Chapter 14
Dinala namin ito sa hospital. Halos maiyak ako habang nakatingin sa walang malay na ina ni Isaac. Patuloy lamang sa pag hawak si Isaac sa kamay niya hanggang makarating kami sa hospital.
Napahawak ako sa dibdib at pinanuod kung paano nag sitarantahan ang mga doctor nang makita ang kalagayan ni Ma'am Iza. Mahigpit akong humawak sa kamay ni Isaac.
"It's gonna be alright..." He whispered and kissed the top of my head.
Tumango ako at mariing pumikit. May nasabi ba akong masama? Bakit nahimatay ang mama niya?
Itinaas ko ang tingin kay Isaac kahit halos lukot na ang mukha ko. Napatingin din siya sa'kin at pilit na itinago ang takot sa kanyang mukha kahit napapansin ko 'yon. Natatakot ba siya na mawala ang kanyang mama? Paano kung dahil sa akin ay nangyari ito?
I bit my lips. "Kasalanan ko..."
"No..." He touches my cheek. "Hindi mo kasalanan. Something triggered her that's why she collapsed. It's not your fault, Vennie.."
"M-may nasabi ba akong masama?"
His eyes are expressing something. Mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa 'di niya pag sagot. He frowned and let go of my cheek. His phone suddenly rang, sumulyap lang siya sa akin at bumuntong hininga bago lumayo at sinagot ito.
"Hello..."
Pinanuod ko siyang umalis sa hallway. Gusto kong maiyak habang tinitignan ang ICU. Nasa loob non ang mama niya. Paano kung may mangyaring masama dito? Bakit nagalit sa akin si Ma'am Iza?
Ang huli ko lang namang sinabi ang pangalan ng aking magulang. Why? Does she know my parents? Kilala niya na Ito? Ngunit bakit siya hinimatay...
Sobrang sama ng kutob ko hanggang bumalik si Isaac. Hindi ko siya pinansin. Hindi siya sumagot sa'kin nung tinanong ko siya at mukhang ganoon din ito. Paulit ulit siyang bumuntong hininga habang may isang upuan na nag hihiwalay sa amin.
Ilang oras pa ay biglang lumabas ang doctor. Seryoso siyang tumingin sa gawi namin. He glanced at me before he looks at Isaac. Mukhang kilala pa ata ni Isaac ito. The doctor is younger than us. Tumayo din ako para malaman ang nangyayari.
"How is my mother, Isiah?" Isaac casually asked the doctor.
"Tita is still unconscious. Her trauma triggered again that's why she collapsed." Tumingin muli ito sa akin bago bumuntong hininga. "We already gave her, her medicine."
Mabilis akong tumingin kay Isaac. My heart is beating unconsciously. Nalilito na ako.
"Ako lang naman ang huli niyang kausap. May nasabi ba akong masama? Dahil ba sa akin kaya nahimatay ang mama mo, Isaac?"
"Vennie.." Isaac shook is head.
Hindi ito sumagot kaya mas lalo akong nasasaktan dahil nahihirapan siya at ganuon din ako pati ang kanyang ina at ayaw kong pagmulan ng away itong gulong 'toh.
"Fix everything, Isaac." I heard Isiah.
Nang iniwan kami ng doctor ay mabilis kong nilapitan si Isaac. Napahilamos lamang ito at tinignan ako. Alam ko sa sarili kong nahihirapan na ako. Gulong gulo na ang isip ko kung bakit ba kami nag kaka ganito? Anong problema?
"Sabihin mo sa'kin... Ano bang problema?" Nag mamakaawa kong sambit.
Umiling siya. "Let's not talk about it right now.."
"Isaac naman! Bakit nahimatay ang mama mo! Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman na kasalanan ko kung bakit siya nahimatay?" I held his arms like i'm begging for his answers. "Isaac..."
"I'll explain everything, Vennie, pero hindi ngayon." Napahilot ito sa sentido. "f**k!"
Unti unti akong bumitaw at mabilis na naglakad palayo. I heard Isaac calling my name loudly kaya mas mabilis akong tumakbo at 'di siya hinarap. Tumungo agad ako sa garden ng hospital at doon nilabas ang iyak ko. I saw some patients there tila doon nag papahinga. Tinago ko lamang ang iyak ko sa isang gilid.
