Buhay ni Daryl

2426 Words
Three months na si Daryl sa Japan pero mabilis lang lumipas ang mga araw. Nun una siyang dumating dito ay naaliw pa siya dahil bagong lugar, iba ang ambiance. Pero nun umabot na siya ng isang buwan ay unti-unti na siyang nahomesick. Ganito pala ang pakiramdam ng OFW, nasabi niya sa sarili. Yun kakagatin ka ng lungkot na dinagdagan pa na kahit may nakakausap sya sa office nila ay wala pa rin siyang maituring na kaclose dahil puro foreigner ang kasama niya. Pumayag siyang pumirma ng agreement sa JTech Inc. dahil binigyan siya ng kanyang boss na si Mr. Haru ng magandang deal. Bukod sa tumaas ang sahod niya ay siya ang hahawak ng expansion nila pag natapos niya ang training sa Japan. May catch nga lang. Dahil all-expense paid ang training niya at may accommodation pa, kailangan niyang magstay sa company ng minimum na 10 years. Kapag umalis siya bago sumapit ang 10 years ay babayaran niya lahat ng ginastos ng company sa kanya. Okay lang sa kanya dahil magandang opportunity at security ito sa trabaho dahil tataas ang value niya bilang employee. Magiging malawak din ang kanyang kaalaman at skill sa trabaho. Pag-uwi niya ay nagvideo call siya sa kanyang ina. "Daryl!!! Anak! Kumusta ka na?" Kinontrol ni Daryl ang emosyon dahil sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. "Okay lang po ako, Ma." Pinasigla pa niya ang boses. "Enjoy naman po ako dito." "Dapat mamasyal ka rin paminsan-minsan diyan para hindi ka mabagot. Wag din masyadong subsob sa trabaho." "Sakto lang naman, Ma, yun trabaho at training ko. Marami akong natututunan," sabi ni Daryl. "Oo, naron na ko na magaan sayo ang trabaho, masaya ka sa ginagawa mo pero bigyan mo rin ng panahon ang sarili mo. Makipagkaibigan ka diyan kasi minsan iniisip natin wala lang tayong mapiling iba kasi nakablinders tayo." Natawa siya. "Blinders talaga, Ma? Parang kabayo lang na nakablinders." "Nakablinders kasi nakatutok ka lang sa iisang bagay, sa iisang direksyon pero di natin napapansin na baka may napapalampas tayong ibang bagay na mas okay kaysa sa nauna." Alam na ni Daryl ang direksyon ng sinasabi ng Mama niya. "Ma, hindi naman na alo nakatutok dun. Okay na ako." "Pinapaalalahan lang kita na nabigay mo na ang effort mo kay... sa kanya," iniwasan ng Mama niya na banggitin ang pangalan ni Bea. "It's about time na ibigay mo ang effort mo sa bago. For all you know, lagi mong nirereserve ang pagmamahal at pag-aalaga sa isang tao kahit na meron na pala diyan sa tabi mo." "Hayaan mo, Ma. May darating para sa akin. Baka natraffic lang," pagbibiro niya. "next week po ako makakapagpadala. Siguruhin nyo lang po ang pangmaintenance ninyo." "Lagi naman akong kumpleto ng medications ko. Saka minomonitor ni Papa mo ang pag-inom ko at laging nakabantay si Dennis kung may stock pa o wala. Sarili mo ang ingatan mo dahil ikaw ang nasa malayo." May high blood at diabetes ang Mama ni Daryl. Ilan taon na rin na may maintenance ito. Ito rin ang dahilan kung bakit pumayag siya sa deal ni Mr. Haru kahit ayaw niyang malayo sa pamilya niya. Naisip niyang mas mabibigay niya ang pangangailangan ng Mama niya kung mas malaki ang sahod niya dahil dati kahit katuwang niya ang nakababatang kapatid na si Dennis ay hindi sapat sa sobrang mahal ng gamot. Inagahan niyang umalis kinaumagahan dahil umpisa na ng short course na kinuha niya. Gusto niyang sa harap umupo para mas maintindihan niya ang lecture. Matapos niyang ihanda ang laptop at organizer ay nagcellphone muna siya. "Is this seat available?" Boses ng babae. "Yes, it is." Simpleng sagot