Napabuntong hininga si Daryl matapos marinig ang kwento ni Cassandra. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa wakas, binasag ni Daryl ang nagsisimulang mamuong tensyon sa pagitan nila. "Do you really think you have to do that?" tanong niya kay Cassandra, bakas ang disappointment sa tono niya. Kulang na lang mapa-tsk siya sa sobrang pagka-dismaya. "Of course. That's the right thing to do." sagot ni Cassandra na may diin sa huling salita. "But that's too much, Cass." napapailing pa na salungat niya. Nasa condo unit na sila ngayon at kasalukuyang kumain nang buksan ni Cassandra ang topic tungkol sa ginawa nito kanina sa AGC. "Too much?!" mataas ang tono na tanong ni Cassandra. "Serves him right for doing those bullsh-t to me and to Chanel! You know that, Daryl!" Proud pa iton

