Moving On

2567 Words
Tinakpan na lang ni Bea ng makeup ang pagkamugto ng mata niya. Pinakita ni Ate Berna na lumabas sa newsfeed ng f*******: nito ang updated profile picture  nito kasama ang girlfriend niya. Nagpost din ng picture na nagdinner na nakangiti at ang caption ay: Happy Anniversary to us. Parang sinaksak ng sampung kutsilyo ang dibdib niya. Ang walanghiya, ako nakablock tapos nagpost pa ng ganun. Ang masakit pa, maganda talaga ang girlfriend niya na pinagdiinan pa ng Ate niya kaya lalo siyang naiyak. First day ni Bea sa trabaho nya ngayon. Pagkagraduate niya ng college bilang summa c*m laude, mismong XY Wardrobe International kumuha sa kanya. Kaya walang kahirap-hirap na nagkaroon siya ng mapapasukan. Ang kaibigan niyang sila Rachel at Hanna ay magkasama pa rin kahit sa pagtatrabaho na parehong nagdesisyon na magtayo ng sariling negosyo. Inabot ng 2 buwan bago siya nakapagsimula sa dami ng requirements at clearance na kailangan magawa bago makuha ang diploma sa eskwelahang pinasukan niya. Nag-aral na rin magdrive dahil gusto niyang malayang makabiyahe. July na siya nakapagsimula na okay lang naman sa kanya dahil nagkaroon siya ng panahong magpahinga at magtravel sa Batanes kasama ang pamilya. Ginugol din niya ang panahon sa pagresearch kung ano ba itong XY Wardrobe. Ito ang pinili niya sa 3 kompanyang nag-alok sa kanya ng trabaho. Mas dama niya ang challenge dito dahil nabasa niya na magbubukas ito ng flagship store sa Pilipinas kaya lalabas na kasama siya sa pagsisimula nito. Bukod pa sa New York-based International Retail Store ito, may pangalan na kumbaga. Punasok siya sa malaking opisina na nasa 36th Floor ng building sa Ortigas. Sinamahan siya ng receptionist sa kanyang sariling opisina. Nabasa niya ang signage na Marketing Department na nakasabit sa kisame kung saan maraming cubicles doon na may computers pero nilampasan nila ito. Dumiretso sila sa kuwartong nasa dulo at binuksan ang pinto na may nakasulat na Marketing Manager. "Ma'am, this will be your office." Sabi ng receptionist sa kanya. "Your Marketing Assistant will be here in a while. Excuse me." Bahagyang yumuko ito at bumalik sa pwesto niya sa labas. Nakasara na ang pinto. Inikot niya ang mata sa buong office niya. Tanaw sa glass ang kalapit na buildings sa lugar. Malapad na office table na sinubukan niyang ugain pero napakabigat at stable. May Mac Computer, printer, executive chair. May dalawang magagandang upuan para sa bisita. May malaking salamin malapit sa pinto nito. Tumayo siya sa harap nito. Sinipat ang sarili. Pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. Ibinili siya ni Mader ng magagandang terno na pink business attire na may scarf na accent. Maraming set itong binili na iba-iba ang kulay. Sabi ni Mader, 'since nasa international fashion retail ka, dapat makita nilang magaling kang manamit at fashionable'. Kaya umayon siya dito dahil may punto din naman. Tiningnan nang maigi pa ang sarili. 'Dapat maging masaya ka. Bawal malungkot. Kailangan marunong kang magpakita ng tapang at tibay dahil mas maraming challenges ang darating ngayon na magsisimula na ang career mo.'  Nabasa niya iyon na dapat hunarap ka sa salamin araw-araw, sabihin mo sa sarili mo ang nga bagay na nakakapagboost ng iyong motivation. You become what you think, sabi pa nga. Deep inside, masakit ang dibdib niya.  