"ARE you sure? I can fetch you later if you want?" tanong na naman ni Daryl. Simula ng makakain sila ng agahan, tinatanong na siya nito.
Natawa na lang si Cassandra at nilapitan ito. "I told you, I can take care of my self." hinawakan niya ito sa dibdib at inayos ang necktie. "I'll just call or text you from time to time." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Daryl.
"I'll miss you," he pull her closer and whisper those words in her ear.
Ipinaikot ni Cassandra ang mga braso sa baywang nito at isinandal ang ulo sa dibdib ni Daryl. "Kaya nga tatawagan kita lagi dahil alam kong mami-miss mo ako." napapangiti niyang sagot dito.
"Ah, ganon? Ako hindi mo mami-miss?" kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Daryl, alam niya ang ekspresyon ng mukha nito ngayon. Nakakunot-noo na naman.
"Hindi. Kasi at the end of the day, makakasama pa rin kita. Makakatabi sa pagtulog, mayayakap, mahahalikan katulad nito!" hinawakan ni Cassandra ang dalawang pisngi ni Daryl at hinalikan ito ng mariin sa mga labi.
They both move their lips in a passionate way. Bahagyang nanlambot na naman ang magkabilang tuhod ni Cassandra. Her knees always turn like jellies whenever he is kissing her this way. Ibang-iba sa naramdaman niya dati sa ibang mga lalaki. She know it sounds so wrong to compare Daryl to them dahil milya-milya ang layo ng asawa niya sa mga ito.
"Yam." Si Cassandra na mismo ang naunang kumalas sa paghalik ng asawa. Mahuhuli na silang pareho sa mga trabaho nila kung hindi pa sila titigil. Lalo na siya, for sure tambak na naman ang mga kailangan niyang gawin sa opisina. "I really need to go. May monthly meeting kami ngayon sa AGC."
Niyakap siya ng mahigpit ni Daryl. "Magpakabait ka doon ha! I know you." Bilin nito na ikinatawa ni Cassandra. Ilang beses na nitong sinasabi na 'wag na siya masyadong harsh kay Neliza. Ang tanong, magagawa niya ba 'yun?
"Oo na." tuluyan na siyang lumayo para kuhanin ang bag na dadalhin.
"Sabay kaya tayong mag-lunch? What do you think?" tanong muli ni Daryl ng nasa tabi na sila ng kotseng gagamitin ni Cassandra.
"I told you, we can't. Marami tayong mga trabaho na kailangang gawin. Remember, ilang araw tayong hindi nakapasok." They spent almost a week in the island. Nakilala rin ni Cassandra ang mga naninirahan doon, at nakita niya na simple man ang buhay na meron ang mga ito, masasaya at nagtutulungan naman ang bawat isa. Nakakainggit nga eh. She didn't know that kind of relationship with people do really exists. 'Yung pare-pareho man na salat sa buhay but they still find ways to make their situation a little better. They are always willing to offer their hands for help.
Kaya naman sinabi niya sa sarili na tutulungan niya ang mga ito.
"Okay, okay. Umuwi tayo ng maaga ha? No overtime." na tinanguan na lang ni Cassandra. Isa 'yan sa mga kakulitan ni Daryl, mamilit ng mamilit. Gagawa ng mga paraan para lang makuha ang gusto.
"Oo na." tinapik niya ito sa pisngi at hinalikan ng mabilis sa labi bago tuluyang sumakay sa kotse. Kinawayan niya na muna ito bago tuluyang sumibad palayo.
Pagkarating ni Cassandra sa AGC kung saan siya pumasok ngayon, ay pinagtitinginan s’ya ng mga tao. Paano ba namang hindi? Bukod sa aasahan ng sobrang ganda niya pa rin with her perfectly applied make-up, her extra expensive corporate dress made by her personal stylist, at siyempre her favorite limited edition Christian Louboutin pair of shoes, ay nakagulat pa sa mga nakakakita ang ngiti niya. First time na tila hindi galit sa mundo si Cassandra! In her months of working here in AGC as their CEO, ngayon lang siya pumunta dito na from ear-to-ear ang ngiti. Hindi nga malaman ng mga empleyado kung matutuwa sila sa nakikita o kakabahan. Para kasing may mali. Idagdag pang bawat bati ng mga ito ay ginantihan din ni Cassandra ng 'good morning, too!'.
