HOLY cow. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Cassandra sa nangyari few minutes ago. Ngayon ay kasalukuyan na silang nasa private office ni Cassandra. Si Leandro, si Daryl, at.. Ang twin sister niya. Napasapo si Cassandra sa noo at animo sasabog na ito dahil hindi niya talaga mapiga ang isip niya kung paano nangyari ang ganito. Tumaas muli ang tingin ni Cassandra sa tapat niya at nagtama ang tingin nila ng babaeng kamukha niya. Narito na naman ang pamilyar na kabog ng dibdib niya. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Posible ba mangyari 'yon sa magkapatid? Ilang segundo silang nagtitigan at sabay lang na napatingin sa gawi ni Leandro ng tumikhim ito. "I guess, I owe you an explanation, Cassandra." hindi ito makatingin sa kaniya ng deretso nang sabihin ang mga katagang ito.