Iniyakan niya ang taong hindi naman niya boyfriend pero mahal niya. Puwes, ngayon hindi na. Focus muna sa career dahil ipapamukha ko sa kanya pag nakita niya ako na isa akong malaking kawalan sa kanya. Sa loob-loob niya: 'Pagtiyagaan niya ang girlfriend niyang... girlfriend niyang.... hmp, mas maganda ako dun. Hintay lang siya.' Nakatiim-bagang siya nun biglang may kumatok. Huminga siya ng malalim. "Good morning Ma'am. I'm Mariz, you Marketing Assistant. Ms. Sara Weiner scheduled a virtual meeting with you at 10AM. Rico, our IT person will set it up for you." "Thank you, Mariz.Is it ok if we sit down?" "Yes, Ma'am." Pagkaupo, masarap sa pakiramdam ni Bea. Ganito pala pag aktuwal kang umupo sa executive chair. Feeling mo talaga yun pagiging boss at nakakakaba din. "Mariz, how long have you been in the company?" "Three and a half months, Ma'am. I am a fresh graduate of Marketing course." "Good. I just want you to know that I am here to work with your and I want us to work as a Team. Your suggestions are welcome. Let's do our best to make our projects successful. Can I expect that from you?" "Yes, Ma'am. Just tell me what to do and if I don't know what to do, I am willing to learn as long as you teach me." "Sure, I can assure you that." Tiningnan niya ang relo. 9:15 AM na. Alam niya na on time ang mga foreigner. " You can Rico to setup the virtual meeting. " Okay, Ma'am. I will call him. " Lumabas na si Mariz para tawagin si Rico. Kinuha naman ni Bea ang kanyang organizer at pen para maisulat ang lahat ng pag-uusapan nila ni Sara Weiner. Siya ang VP for Global Marketing ng XY Wardrobe International. Siya rin ang nag-interview sa kanya 3 months ago kaya medyo nagkakilala na siya. Ang comment lang nito sa kanya ay: "Call me Sara."  Mas gusto niya na first name ang tawagan kasi ayaw daw ni Sara ng pagtawag ng Ma'am sa kanya dahil katwiran nito: 'If our goal is to make our brand lead other brands, we should not be subservant within our organization.' Kaya niremind niya ang sarili na wag tumawag ng Ma'am. "Ma'am Bea, nakasetup na po ang meeting ninyo. Click nyo lang po ito pag start na kayo para magbukas ang video." "Salamat Rico. Pag may problema sa connection, ipapatawag kita ha." "Opo, Ma' am. Nasa dulo lang po ang department namin. Patawag niyo lang po ako kay Mariz or sa intercom po." May intercom pala. Nakita niya nakasulat doon ang intercom ng bawat department. 9:45 AM pa lang ay nakaonline na si Sara. Buti na lang nakaupo lang siya sa harap ng computer kaya sakto lang ang pagpasok ni Sara. " Shall we start, Bea? " " Yes, we can start. Good morning Sara." "Good morning Bea. Great to see you on the other side. I am excited to do the planning with you because we are here to break some records!" "I am very excited too." "Okay, our flagship store is opening on September 30. Exactly 3 monhs from now. These are the things that I want to achieve as a brand. One, I want our opening be trending, posted all over people's newsfeed and everyone is excited about it. So you need to think of ways to do that.... " Nag-umpisa na magsulat si Bea. Nagpatuloy si Sara." Second, since the Philippines has a mixed market having koreans, chinese and other foreigners around, I want you to come up with selection that is fit for every race but keeping their identity and distinction. You work with our Global Wardrobe Consultant, Therese Paulino. She's in Manila right now. She arrived, I think last night. You can check on her. " Therese Paulino, naisip ni Bea parang Pilipina ang pangalan. " Lastly, let's make this big. The store is in finishing stage. You may do an ocular inspection so that you can plan with the creative team in terms of presentation in every section of the store. I want it to be Instagrammable, I want people to be amazed with the store and be enticed to shop more. You can come up with a big promotion on the opening day. " " Wow, it's very challenging and I like it. When can I present all the ideas that I have for the opening? " " I want to have it in a