Pakiramdam ko ay may tinatago sa akin si Isaac. Ano bang alam nila sa magulang ko? Bakit ang hirap na hirap silang sabihin ang totoo sa'kin?
Humikbi ako ng humikbi. Doon ko lamang iniyak lahat. Alam kong may nakakarinug sa akin ngunit 'di ko pinansin 'yon. Alam ko lang ay hanggang hapon ay nandoon ako sa isang sulok. Mabuti at 'di ako napansin o nakita ni Isaac.
I want to go to her mother. Gusto kong malaman kung bakit?
Ayon nga ang ginawa ko. Palihim akong tumungo sa kwarto ni Ma'am Iza. Nang makita ko ay wala namang tao sa labas ng private room nito. Kabado akong tumungo doon at pumasok.
She's silently sleeping on her bed. Ang kaninang kunot na kunot na mukha ng matanda ay mahimbing na natutulog ngayon. Tila kumurot ang dibdib ko nang tila pamilyar ang kanyang mukha.
"Ma'am..." Bulong ko.
Kinuha ko ang kanyang palad at umupo sa tabi dito.
"Sorry po at dahil sa'kin ay may nangyari sa inyong masama," panimula ko.
"Andami kopong gustong itanong tungkol sa aking mga magulang. Ngunit ngayon na nakikita ko ang kalagayan nyo ay mas mabuting isantabi ko muna 'yon at isipin ka'yo..." Lumunok ako. "Ka'yo padin po ang mama ni Isaac kaya dapat mag pa tatag ka'yo. Ikaw nalang ang natitira sa kanya, Ma'am.."
Pumikit ako at mariing hinawakan ang kamay ni Ma'am Iza. Nanalangin na sana magising na ito upang maging masaya si Isaac. Nahihirapan nadin ako at dahil sa'kin kaya naging ganito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naramdaman ko ang pagalaw ng kamay ni Ma'am Iza. Agad nanlaki ang aking mata at napatayo.
I was about to call the doctor when i heard a call.
"B-bakit ka nandito!"
Mabilis akong napatingin kay Ma'am Iza at nakitang sinusubukan niyang tumayo. Tumungo ako at tutulungan nadapat siya pero agad niyang tinabig ang aking kamay dahilan para mapaatras ako.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, hampas lupa! Bakit ka nandito? May gagawin kang masama sa akin ano?!" Sigaw niya pa at dinuduro ako.
Naiiyak akong umiling. "H-hindi po..."
"Get out of here! You slut! Siguro ay ginayuma mo ang anak ko para mag kagusto sa'yo! My son doesn't like you!" She spatted.
Sobrang natatamaan at nasasaktan na ako sa sinasabi niya. Galit na galit ito sa akin ngayon. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at namataan si Isaac doon. He's with the nurse and Isiah pero nang makita ang nangyayari ay agad na pinalabas ni Isiah ang nurse.
"Mom.. stop it!" Isiah walks towards her.
"T-that girl!" She pointed me. "May balak siyang masama sa'kin kung bakit siya nandito!"
Isaac looks at me with worried eyes. "Vennie..."
Agad akong lumayo at tumingin kay Ma'am Iza. Taas baba ang dibdib niya at umiiyak na tumingin sa'kin. Nasasaktan ako sa mga mata niya na puno ng hinanakit.
"Ma'am Iza, bakit po ba galit na galit ka'yo sa'kin? May nagawa po ba ako?" Nahihirapan kong sambit.
"Oo!" Sigaw niya kahit pinipigilan na ito ni Isaac. "Kayo! Kayo ng mga magulang mo! Mangaagaaw ka'yo!"
"Anong kinalaman ng magulang ko dito?" Patay na sila. Bakit ba sila dinadamay dito?
Nababaliw siyang tumawa habang umiiyak. "Katulad ka din ng nanay mo! Para kayong aso na habol ng habol. Akala mo seseryosohin ka ng anak ko?"
"Mom.." Isaac look heplessly.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng taong minamahal! Dahil sa Nanay mo kung bakit namatay si Felipe! Bakit namatay ang asawa ko!" Sumigaw siya. "Dahil sa malandi mong ina! Kabit 'yang Nanay mo!"