Isa ba 'yan sa mga sign ng sinasabing end of the world? Na ang CEO nila na sa pagkakaalam nila ay hindi nagpapakita ng emosyon maliban sa galit, ay nginingitian at binabati sila ngayon?
Cool lang din na sumakay si Cassandra bsa lift na may mga sakay na regular employees. Aktong maglalabasan ang mga sakay dahil alam nilang ayaw ni Cassandra ng may kasabay ngunit nagulat sila nang sawayin sila ni Cassandra. "Oh, bakit kayo lalabas? Hindi niyo ba ako gustong makasabay?" Na may kasama pang ngiti.
Halos mapanganga ang iba sa nasaksihan. May milagro bang nangyari dahil tila ibang Cassandra ang nakikita ng mga ito ngayon. Wala nagawa ang mga nakasakay sa elevator kung hindi palihim na lang na magtinginan ng may pagtataka.
"Good morning! Am I late?" Cassandra greets the members of the board. "Oh, hi Jewel! Naligaw ka yata dito?" pasarkastikong tanong ni Cassandra nang mapansin na narito ang isa pang bruha sa buhay niya.
"No, I am here to represent my Dad. He wasn't able to attend the monthly meeting so I have no choice but to attend for him." Nakataas-kilay na sagot ni Jewel.
Nilampasan lang ni Cassandra si Jewel na halatang hindi inintindi ang sinagot nito. Medyo napahiya si Jewel sa inakto ng babae dahil para lang s’yang nagsalita sa hangin. Lumunok ito at muling itinaas ang ulo upang mapabalik ang composure.
"Now that I am here, can we proceed for the reports?" tanong ni Cassandra sa lahat at naupo sa pinaka-kabisera ng mahabang lamesa, ang spot na matagal ng gustong maokupa ni Neliza kapag ganitong may board meeting.
Iisa lang ang salitang maaring makapag larawan sa taong may karapatang maupo sa spot na ito. Power. It means he/she have the full power in the company. Whatever decision he/she makes will always be heard and considered.
Nagsimula na ang lahat sa agenda sa araw na ito. Reports ng mga developments sa mga on-going projects nila, at kung ano-ano pang dapat ilahad sa kaalaman ng lahat.
Hanggang sa mapadako sa bagong proposal ni Neliza.
"This will be a good investment for us." pagpapatuloy nito. Nakatayo si Neliza sa unahan at may ipinakitang presentation mula sa projector upang makumbinsi ang board na sang-ayunan ang gusto nito. "We can even buy cruiseships to bring the guests."
Nakasandal lang si Cassandra at sinusuring maigi ang sinasabi nito habang ang iba ay nananatiling tahimik. Bahagyang napapakunot-noo dahil hindi niya nagugustuhan ang tinutumbok ni Neliza. She doesn’t see anything good yet in this island.
“A lot of investors would be interested in this project, I assure you.”
“This doesn’t make sense, Neliza.” Putol ni Cassandra sa sinasabi ni Neliza, kasalukuyan pa lamang nasa ika-3rd slide ang powerpoint presentation nito.
"I think her proposal is fantastic!" Kontra ni Jewel sa sinabi ni Cassandra.
"Fantastic?" nakataas-kilay na tanong ni Cassandra. Paano na kaagad nito nasabi na fantastic ang proposed project ni Neliza kung Island profile pa lang ang ipinapakita nito.
Napalingon sa kanya ang lahat dahil hinihintay ng mga ito ang sasabihin pa niya. Alam ng karamihan na members kung gaano kagaling mag-analyze si Cassandra kaya hangang-hanga ang mga ito sa galing niya. She really is the daughter of Leandro. Parehong-pareho silang mag isip at parehong matinik pagdating sa negosyo."How can you define fantastic, Jewel? Do you know anything about the business?"