week. You see, 3 months is a very short time. Next month, we should start engaging with the public to make them excited with our opening. " " Sure, I'll present it in a week. No problem. " " Great! You may communicate with me anytime should you need to clarify something. All reports and updates must be submitted to me. So let's deliver more than best, alright? " " Absolutely. I will lay down every plan so you can review it. " " I think, we covered everything for today. Have a nice day!" "You too." Natapos ang virtual meeting. Sa narinig niya ay nandun ang kanyang adrenalin rush. Yun tipong, on fire siya. 'Focus! Focus! Sabi niya sa sarili. Pinindot niya ang intercom button ng Marketing. "Yes, Ma' am?" Si Mariz ang sumagot. "Please come into my office." Mabilis na pumunta si Mariz na malapit lang sa pinto ang kanyang cubicle. May dala itong notebook at ballpen. Umupo ito sa harap niya. "Mariz, is Ms. Therese Paulino there?" "Ma'am she just arrived while you're in the meeting. She's in the wardrobe room." "Great! I 'll talk to her first. Then arrange an ocular inspection for me in our store." Binasa niya ang notes niya. "That' s it for now. I need go see Ms. Paulino." "Yes, Ma'am. Pwede ko po kayo samahan sa kanya." Magkasabay silang pumunta sa wardrobe room. Bawat makakasalubong niya ay bumabati sa kanya ng 'Good morning Ma' am'. Hindi pa niya naikot ang buong opisina pero sa nilakad nila, parang kalahati ng floor ang sakop ng office sa dami ng departments. Pagdating sa wardrobe room, nagbubuklat si Therese ng mga samples ng damit na idisplay nila. "Hi, you must be Therese?" "Yes," nakangiting nakipagkamay. "I'm Bea, the Marketing Manager." "Ma'am, I will go back to my table." Paalam ni Mariz. "Yeah, Sara mentioned your name to me. We will work together for a while. Is this your first job?" "Yeah, my first." "Actually, I started in XY as in intern sa abroad. Then, they liked how I worked so the company absorbed me." "Wow, that's nice. So you mean, sa New York ka nag-intern?" "Yeah. I finished Fashion Design then nagmasters ako. Then I applied as an intern to know the basics of fashion retails but eventually, I enjoyed." "I'm amazed you had masters. Ako din sana." "Go for it! I was promoted as Global Wardrobe Consultant nun natapos ko ang masteral. You need if you want to be in Global level especially now that they are expanding in Asia. Galingan mo, malay mo tayo ang maging magpartner. " "I will make time for that." sabi ni Bea. "I need to coordinate with regarding the wardrobe pieces that we will promote. It has to be fit for all race sabi ni Sara." "I am working on it. Wala pa nga lang yun ibang items and accessories dito. I will create mix and match of the pieces, take a picture and send it to you." "That would be great. After this, I need to see the store daw." "Let's go together. I am scheduled to visit the store tomorrow. I need to see the finish and plan the visual presentation of pieces per section." "Sige, then lunch tayo together." "Sure." Bumalik na si Bea sa office niya para simulan ang promotion ng Grand Opening nila. Basta naka-asterisk sa organizer niya na gusto ni Sara na magtrending ang opening, may magandang promo at maingay sa social media. 'Galingan mo.'  