung makita mo syang nanghihina sa bawat araw?? Hindi ko kaya.
~How do I love again?
How do I trust
How do I trust again?~
Kasi ako yung laban ko, panghabang buhay.. Nakikipag laban ako sa pangungulila sa kanya araw-araw na kahit kailan hindi naman maiibsan.
Gigising kang hindi mo nariinig yung boses nya at hanggang sa matulog ka nalang kasi nga alam mong wala na sya. At hanggang sa maging manhid ang puso mo at masanay ka nalang.
Natapos ang kanta at umihip ang kakaibang hangin. Sa lamig nang gabi ay mayroong isang mainit na hangin ang yumakap sa akin at isang boses na pamilyar sa akin ang bumulong.
~Every night I'm dancing with your ghost
Every night I'm dancing with your ghost~
"Yes darling you're dancing with my ghost every night. Please let me go now. . . "