Umilap ang mga mata nito at kinabakasan ng pagkabalisa. "O-of course! That's why Dad sent me here in his behalf. He knows my capabilities."
"Your capabilities?" bahagyang dumukwang si Cassandra sa lamesa. "And what are those? Does it concern our company? Do you know anything about land developing? Marunong ka bang tumingin ng isang property na alam mong kapag nadevelop mo, may bibili at bebenta ito ng higit sa ipinuhunan mo?"
"O-of course, yes!"
Napangisi si Cassandra. "If that's the case..." sabi niya at bahagyang ibinitin ang sasabihin. Muli na siyang sumandal para makapag-relax muli dahil isang magandang show ang magaganap. "Help Neliza in convincing us."
Napasinghap si Jewel habang ang ibang members ay napatango-tango.
"C'mom! Time is running out. I am giving you two, ten minutes to convince us." Utos ni Cassandra.
Matapos ang ilang minuto ay tumayo na si Jewel. Bantulot itong humakbang patungo sa kinatatayuan ni Neliza.
"I- think, h-her proposal is a bright one. If we buy this island, develop and then sell it, we can earn millions of pesos." sabi ni Jewel na hindi makatingin ng deretso sa ibang nasa loob ng silid na ito. “Besides, I already talked to some investors willing to rent small portions of the island if ever we decided to keep it.”
Hindi ba nito alam na kapag speaker, dapat may connection ka sa audience mo? Isang puntos na kaagad para hindi basta-basta paniwalaan ng board ang sinasabi nito. So what kung impromptu lang ito? Sa ganitong pagkakataon nga makikita ang galing ng isang tao pagdating sa negosyo. Dapat laging handa. At higit sa lahat, dapat well-knowledged ka sa negosyo na pinasukan mo.
"Millions of pesos." tumatangong singit ni Cassandra. She is making sure na hindi ito magiging madali para sa dalawang ito. Kung kinakailangan na padaanin niya sa butas ng karayom ang lahat ng sasabihin ng mga ito, gagawin niya. "Are we just after the profit?"
"N-no. I mean,... Uhm.." halatang punong-puno ng kaba si Jewel, bahagya na ring namumutla ang mukha nito.
"So?" binakasan ng pagkainip ni Cassandra ang boses. "Go on, Jewel. We are all listening."
"If in case we will not see the potential of the property, we can just buy and sell it to other investors who are into developing properties such as this one."
"Really?" pambabara ni Cassandra dito. "Paano?"
"Eh ‘di bilhin nga tapos ipasa sa ibang investors. That would still give us profit!" naiinis ng sabi ni Jewel. Naiinis ito dahil napapahiya na sa ibang narito!
"As easy like that, Jewel? Hindi ka ba marunong mag isip ng pros and cons?"
"Bakit ba ako ang ginigisa mo? Hindi naman ako ang nakaisip nito!" galit ng bulyaw nito kay Cassandra .
"I know. Ang gusto ko lang malaman mo, Jewel, na hindi porque nakarinig ka ng magandang bagay ay pwede na. You need to think twice or even five times before giving a compliment. Hindi isang simpleng laro lang ang bumili ng isang isla at i-develop ito. Then what? Sure ka ba na hindi ka malulugi dito? Business is business, Jewel. Hindi man kailangan na malaki lagi ang profit pero ang dapat una mong iisipin kung mababawi man lang nito ang ipupuhunan mo. Dahil para ano pa at naglabas ka ng pera tapos ikaw rin ang makukunan?"
"At ikaw Neliza, are you sure that island is worth every peso we will spend? Magkano ipinagbibili ‘yan? Four hundred million dollars? Land pa lang 'yan. Mamumuhunan ka ng lampas isang bilyong piso sa lupa lang. Paano pa ang developing n’yan? Sa tingin mo, kung hindi 'yan ide-develop, may bibili ba n’yan ng higit pa sa ipinuhunan mo na lampas isang bilyon?! Kaya naturalmente, kailangan mong i-develop 'yan! At magkano ang proposed cost mo for developing? Three hundred million pesos?! So all in all, kailangang maglabas ng humigit kumulang dalawang bilyong piso ng kompanya para dyan sa basurang project mo!"