Bulong niya sa sarili. Halos 6:00 PM na siya natapos. Nag-extend siya ng isang oras dahil umaapaw ang ideas niya. Marami siyang nilagay na pagpipilian ni Sara sa pagpapatrending at promotion. Gusto niyang ipakita na magaling siya. Career na lang ang hawak niyang maganda. Saka na ang lovelife kasi minamalas naman siya. At least sa career, unang sabak pa lang ay maganda na. Sa mall sa Makati na nagkita sila Therese at Bea. Pinasuot sila ng face mask ng engineer dahil amoy pintura pa sa loob. Pagpasok pa lang sa main entrance ay napansin na ni Bea ang blank wall na nakaharap sa entrance. Sinulat niya ang mga walls na dapat lagyan ng brand message or poster para hindi ito boring. Kailangan magstick sa brand. "Therese, are you gonna be using what color of hangers?" "All white, para reflective of colors." Nakatayo ito sa isang gilid na may poste. "Bea, you think we have to put something here? Nakakaharang ang poste." "You can put a mannequin here, male or female. Then on the other side of the post, we can install a sintra board on acrylic or a flat screen TV playing a video loop. Just to give a hint to the shopper that the items on the mannequin can be found here." "Yeah, I think flat screen is better. We can promote more selection on the displayed item." Sinulat ni Bea ang detalyeng iyon. Gusto niya maimpress si Sara na hindi lang basta pagtrending at promo ang naisip niya kundi pati visuals as part ng presentation. Bawat sulok gagawin niyang Instagrammable. Niyaya ni Bea na maglunch si Therese. Nag-ikot sila sa mall. Nakita niya ang isang branch ng Italian restaurant na kinainan nila noon ni Daryl at Ate Berna. "Wanna eat here?" Napansin ni Therese na napalingon si Bea sa Italian restaurant. Umiling siya. "No, not really. I want to treat you to a Filipino Restaurant. I'm sure you missed it." "You guess it right! I am craving for sinigang and seafood." "Then let's eat in buffet restaurant. Maraming choices of Filipino dishes dun. Pwede magpaluto ng bibingka at puto bumbong." Nanlaki ang mata ni Therese. "My golly! Let's pig out!" Nagkatawanan sila. Pumunta sila sa buffet restaurant na may Filipino, Japanese at American food. Kumuha ng alimango at inihaw na pusit si Therese. Si Bea naman ay inihaw na liempo at sinigang. Ang dessert naman na kinuha nila ay bibingka, puto bumbong at guinatan bilo-bilo. "Grabe, yun kain natin parang wala bukas! I'm so full!" Sabi ni Bea. "Me too. Look at my pants!" Pinakita na umubok ito sa kabusugan. "I even unbuttoned my blazer." Nagtawanan sila. "Well, it's craving satisfied." Naghintay sila sa mall lobby para masundo sila ng company driver. Ihahatid na sila diretso ng office. Talagang boss si Therese dito kasi provided pa siya ng driver. Hanggang ngayon kasi ay nakikisabay pa rin si Bea pero nagsabi na siya sa Papa niya na kukuha na siya ng Non-Pro license this month. Kailangan lang ipasa niya ang exam at driving test. Pagdating sa office, nagmeeting na agad sila ni Mariz. "Mariz, can you find printing shop that prints sintra board and tarpaulin. I want quality prints and must know how to install posters with acylic cover. Video Production team that can create videos. Talent Agency that can supply us with multi-racial talents. I want them to submit pictures first." Mabilis na nagsulat si Mariz. Naghintay pa ng kasunod. Tinitingnan pa ni Bea ang listahan niya. " I want to have it in 2 days. " " Yes po Ma'am. " Dapat may resulta na siya sa pinapahanap kay Mariz in 2 days dahil balak niya i-submit ang Marketing Plan niya kay Sara in 6 days. Para advance pa rin. Dinagdag niya sa ginagawang Marketing Plan ang detalyeng napag-usapan nila ni Therese. Gagawan din niya soft copy ng posters para mavisualize ni Sara ang magiging hitsura ng accent na ilalagay sa bawat sulok ng store. Tutal marami siyang alam na app na ginagamit sa paggawa ng posters, video, newsletter at kahit ano pang marketing tools na kailangan. Kaya nga siya laging panalo sa mga competition ng start-ups sa school noon. Sisiguraduhin niyang mayayanig ang social media pag nilabas niya ang marketing ng XY Wardrobe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD