Dalawang ilog

3576 Words
Tumakbo ang relasyon namin ni Edison na hanggang eskwelahan lang kami malayang maging kami. Limitado pa rin ang pag-uusap namin pag nasa bahay. Kaiba sa pag-uusap namin ni Daryl na kahit makitang nakavideo call kami ni Mader o kahit sino man sa bahay ay okay lang. 7PM ay nagvivideo call kami madalas ni Daryl. Maikling usap lang kasi iniisip niya may homework pa ako at may pasok kinabukasan. "Lumampas na ang midyear, di ba sabi mo baka magtraining ka sa ibang bansa?" Paalala ko sa kanya. "Pinapahanap na nga niya ako ng training sa ibang bansa pero gusto niya yun advanced at kumpleto para hindi sayang. Pero ayokong lumayo nang matagal." "Malaking opportunity ang makapagtraining sa abroad. Alam ko lalong napo-promote pag naipasa mo ang mas maraming training." "Anong course pala kinuha mo?" "Marketing kinuha ko kasi nakikita ko pag nasa marketing ka, nandun ang pagiging creative at paggawa ng strategy kung paano mo mai-market ang isang produkto. Dama kong may challenge dun." "Bagay ka diyan kasi marami kang ideas." "Daryl, dinner na daw kami. Usap na lang tayo uli." "Sige. Kumusta mo na lang ako sa parents mo at kay Ate Berna." May mga pagkakataon na nagvivideo call kami habang nakaovertime sya sa office dahil gumagawa sila ng team niya ng website o minsan may program pa na hindi ko alam kung ano. Minsan nga pinakilala pa niya ako sa mga kasama niya sa work thru video call. Nagschedule kami ng group study nila Rachel at Hanna. Sumama ang 2 kaklase namin at si Edison. Dun kami sa bahay nila Edison para may libre meryenda na rin. Two weeks na lang kasi ay finals na namin kaya gumawa na kami ng reviewer namin at nagdiscuss ng mga medyo mahirap na lesson. Nanganganib kasi ang 2 kaklase naming babae na makapasa kaya nagpatulong. Nagring ang messenger ko at nasilip nila Rachel kung sino na naman ang tumatawag. Lumabas ako ng pinto ng bahay. "Hello Bea, namiss lang kita. Biglang namiss kita nun makakita ang boss ko ng training kung saan ako ipapadala." "Saan daw ang napili niya?" "Pag-uusapan pa daw namin. Syempre titimbangin niya ang cost ng training at yun value na makuha namin para sa expansion ng company. Anong ginagawa mo? Nakauwi ka na ba?" "Nasa group study ako kasi finals namin next week." "Ay sorry! Sige tuloy nyo na muna ang group study. Alam ko namang madali lang yan sayo. Ikaw pa. Balik ka na sa kanila para di na kayo masyado maabala." "Mamaya na lang pag-uwi ko sa bahay, usap na lang tayo uli. Bye." Napabuntong-hininga ako. Nakakailang na nagvideo call kami sa mismong bahay pa nila Edison. Pabalik na ako sa bahay nang bumungad sa likod ko si Hanna. "Girl, hindi pinsan yan." Napayuko ako. "Tagal na nating magbarkada. Napapansin kong lagi mong kausap yan, kachat at sa tono ninyo, feeling ko hindi pinsan yan." Pabukas pa lang ang bibig ko pero ang tagal lumabas ng mga salita. Huminga muna ako nang malalim. Hinila ko sya palayo ng pinto. "Complicated, Hanna." "Anong complicated? Boyfriend mo din yun? So nananahimikk ka lang pero dalawa pala jowa mo ganun?" Pinisil ko ang braso nya para hinaan ang boses niya. "Hindi sa ganun. Magulo ang sitwasyon." "Eh talagang gugulo ang sitwasyon kung nanloloko ka ng boyfriend na matino naman sayo." Napasimangot ako. Ang hirap magpaliwanag. "Hanna, bago pa si Edison ay may lalaking nangako sa akin na hihintayin niya akong umabot sa right age bago niya ako ligawan," abot-abot ang hininga ko. "kaya lang, siya, naghintay. Samantalang ako hindi kasi akala ko hindi na mangyayari. Gusto ko rin siya. Dumating siya uli pero kami na ni Edison." "Sinong mas mahal mo?" Ayokong sabihin ang totoo. Kasi pag sinabi kong mas mahal ko si Daryl ay mukha akong manloloko kay Hanna. "Bea, the fact na nalilito ka at ineentertain mo ang calls niya, isa lang ang ibig sabihin niyan. Mas mahal mo ang taong yan." Napahalukipkip siya. "Hindi ka magkakaganyan at maglilihim ng usapan ninyo kung wala siyang halaga sayo." "Eh pa'no kung talagang mas matimbang siya kesa kay Edison?" "Sa tingin mo naman ay gumawa ka ng maganda desisyon kung hiniwalayan mo si Edison para lang sa Daryl na yan? Sa tingin mo pag ginawa mo yan ay di ka makarma? Saka si Daryl, magiging maayos ba relasyon ninyo kung makita niyang iniwanan mo si Edison para sa kanya. Iisipin din niya na pag may nakita kang ibang lalaki ay baka iwan mo din siya. Hindi magiging tahimik ang relasyon ninyo. Bahala ka. " Sabay talikod ni Hanna. Naiwan ako sa labas. May punto siya pero si Daryl naman talaga ang gusto ko noon pa. Nadatnan ako ni Edison sa labas ng bahay nila. Bitbit niya ang meryenda namin na pizza at naggrocery pa sya ng snacks namin. Binigay sa akin ang box ng cinnamon rolls. "Paborito mo." Hinalikan niya ako sa ulo. Pagpasok namin ay tinulungan kong maghanda si Edison. Iniwasan ko ang titig ni Hanna. Lalo lang akong mastress. Diretso lang kami sa group study habang kumakain. One week before finals namin nang tinawagan ako ng Auntie Vivian ko. "Ano ang pangako mo sa akin?" Bungad niya ni walang hello. "Ano?!" Namental block ako sa pagbulaga niya sa akin. "Mayabang ka pa nun sinabi mo na pag ako ikakasal ay kahit may pasok ka ay aabsent ka, tama ba?" Mataray na sabi ni Auntie Vivian. Napatalon ako sa tuwa. "Ikakasal ka na?" Sa wakas. Nasa forty years old na ata siya eh. "Sure ka, ikakasal ka na? Kailan? Sobrang saya ko para sayo." "Next week na!" "Hala, Auntie bakit biglaan naman? Saka bakit next week? Finals ko yun. Move mo ng another week para sem break na ako." "Naku ha! Hindi na pwedw idelay baka umatras pa itong boylet ko! Gawan mo ng paraan yan. Nangako ka sa akin. Basta ikaw ang Maid of Honor ko." Ganun lang. Gawan ng paraan. Parang ang dali lang no. Nag-isip ako ng paraan para makapunta sa kasal ni Auntie. Thursday daw ang kasal niya kaya kailangan Wednesday nandun na kami. Kinausap ko ang professors ko para magpaalam na kung pwede ay kunin ko lahat ng exams ng 2 days kahit na sumalang ako sa ibang klase basta matapos ko lahat. Pinasulat nila ako ng letter of request sa Dean namin at kapag pinayagan ay okay lang daw sa kanila. Nakita ni Edison na nagmamadali akong magsulat habang nasa Campus Cafe kami. "Para saan yan Bhe?" "Ikakasal kasi ang Auntie ko kaya kailangan kong pumunta ng Cebu. Malapit na maging old maid yun buti nakahabol." Napangiti ako sa sinabi ko. Buti nga talaga nakahabol si Auntie. "Matagal ka dun?" Nakahilig ang ulo niya sa kamay niya na nakatukod sa mesa habang nakatingin sa akin. Napatigil ako sa pagsusulat at binaling ang mata sa kanya. "Baka dun ko na spend ang sem break or baka 1 week. Depende kina Mader. Uuwi ka naman ng Baguio di ba?" "Balak ko sana magstay dito ng sem break para magspend ako ng time sayo. Kahit pasyal tayo. Ganun." "Inform kita ng final schedule namin doon. Kung magdecide na 1 week lang kami dun nila Mader, message kita." Hinawakan ni Edison ang pisngi ko. Nagmessage ako sa mga barkada ko na nasa Cebu ako para sa kasal ni Auntie. Syempre, sinabihan ko rin si Daryl na imbitado rin pala sa kasal kaya lang hindi makakarating dahil may pasok siya. Sabi niya ay dadalawin niya ako after work. Dumating kami ng Wednesday night sa Cebu pero may kasayahan na agad. Nag-iinuman na sila Uncle kasama ang mga kamag-anak namin. Ang daming gamit na nakakalat dahil sa dami ng bisita. Nilagay ko sa hanger ang off-shoulder gown ko na pinuno ng perlas na binili pa namin sa Divisoria. Balak ko matulog pagkatapos ko i-steam press ito para fresh ako bukas. Walang iyakan sa araw ng kasal gaya ng iba. Malamang masaya sila na nakapag-asawa ang Auntie ko na nagpaaral ng ilang pamangkin nun dalaga pa. Magdamagan ang party sa events place na pag-aari ng boss ng Auntie ko. Yun daw ang regalo ng boss niya. Libre ang venue at may accommodation para sa amin nila Mader at Lola. Kahit nakaalis na ang newly-weds ay tuloy pa rin ang mga kamag-anak namin sa inuman at videoke. Nun 3AM na ay hindi ko na kinaya ang pagod kaya nauna na akong natulog sa kanila. Saturday na ng umaga nun nakauwi kami sa bahay ni Lola. Di nagtagal ay dumating na sila Jerry, Roel at Kiko. "Nakailang balik kami kahapon dito, wala pa kayo,," sabi ni Jerry. "Nabangag kami sa puyatan. Buti nga may matutulugan dun sa venue." "Gaano ka katagal dito?" tanong ni Roel. "Naku, 1 week lang daw sabi ni Papa kasi may kliyente sila ngayon sa construction." "Bilis lang pala. Dapat umpisahan na ang lakwatsa ngayon." Ani Kiko. Natawa kami. "Walang sasayanging oras ah." Sabi ni Jerry. "May bagong resort dito, Bea. Try natin. Dami nagsabi na maganda daw." Sumingit si Jomar. "Ate, tama yun. Maganda daw ang lugar. Kaya lang fully booked daw lagi eh." "Fully booked pala so pano tayo makapunta?" "Tawagan mo muna, Joms" utos ni Jerry. "para malaman natin ang diskarte natin." Pumasok sa bahay si Jomar para tumawag sa resort. "Ganito na lang gawin natin," pagpaplano ni Jerry. "kami ni Roel ay mamalengke na para masarap naman food natin. Tapos ikaw naman Kiko, handa mo gamit natin. Punta ka sa bahay namin, sabihan mo lang si Mama na hingi ka ang pang-overnight ko. Si Jomar naman maghanda ng mga plato na pwede natin magamit. Ok ba sa inyo yun? " " Walang problema basta organize lang natin ang kilos natin. Sana lang may bakante. " Mayamaya ay lumabas na si Jomar. " Bro, meron daw sila bakante. Dormitory style daw pwede ang 6-8 persons pero hindi daw sila tumatanggap ng phone reservation. First come, first serve daw kasi Sabado ngayon, marami daw guests." "Sino ang paunahin natin dun para mareserve na sa atin?" Tanong ni Kiko. "Kung si Bea na lang?" Nakatingin silang lahat sa akin. Pagpapatuloy ni Jerry. "Kasi mas madali yun kung mauna siya habang takbo kami sa palengke, luto ng food para pagdating dun ay kakain at mag-ihaw na lang ng isda." "Ok lang sa akin. Pahatid na lang siguro alo kay Uncle." Binigay nila sa akin ang ambag na pambayad sa resort at umalis na sila. Nagbibihis na si Uncle nun nagpaalam ako kung pwede sumabay. Hindi daw pwede dahil may dadaanan siyang client. Kinausap ko si Jomar. "Pa'no yan, di ko naman alam yun papunta sa resort?" "Ate, kung si Daryl na lang kaya? Dati naman napapakiusapan natin siya na magdrive sa atin." "Sino magsasabi?" "Ako na. Tawagan ko sa bahay nila ngayon." Lalong kinabahan ako. Kung dati ay walang kaso na magkita kami, iba na ngayon. Mas malalim na ang pagkakaibigan namin. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko. Naghanda na ako ng gamit at naligo. Pagkalabas ko sa banyo ay sinabihan ako ni Jomar na libre si Daryl ngayon dahil walang pasok. Lalong kumabog ang dibdib ko. Kinuha ko na ang bag ko. Napansin kong hindi pa handa si Jomar. "Jomar, bakit hindi ka pa bihis? Sabay ka na sa akin." "Ate, hintayin ko pa sila Jerry. Saka sabi ni Lola magdala na daw akong ng kanin natin para hindi na hassle mamaya." Umaayon pa ata ang panahon sa amin. Narinig ko na ang sasakyan ni Daryl sa labas. Bumaba siya para tulungan ako sa gamit ko at sa bag ni Jomar. Umalis din kami agad. " Sana ikaw na ang direktang nagsabi sa akin na magpapadrive ka, " panimula ni Daryl. " Akala ko kasi may pasok ka ng Sabado. Nakakahiya naman kung makaabala sayo." Nagpark siya sa grocery. "Bili muna tayo ng snacks para mabawasan na ang bitbit nila mamaya. Inform mo na tayo na ang bumili." Kumuha siya ng cart. Nilagay niya dito ang 1.5 liter na softdrinks. Kumuha naman ako ng chips, bread at palaman. "Nagkakape ka ba sa umaga?" Tinanong ko sya nun tumapat kami sa linya ng kape. "Ipagtitimpla mo ba ako?" "3in1 pwede," natawa ako. Ayoko na magprisinta. Baka matulad sa pancit canton na niluto ko. Binayaran niya ang binili namin at binitbit papunta sa sasakyan. Pagdating namin sa reception ay siningil na kami. Binigay ko ang perang inambag nila Jerry. Si Daryl na nagbayad ng corkage namin. Pagdating sa kwarto ay malaki ang space. May 3 double decks at 1 double bed na nasa dulo ng kwarto. Nilapag namin sa mesa ang lahat ng pinamili namin at ang bag ko ay nilagay na sa double bed. Umupo kami sa veranda na nakaharap mismo sa dagat. Kumuha si Daryl ng chips at tubig na nilapag niya sa mesa na yari sa plastic rattan. Maging ang maliit na sofa ay yari din sa plastic rattan. Magkatabi kami sa upuan habang nakatingin sa dagat. "Kain tayo ng chips," alok niya. "para mas maenjoy natin ang view." Binuksan niya ang chips pati ang mineral water bottle. Naramdaman ko sa bulsa ko na nagvivibrate ang cellphone ko. Lumabas ang name na Manang Edna, codename ko kay Edison. Kailangan may mga ganito akong strategy para di mabisto sa bahay kahit maiwan ko ang cellphone ko sa mesa o kung saan man. Naalala ko na hindi ko pa pala sinabi kay Edison ang schedule namin dito. Mamaya ko na alng reply-an. "May sinabi ka dati na pag nagkita tayo uli, pwede na natin pag-usapan ang tungkol sa atin," pagpapaalala ni Daryl. "Ganun ba ang saktong simabi ko? Di ba ang sabi ko pag nakabalik ka ng Manila, makakapag-usap na tayo." Humarap siya sa akin. "Nandito naman tayo. May pagkakataon na mag-usap baka pwede na." "Ano ba ang gusto mo pag-usapan natin?" "Bea, alam mong simula pa noon ay mahal na kita," tumikhim siiya. "Naghintay ako ng tamang panahon para bilang respeto sa parents mo lalo na kay Ate Berna na barkada ko." Pumihit ako ng pagkakaupo para nakaharap din ako sa kanya. "Bakit nanahimik ka simula ng huli tayo magkasama sa tournament mo hanggang bago ka pumunta ng Manila?" "Hindi ako nanahimik," paliwanag niya. "sadyang hinanap kita online pero wala ka. Si Ate Berna naman sabi sa akin wala kang account. Wala lang akong lakas ng loob na hingin ang number mo dahil naaalangan ako lalo na nun nagkatrabaho sya. Malayo na ang agwat niya sa aming barkada." "Mas natiis mo yun kumpara sa makausap ako uli?" "Pero nandito naman na ako di ba? Tinupad ko ang paghihintay kaya nandito na ako sayo." "Hindi ko maintindihan." Bumalik ako ng tingin sa dagat. Lumapit siya sa akin. "Sabihin mo sa akin ang kailangan kong gawin para maintindihan mo. Payag naman akong magsimula uli sayo." Nagvibrate na naman ang cellphone ko. Binuksan ko. Si Edison uli. Nireplyan ko na lang ng mabilis. "One week lang kami  dito sabi nila Mader. Balik ko diyan Thurs." Biglang dumukwang si Daryl. Nilayo ko ang cellphone. "Naninilip ka ha," saway ko. Malapit na ang mukha niya sa akin. Dahan-daham niyang nilapit ang mukha sa akin at dinampi ang labi niya sa labi ko. Madiin,. Sabay niyakap niya ako. "Mahal na mahal kita, Bea!" Mahigpit ang yakap ni Daryl. "Kasama ng paghihintay ko ay ang mapakita sayo na nagsikap akong maging stable para maging karapat-dapat sayo. Sana mahalin mo rin ako." Napapikit ako. Ayokong gumanti ng yakap. Baka malaglag na ang depensa ko at bumigay na ko sa kanya. Kinalas ko ang pagkakayakap niya at pumasok ako sa kuwarto.. Sumunod siya. " Bea! " " Bakit? Bakit Daryl? Sa ilang taon na nanahimik ka, alam ko bang naghihintay ka pa rin? Ni walang abiso o paramdam kung naghihintay ka bang talaga." "Pinaliwanag ko naman sa'yo. Sabihin natin na duwag pa ako noon kasi wala pa akong napapatunayan sa sarili ko," lumapit siya sa akin. Hinawakan ang dalawang siko ko na nakahalukipkip. "Pero nandito naman na ako, Bea. May problema ba sa pagdating ko ngayon sa buhay mo?" Napabuntong-hininga ako. Gusto ko sabihin: 'Oo, malaking problema ang pagdating mo. " " Iwan mo muna ako, Daryl. " Umiwas ako sa kanya. Lumabas siya. Humiga ako sa kama. Narealize ko, kung hindi ko sinagot agad si Edison, madali lang magdecide. Umaalingawngaw kasi sa tenga ko ang sabi ni Hanna na makakarma ako, na hindi rin magiging maganda ang relasyon namin kung may iniwanan ako boyfriend para lang kay Daryl. Sa kakaisip ay nakaidlip ako sa kama. Nagising ako sa ingay nila Jerry. Dumating na pala sila. Napansin ko na may kumot na ako dahil siguro malakas na ang buga ng aircon. Tiningnan ko ang oras. 1:30 PM na pala kaya nakaramdam na ako ng gutom. Paglabas ko ay hinahanda nila ng pagkain. May sinaing na nga at may adobong manok pa at pritong isda. May nakababad silang liempo na malamang iihawin nila mamaya. Masaya ang naging usapan namin na may kasamang kulitan. Nagswimming kami ng hapon at nagdinner rin kami. Kinaumagahan ay gumayak kami ng maaga dahil nagtext sila Mader na aalis sila para dumalaw sa mga kamag-anak namin. Sa likod pa rin ng pick up sumakay sila habang kami ni Daryl sa harap. Tahimik lang kami sa biyahe. Nagpapakiramdaman. Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil na tila may pagkasabik. Tumingin na lang ako sa bintana para umiwas ng tingin sa kanya. Pagdating sa bahay ay tinulungan niya kami ibaba ang mga gamit namin. Hinatid ko siya palabas baka sakaling mayroon siyang sasabihin sa akin. Nakahawak ako sa gate nun humarap siya s akin. "Babalik ako dito mamaya." Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko pagkasabi niya nun. "Ok." Masarap sana sa feeling yun pagkasabi niya na babalik siya mamaya. Ang delivery kasi ng words ay parang kami na. Si Jomar lang ang kasama ko. Yun iniwan nilang ulam ang kinain namin. Umidlip muna ako kasi napagod din ako. "Bea, gumising ka." Pagmulat ko ay si Auntie Vivian. Nag-unat ako. "Nandito ka na agad? Di ba honeymoon kayo." "Pwede na ipagpatuloy sa bahay yun. Umuwi lang ako para kumuha ng ilang gamit. Saka na ko maglilipat." "Anong oras na ba? Sarap ng tulog ko eh." Sinundan ko siya sa kuwarto niya. Nagmano ako bagong Uncle ko na mas bata pa kay Auntie pero mukhang mabait naman. "Halos 5 PM na," kinuha niya ang duffel bag niya. "Magluto na lang kayo ng hapunan niyo. Bukas pa ata uuwi sila Lola niyo dito." Pumunta ako sa kusina nang makita ko sa pinto so Daryl. "Bea, may dala akong chicken curry." Nilapag niya sa dining table. "Luto ni Mama para sayo." Ang bait talaga ng Mama ni Daryl kahit noon pa. "Salamat." Palabas na si Auntie ng kuwarto nang makita niya si Daryl. "O, nandito ka pala." "Auntie, pwede ka ba namin makausap ni Bea?" Napatingin ako kay Daryl. Kinabahan ako. Pinauna muna ni Auntie ang mister niya sa sasakyan. Naupo na si Auntie sa sala habang kinuha ni Daryl ang kamay ko para sumama sa pag-upo. Magkatabi kami. Parang kami pero hindi naman pero sana kaya lang paano? " Kayo na ba?" Direktang tanong ni Auntie. "Sana," sagot ni Daryl na sinabayan ng pagpihit ng ulo niya papunta sa akin. "Eh ano pang hinihintay niyo?" "Siya lang po ang hinihintay ko," sagot ni Daryl. "Anong desisyon mo, Bea?" Balik sa akim ni Auntie. "Mahal mo ba si Daryl?" Hindi ako makasagot. Hinahalukay ang sikmura ko sa tensyon. Alangan naman sabihin ko agad mahal ko siya tapos isipin niya agad kami na kasi naconfirm naman na mahal ko rin siya. Tumingin ako kay Daryl. "May problema ba?" Pangungulit ni Auntie. Sinalo ni Daryl. "Sa akin po Auntie wala naman po." "Sayo?" Balik na naman sa akim ni Auntie. Naiipit na ako. "Bakit di ka sumasagot?" Napalunok muna ako. "Eh kasi Auntie... hindi pwede eh." "Bakit hindi pwede? Kausapin ko si Mader mo. Gusto naman niya si Daryl. Nakwento na niya sa akin na boto siya kay Daryl kaya hindi magagalit yun." Bumilis ang paghinga ko sabay ng t***k ng puso ko. "Hindi si Mader ang problema, Auntie." "Eh sino?" Tanong ni Auntie uli. Daig ko pa ang under interrogation dito. Sinulyapan ko si Daryl at si Auntie. Magkasalikop ang dalawang kamay ko na tila sa kamay ko kukunin ang lakas na makapagsalita. . "Auntie, may boyfriend na kasi ako." Yumuko si Daryl at sinapo ang ulo. "Matagal na kayo?" "10 months na po kami." "Mahal mo na ba talaga yan o mas mahal mo si Daryl?" Hindi ko masagot. Ayokong magkamali ng sagot. "Kaya mong hiwalayan yan boyfriend mo para kay Daryl? Bago pa lang kayo, pwede mo pang hiwalayan yan. At least si Daryl kilala na natin noon pa kesa diyan sa boyfriend mo na bago lang." Natulala na ako. Wala na akong masabi o maisip. Parang namanhid ang katawan ko na sobrang nalilito. "O ano, magagawa mo ba na hiwalayan mo ang boyfriend mo pagbalik mo ng Manila." Tiningnan ako ni Daryl na tila naghihintay ng sagot. Hindi ko kaya tumingin sa kanya. "Sige, kausapin ko siya pagbalik ko sa Manila." Umalis na si Auntie matapos ang usapan na iyon. Naiwan kami sa sala. Sumandal ako sa sofa dahil nanghina ako sa komprontasyon kanina. "Kayo na pala nun pumunta ako ng Manila. Bakit hindi mo simabi sa akin?" "Nagtanong ka ba?" Pinili niyang wag magsalita. Nakasubsob siya sa mga palad niya. Nanlulumo siyang nagpaalam para umuwi. Hinatid ko na lang siya ng tanaw. Hindi na sya lumingon uli. Nasaktan ako nang husto. Yung pakiramdam na nagLQ kami at hindi nag-usap bago nagkahiwalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD