Lumaki na ang mga halaman ni Lola Racel sa hardin. Tumaas n ang mga puno at malalago na ang dahon. Nandun pa rin ang garden set nya na nasa ilalim ng puno na parang bagong pintura dahil matingkad ang pagkaputi. Nadagdag lang ang duyan sa gitna at benches sa gilid ng bakod. Sakto ito pag 2 grupo ng barkada ang lumusob sa bahay.
Bungalow lang ang bahay ni Lola Racel. As usual, nandun pa rin si Auntie Vivian na matandang dalaga na, halos malapit na magkuwarenta eh wala pang boyfriend. Di na nasundan ang boyfriend nya matapos na maghiwalay sila 5 years ago. Maliit man ang bahay ni Lola ay masaya dahil dun din nakatira ang pinsan ko para may kasama sila Auntie at Lola pag may pasok so Uncle.
Ala-sais ng gabi nang dumating sila Jerry. Rumaraket daw sila minsan bilang pulot boys - tagapulot ng bola - sa tennis court malapit sa amin para may kita habang bakasyon.
"O, kulang ata kayo" tatlo lang kasi sila.
Umupo sila agad sa garden set. "Hinatid ni Argel yun jowa nya. Ewan lang kung makakabalik agad." sagot ni Kiko.
Pabagsak na sinara ang gate, dahilan para lumingon sila lahat. Si Jomar, humahangos.
"Bro, apat na pancit canton lang ang meron. Ubos na daw eh."
"Ok na yan," sabi ni Jerry. "tom-guts na bro."
Kinuha ko ang pancit canton. "Ako na magluto. Jomar, ikaw na mag-asikaso sa kanila."
Hindi ako marunong magluto. Pabida lang ang epek pero nakita ko sa kasambahay namin na nagpapakulo sya ng tubig at nilulublob nya ang noodles. Mayamaya ay nasa kusina na si Jomar.
"Ate, overcooked na ang noodles!" Sabay pinatay ang stove at sinala.
"Hala, akala ko kasi matigas pa." Hinalo ko na ang spices. Mukhang overcooked nga kasi lupaypay na ang noodles.
Dinala ko ito sa labas. "Pasensya na, naovercooked ata."
"Walang problema yan," inabot ni Roel ang plato. "Nakakabusog pa rin yan."
"Kuha lang ako ng softdrinks." Binuksan ko ang ref para kunin ang 1.5 liter na softdrinks ni Uncle dun. Palitan ko na lang. Paglabas ko ay nabigla ako sa nakita ko.
"Asan na ang pancit canton?!"
"Ubos na!" Nagkatawanan pa sila.
Pagalit kong binaba ang dala ko. "Hay naku, tinapon nyo siguro sa tabi-tabi dahil palpak ang luto ko!"
Natatawa pa rin si Jerry. "Kinain na nga namin, kulit mo!"
"Hindi ako naniniwala. Pumasok lang ako tapos paglabas ko, ubos na agad!"
Hinawakan ako ni Jomar. "Ate, tinira talaga nila ang pancit canton. Kumain sila parang baboy kanina eh."
Sabay-sabay na nagkatawanan ang lahat nang dumating na ang grupo ni Ate Berna. Natural may bitbit na gitara. Tinuloy lang namin ang usapan.
"O, ano na ang plano natin?" Tanong ko sa kanila.
"Eh syempre schedule na natin ang lakwatsa." sabi ni Kiko.
"Kelan?" Sundot ni Jomar.
"Bukas na agad!" Hamon ni Roel. "Ang lagay eh patagalin pa."
"Ano yun, nagpuyat ngayon tapos bukas agad aalis na hindi nakahanda?" Sabi ko sa kanila.
Nilagok ni Jerry ang natitirang softdrinks sa baso nya. "Maganda nga yun biglaan kasi mas masaya.. Yun tipong nakakalimutan magdala ng brief tapos side B na lang ang pagsuot uli."
Tawanan na naman. "Parang kilala ko yan ah!" Pambubuko ni Jomar.
"Wag ganun!" Namumulang sabi ni Kiko.
Naputol kami sa ingay ng barkada ni Ate.
"O, ayan na! Ayan na! Tagal mo naman parekoy!" sabi ng kasama nila kay Daryl na papasok pa lang ng gate.
Nanakbo pa itong lumapit sa kanila sa nakapwesto sa duyan. "Sorry, niluto ko pa itong adobong mani para may kainin tayo habang nagjajamming."
Iniwas ko na ang tingin ko. Baka isipin eh nakikinig ako sa usapan nila. Palibhasa si Daryl ang pinakabata sa kanila kaya ginawang utusan.
Sa loob-loob ko: 'Pag boyfriend ko na yan, di pwedeng utus-utusan nyo lang yan.' Feelingera lang.
Nagkukwento si Kiko tungkol sa tennis tournament na pinuntahan nya kanina nang maramdaman kong may kamay sa kaliwang bahagi ng mata ko.
" Bea, nagdala rin ako ng adobong mani para sa inyo." Inabot ang lagayan na may mani na kinuha ni Roel.
"Sakto may partner na ang softdrinks natin."
"Salamat, Daryl." Sabi ko.
Humatak ng isang upuan si Jomar para kay Daryl. "Bro, sama ka sa amin bukas."
"Saan?"
"Kawasan Falls tayo." Mungkahi ni Kiko.
"Eh kung ok lang kay Bea na masingit sa barkada ninyo." Nakatingin si Daryl sa akin.
"Natural, ok sa akin dahil may sasakyan ka. Ang layo kaya ng biyahe papuntang Kawasan no." Pabirong kong sagot.
"O di sige, go na tayo bukas. Bahala na sa food." Halakhak ni Jerry.
---
5:30AM pa lang ay nakaparada na ang sasakyan ni Daryl sa labas ng gate. Maaga ring nagising sila Lola at Auntie para tulungan akong maghanda ng dadalhin. Si Jomar naman ay dinala na ang gamit sa sasakyan.
" Magandang umaga po, Lola, Auntie" sabay mano sa kanila.
"Daryl, nagpractice ka na ba para sa tennis tournament?" Tanong ni Auntie Vivian. Pareho kasi silang naglalaro ng tennis at may isang kabinet sya na puro trophy. "Sa kabilang village daw ang match kasi bagong renovate ang court nila dun."
"Nagpapraktis na ako, Auntie."
"Buti naman para may manalo sa grupo natin dito."
Nagpaalam na kami para masundo sila Jerry sa tennis court kung saan sila naghihintay. Sa harap pa rin kami nakaupo ni Daryl habang ang buong barkada ay nasa likod.
Habang nasa biyahe, napansin kong may mga nakapack na pagkain dun.
" May fruit pie diyan gawa ng Mama ko para sayo."
"Talaga?" Nagulat naman ako. Eh hindi ko naman personal na kilala ang Mama nya. "Pwede ko na bang matikman?" Hindi na ko nahiya kaso bukod na mukhang masarap ang pagkagolden brown ng pie ay gutom na rin ako.
"Oo, naman. Tapos yun mineral water na nasa gilid, sayo yan." Tinuro nya ang bote na nasa lagayan na malapit sa aircon.
"Masarap ha. Fruit cocktail siguro ang gamit nya."
"Oo fruit cocktail. Kagabi nya na-bake yan para madala ko para sayo."
"Pakisabi sa Mama mo, salamat at napakasarap. Gusto mo?"
"Susubuan mo ba ako?"
Natawa ako, pero deep inside ay kinikilig. Nagugustuhan ko na ang taong 'to. As in konti na lang sasagutin ko na' to hahaha. As if nanliligaw na talaga. "Eto, kagat ka na."
Kumagat sya at ngumuya. Nakangiti sya, sumulyap. "Masarap nga... Lalo na pag may nagsusubo."
"Baka mamihasa ka na ha."
Napangiti sya. "Kung pwede nga lang sana na mamihasa eh. Kaya lang baka hindi pa pwede."
Napatingin ako sa kanya na parang nag-aabang ng kasunod na sasabihin.
"Fifteen ka pa lang di ba? High school. Bata ka pa...." napabuntong-hininga sya. "Pero hihintayin kita."
Napasandal ako. Tumingin sa direksyon ng tinatakbo nitong sasakyan. Kung alam niya lang na nun panahon na nagpadala sila ng video, lihim kong pinapanood yun sa cellphone ni Ate. Sinend ko nga sa cellphone ko gamit ang bluetooth eh para di malaman ni Ate na nagtransfer ako ng file galing sa phone niya. Inuulit-ulit kong panoorin kasi gusto ko rin naman siya pero alangan naman umentra ako sa barkada nila para mapalapit sa kanya. Sa sinabi niya, parang matagal pa siya gagawa ng hakbang para maging kami. Hihintayin pa daw niya ako. Hanggang kelan yun?
Nakarating kami ng Kawasan Falls na hindi na nag-imikan. Hindi na nadugtungan ang sinabi niya. Nakihalubilo lang sya sa amin na parang parte lang talaga ng barkada.
Pagdating ng gabi ay naghanda ng softdrinks at snacks. Ito lang maganda sa leadership ni Jerry. Ayaw niya ng inuman pag kasama ako. Pero pag sila-sila lang alam ko nag-iinuman sila.
"Bakit nagtitiyaga kang maging driver sa barkada namin, Daryl?" Madiin na tanong ni Roel. Ganda na ng kulitan namin nang biglang naiba ang tono nang itanong yun.
"Masaya naman kayong kasama," safe na sagot ni Daryl. "maigi nga yun na may dalawa akong grupo. Sa grupo namin, mahilig sa kantahan. Sa inyo naman, mahilig sa pasyalan."
"O baka kursunada mo rin si Bea?" Sundot uli ni Roel. Matalim ang tingin nya habang kumakain ng chips. Alangan umimik sa ganitong sitwasyon kasi ayokong mahalata din nila ako. Maigi yun neutral lang, tahimik lang.
Pumagitan si Jerry. "Kill joy mo naman, Bro! Nakalimutan mo ba, niyaya lang natin sya para meron tayong sasakyan?"
Hindi pinansin ni Roel ang paliwanag ni Jerry. "Ipaalam ko lang sayo na ang rule sa barkada namin ay bawal ang i****t. Kumbaga bawal jowain si Bea dito kasi barkada nga di ba!"
Hindi ako makaimik. Baka nakita ni Roel na sinubuan ko si Daryl pero isa lang ang totoo diyan, hindi naman kami. Tamang hinala lang siguro si Roel.
" Bro, wag kang ganyan, " saway ni Jomar." nandito tayo para mag-enjoy. Saka barkada lang naman turingan nila Daryl kaya wag mo singitan ng ganyan ang lakwatsa natin. Panira eh."
Tumayo na si Daryl. "Siguro maiwan ko na muna kayo para mas makapagbonding kayo."
Naunang natulog na si Daryl at naiwan kami sa veranda ng room namin. Kumalma na si Roel nun umalis si Daryl. Siguro ayaw niya na kasama pa si Daryl sa kulitan naming magbabarkada.
Kinaumagahan, tahimik na nagligpit ang lahat. Kahit sa biyahe ay hindi rin kami nag-uusap. Masakit. Di ko alam bakit ako nasasaktan eh hindi naman kami.