MAGHAPON na nasa bahay lamang sina Zen at Rechel. Ginugol nila ang kanilang oras sa panood ng movies at kumain nang kumain. Nag-order na lang sila ng pagkain sa labas. Puno sila ng tawanan at halos hindi na sila maghiwalay sa upo nila. Biglang sumagi sa isip ni Rechel ang naganap kagabi. Naalala niyang hindi sila gumamit ng proteksiyon at sanay mayroong mabuo. Kung wala naman ay puwede nila ulit subukan. Nakakasabik na malamang magkakaanak sila ni Zen. Ang pangarap niyang lalaki ay magiging ama ng kanyang mga anak. "Alam mo, masaya rin pala ang ganito. I feel free, dahil hindi ako nakikita nina mama at lola. Alam mo naman ang dalawang iyon, daig pa nila ang mga bodyguard kung magbantay sa akin. Minsan nga nakakasal ka na. Pero naisip ko na siyempre nag-iisa nila akong baby." Pinanlakihan