"Basura? You think this is trash, Cassandra?!" namula ang mukha ni Neliza sa galit dahil sa sinabi ng anak ng kaniyang amain.
"Oo!" walang pag-aalinlangang sagot ni Cassandra dito. “At since nandyan ka na rin naman sa prospective property mo, can you tell us how many months mag-ROI ang kompanya natin dyan? Remember, it would make us invest more than a billion peso for that project. The board already gave approval to other investments na mangangailangan rin ng pondo ngunit hindi kasing laki ng kailangan mo para dyan sa proposed project mo. So, bakit pag-aaksayahan ng oras at resources ng AGC ‘yan?” Hindi ngumingiting tanong ni Cassandra.
“Return of Investment will be, more or less in five years’ time?” Bakas ang walang kasiguraduhan na sagot ni Neliza.
Napailing si Cassandra, hindi malaman kung maiinis o matatawa sa inaakto ni Neliza. “See my point here? Basura pa rin ‘yan kung wala kang maipapakita sa amin na financials or your feasibility study. Where’s your business plan? Lahat ay haka-haka mo lang, walang definite plan kung malulugi o kikita ba tayo dyan. Hindi isang pirasong candy lang ang gusto mong ipabili sa kompanya, Neliza. This is a freaking island we are talking here! Can you at least be more responsible? This is a waste of time, really.”
"Kung sa sinasabi n’yo naman ni Jewel na we will pass this on to other investors, alam n’yong lahat na hindi ganoon kadali ang bagay na ‘yan. Maghahanap pa tayo ng isang loko-lokong tao o kompanya na papayag bilhin mula sa’tin yan. And you know why I don’t see any potential? Simple. Nasaan ang island na 'yan? Boundary na ng Philippines at Malaysia 'yan! Sinong gugustuhin na bumili ng property sa lugar na ‘yan? Hahanapin pa rin natin, it means ang pera ng AGC ay matutulog muna sa islang ‘yan. For how long? No one knows. Eh, bakit hindi natin paglaanan ng pondo ng isang bilyon ang ibang bagay na higit mabilis ang ROI at sigurado pa na kikita tayo?"
"So? Kung nasa may Malaysia na ‘yan, sakop pa rin ng Pinas 'yan base sa pag-aaral ko." Sabi ni Neliza na hindi pa rin magpapatalo kay Cassandra.
"I know. Ang sinasabi ko, ganito. Sisimplehan ko para maintindihan ng mga utak n’yo ni Jewel, Neliza. Ipagpalagay ng ma-develop 'yan ng maganda, tapos hindi na natin ipagbili at tayo ang tuluyang mag may-ari, tayo ang mag operate, tingin niyo darayuhin 'yan ng mga turista? Kung ang mga ilalagay niyong facilities lang din naman ay mahahanap sa mga pangunahing mga vacation destinations dito Sa Pilipinas. Umisip ka ng isang one of a kind na maaring makapag-attract na wala sa ibang bakasyunan, Neliza. If Puerto Princesa has an underground river. Boracay has Puka Beach with its flying foxes, ano ang mayroon dyan sa islang ‘yan?” Mahabang litanya ni Cassandra.
"I think Miss Aragon is right. Kailangan may ipapakita ang islang 'yan para bilhin mula sa atin ng investors or mapakinabangan natin mismo." Sang-ayon ni Mr. Torres.
"Yeah. That was exactly what I am thinking." Wika naman ni Mrs. Quirino.
At nagsalimbayan na ang kanya-kanyang opinyon na pabor sa sinabi ni Cassandra.
Nanatili namang nakatayo pa rin sa unahan ng board room sina Jewel at Neliza habang si Cassandra naman ay lihim na napapangiti. Siya na naman ang nanalo ngayon, siya na naman ang pinaboran ng board.
Gustuhin man niyang maawa sa dalawang nakatayo sa unahan pero as usual, hindi niya gagawin. Ano siya tanga? Kaya nga siya nandito sa mundo para kalabanin at ipahiya ang tatlong pinaka-ayaw niya.
Si Elizabeth, Neliza, at Jewel.