‘Those who make the worse use of their time are the first to complain of its shortness.’ Matapos kong magpunas ng bibig ay kinuha ko naman na ‘yong dessert na ginawa ko. Hinaluan ko naman ‘yon ng special recipe kaya naman sana ay magustuhan niya ang ginawa ko. Nang makuha ko sa ref ang ginawa ko ay dinala ko kaagad ‘yon sa mesa. “Here. I hope you like it,” nakangiting sabi ko pa sa kanya at naupo ulit ako. Napansin ko naman na may inabot siya sa katabing upuan at nakita ko ang paper bag na dala-dala niya kanina, inabot naman niya ‘yon sa akin kaya naman tinanggap ko kaagad. Nang tignan ko ang alman no’n ay hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Akala ko nga no’ng una ay walang laman ‘yong paper bag dahil sobrang gaan, ‘yon pala ay halos puro coupon ang laman, may envelope rin