Nanlaki ang mata ko. Bumagsak ang aking balikat at tumingin kay Ma'am Iza. Iyak ito ng iyak at 'di matigil. Parang tumigil ang mundo nang marinig 'ko 'yon. Anong sinabi niya?
"A-ano ibig mong sabihin?" Halos bulong na'yon.
"Mom, stop it! Vennie... Please.." Isaac said.
"Pinatay ng tatay mo ang asawa ko dahil sa walang kwentang Nanay mo! Kabit si Kassandra ni Felipe! Pinatay siya ni Levi at dapat sinama ka nalang din nila sa libingan! Hindi pa sa sapat ang buhay nila!"
Umiling ako dahil sa narinig. Tinakpan ko ang aking tenga kahit patuloy na sumisigaw si Ma'am Iza. Ayaw kong marinig 'yon. Totoo ba? Kabit si Mama? Kung ganoon ba kaya sila umalis noong gabing 'yon at iniwan ako ay dahil namatay si Sir Felipe? Dahil sa mama ko?
"Vennie... Damn! No.." Sinubukang lumapit ni Isaac sa akin pero agad akong umiling at tumingin kay Ma'am Iza.
"Kung ganoon po ka'yo ang... ang kaibigan ni Mama.." ang sinasabi niyang pinag kakautangan niya.
Dahil sa galit ay binato saakin ni Ma'am Iza ang mga unan at kung anong makita niya inawat ito ni Isaac pero hindi niya napigilan ang ina.
Napatakip nalang ako ng mukha ng ibato nita sa akin ang isang babasaging paso. Napangiwi ako dahil sa sakit ng aking balikat matapos non.
"Vennie!" Huli na dahil nabasag na saakin ito.
Buti nalang at hindi sa ulo at nagpapasalamat ako pero ang hapdi ng buong braso ko at nangibaba ko iyon ay puro dugo na. Hindi ko ininda iyon at humikbi na lamang. Gusto kong lumayo dito.
"Isaac!" His mom called.
Mabilis na dumalo sa akin si Isaac at hinawakan ang braso ko. Nasasaktan ako habang nakikita ang kanyang mukha na puno ng problema at pag dadalawang isip. Nasasaktan ako ngayon na nakikita siyang naguguluhan...
Pero 'di maalis sa aking isipan na dahil sa akin at sa magulang ko kung bakit siya nawalan ng pamilya ngayon. Bakit wala siyang tatay... dahil sa'kin.
Mabilis akong humiwalay dito. Gulat at nag mamakaawa siyang tumingin sa akin. Susubukan pa akong abutin ngunit umiling ako.
"Baby... Please let's talk.." he said.
Umiiyak akong umiling. Ngayon ay naramdaman ko ang paa kong tuluyang lumayo sa kwartong 'yon. Mabilis na mabilis ito kahit ilang tawag pa ni Isaac at takbo ay mas binilisan ko ang aking hanggang makalabas ng hospital.
Alam ba ni Isaac ito? Alam niya bang anak ako ng taong pumatay sa tatay niya? Alam niya ba?
Ginamit niya lang ba ako?
Sana hindi... Hindi, Vennie. Pinukpok ko ang aking dibdib at mas lalong humagulgol ng iyak. There's so many what ifs on my mind. What if Isaac is trying to use me? What if he's just helping her mother to get the justice she wants?
Mama... Bakit?
"Ba't ba kasi sinilang akong tanga?" pinukpok ko ang aking dibdib at umiyak ng umiyak.
Hindi kona talaga mapigilan parang mapupunit ang aking puso. Walang tao ngayon sa lumang playground na ito. Dito ako dinala ng aking paa. Dito lamang. Kahit malabo ang paningin ko dahil aa luha ay marahan kong itinaas ang aking mata.
May taong papalapit sa'kin. Those eyes are very familliar.
"Vennie... May dugo ka.."
Napahinto ako at umiling sa taong 'yon. Pinunasan ko ang aking luha pero agad niyang tinabig ang aking kamay at kumuha ng panyo sa kanyang bulsa.
Umiyak ako. "Ethan.."
"Vennie, umiyak ka lang." Bumuntong hininga ito at tinuro ang kanyang balikat.
Mabilis kong ibinagsak ang ulo doon at napahagulgol. Sobrang sakit na ng dibdib ko at punong puno ng mga tanong mabuti ngayon ay may nasasandandalan ako at si Ethan 'yon.