niya saka nagtuloy sa paggamit ng cellphone. Palihim niyang sinipat ang babae na naghahanda rin ng gamit. Maganda, makinis at may natural blush ang pisngi. Kahit aattend lang ng short course ay nakabusiness attire pa, terno na cream pants at blazer. nakapusod ang buhok na may kaunting naiwan sa bandang tenga. Kinuha niya ang cellphone, nagdial at may kinausap ng Nihongo. Pagkatapos niya makipag-usap sa cellphone ay bumaling ito sa kanya. "So, is this your first short course here or you had a few before?" Natigilan si Daryl. Siniguro muna kung siya ang kausap nito. "This is my second." "Kriselle," pakilala niya. "Daryl," lambot ng kamay sabi niya sa sarili. Sa observation ni Daryl, napakaconfident ni Kriselle dahil ang dali lang niyang makapagsimula ng conversation. Napakasmooth lang. "How long have you been here?" "Three months," pinatay na niya ang cellphone at ipinatong sa mesa. "Baka hindi mo na maisipang bumalik niyan," sabi ni Kriselle. "Bakit mo nasabi yan?" "Masarap ang buhay dito. Maganda ang tanawin, napakamodern at iba ang pamumuhay, " tinanggal niya ang butones ng blazer niya na nakaibabaw sa tube na pang-itaaas. "San ka na namasyal?" "Wala pa. Sa coffee shop lang, office tpos sa tinutuluyan ko." "Boring mo," biro ni Kriselle. "Ikaw, gaano ka na ba katagal dito?" "More than 2 years. Pinadala ako ng company dito para tumulong sa setup ng isang department. Nagustuhan ng Chairman ang paghandle ko kaya kinausap nya ang Philippines counterpart na dito na lang ako, paliwanag niya." Ikaw, bakit ka nandito? " " Sponsored ng company ang trainings ko kasi pagbalik ko ay ako ang hahawak ng expansion namin." "Wow, that good!" Pumasok na ang professor. Nang matapos ang session ay nagligpit na sila ng gamit. "Ipasyal mo naman ako," lakas-loob na sabi ni Daryl. Nakakahawa ang confidence ng babaeng ito. "tutal sinabi mong boring ako." Natawa si Kriselle. "Oo ba, basta sagot mo." Dinala siya ni Kriselle sa Ichiran Ramen. Umorder si Daryl ng Tonkotso Ramen samantalang kabisado na ni Kriselle ang order niya. Umupo sila sa gilid na parte ng restaurant. "Buti pinayagan ka ng pamilya mo na magtagal dito?" Tanong ni Daryl. "Anong klaseng pamilya ba ang tinutukoy mo? Pamilya as in parents o sariling pamilya?" "Pareho syempre," sagot ni Daryl. "Bakit mukha na ba akong may-asawa o anak?" "Hindi naman, " humigop si Daryl ng pork broth. "Kung sa pamilya, okay sa parents ko kasi stable ang work ko at minsan nagpapadala ako. Minsan lang kasi may negosyo naman silang bigasan," binaba ni Kriselle ang chopsticks saka pinunasan ang bibig ng tissue. "Ikaw, buti pinayagan ka ng misis mo?" Direkta talaga itong si Kriselle, naisip ni Daryl dahil tinukoy agad ang tanong. "Girlfriend nga wala ako tapos misis pa." "Parang mahirap paniwalaan yan," pagdududa ni Kriselle. "karamihan talaga ng nagiging OFW na lalaki ay nagiging binata kahit may-asawa na." "Wala nga. Pero malay mo magkaroon na." Makahulugang sabi ni Daryl. "Add mo naman ako as friend sa FB." "Ano name mo? Add na kita now na," kinuha ang cellphone sa bag niya. "Daryl DGC. Daryl De Guzman Cabrera." "Oh, ayan accept mo na." Nakaabang siya sa confirmation. "Mabubusog ka diyan sa account ko." Napatingin si Daryl kay Kriselle na tila nahiwagaan sa sinabing 'mabubusog sa account' niya. Pagdating sa bahay ay binuksan niya ang account para maview ang mga post ni Kriselle. Mabubusog nga siya sa mga picture nito na nakabikini at may selfies pa ito na nakashorts at hanging shirt sa harap ng full length mirror. Sexy si Kriselle na mas lumalabas kapag naka-casual na damit kesa sa balot na balot. Nakadagdag pa sa appeal niya ang pagiging confident niya. Karamihan sa mga post niya ay kasama ang mga kaibigan na nasa resort o road trip. Kinabukasan ay inagahan uli. Nilagay niya ang laptop bag sa tabi niya para nakareserba amg upuan kay Kriselle. "Thank you," sabay upo niya pagkaabot ng laptop bag. "Tama ka, nabusog ako." Nakangisi si Daryl. Inirapan siya ni Kriselle. "Ini-stalk mo na pala ako." "Nagcheck lang ako. Bakit ako ba hindi mo ini-stalk?" "Hay, naku baka mabagot lang ako pag tiningnan ko." Bago matapos ang session ay nag-announce ang professor na magkakaroon sila ng 2 projects na gagamitin ang natutunan nila at ipapasa ito next month. Kailangan ay may kapartner sila dahil ang 1 project ay solo at ang isa naman ay combined effort. "Tayo na agad ang partner ha," sabi ni Kriselle.. "Alangan naman pumili pa ko sa mga kaklase natin," ani Daryl. "Natural lang no! Ang lagay sa ganda kong ito, naghanap ka pa ng iba." Sa bawat araw na pumapasok si Daryl ay lalong nagkakaroon ng excitement dahil kay Kriselle. Hanga siya sa galing lalo na pag sumagot siya o nagpresent sa harap. Kaya hindi nakakapagtaka na maimpress ang Chairman sa kanya dahil kapag nagsalita siya ay alam mong may utak siya. Sinimulan na nila unti-unti ang project na ginagawa nila tuwing matapos ang session. Nang dumating ang Friday, gusto naman ni Daryl na chill muna sila. "Coffee naman tayo after class," yaya ni Daryl. "Oopps! May lakad kami tomorrow eh, tanggi niya." bibili akong ng snacks namim na dadalhin bukas sa resort. Ikaw na lang kaya sumama sa amin? " " Hindi ba diyahe sa mga friends mo? " " Not a big deal, " kibit-balikat na sabi ni Kriselle." Anniversary ng friend ko na may jowang hapon at inimbita kami. Dalawa lang yun friends kong Pilipina na may jowang hapon at Pilipino." "Sige sama ako," sagot ni Daryl. Naghanda ng gamit si Daryl. Ngayon lang siya makakapag-outing. Habang ginagawa niya iyon ay umaalingawngaw sa tenga niya na sabi ng Mama niya: Tanggaling ang blinders para makita niya ang iba na baka katabi lang niya. Si Kriselle ang unang nakita niya nun wala na siyang blinders. Magkasunod lang sila ni Kriselle na dumating sa coffee shop na meeting place nila. Nakasuot ito ng gray jeggings na may manipis na gray jacket. Nakalugay ang buhok niya na abot sa kalahati ng likod niya, wavy ito at may highlights. Lumutang ang ganda niya dahil hindi intimidating ang hitsura. "Hintayin lang natin sila saglit. Mayamaya nandito na ang mga yon," sabi ni Kriselle na chinecheck ang mukha niya gamit ang cellphone. kumaway siya sa dalawang taong pumasok ng pinto. "Lani, Carlos, si Daryl." Pakilala ni Kriselle. "Hello Daryl," kinikilig na bati ni Lani. "girlfriend mo na ba itong kaibigan ko?" "Correction! Stalker ko pa lang siya sa sss no," biro ni Kriselle. Inabot ni Carlos ang kamay niya. "Musta, bro? Buti may makakausap na ako." Bumili lang sila Lani sa bar ng inumin saka sila lumabas dahil naghihintay na ang SUV na sasakyan nila na may babae at nagdadrive ma hapon. "Daryl, si Aki at Donna," sabi ni Kriselle na nagNihongo nun ipapakilala na si Aki sa kanya. " Namangha siya sa tanawin na sinabayan pa ng pag-idlip ni Kriselle sa balikat niya. Huli siyang nakaranas na may sumandal sa balikat niya ay high school pa siya nun may nireretong babae sa kanya ang barkada niya. Pero ang kaibahan lang, dama niya na malakas siya sa pagkakasandal ni Kriselle s kanya. Yun tipong kaya niyang protektahan ang babaeng ito kahit saan. Nakarating na sila sa resort. Binibigay ni Daryl kay Kriselle ang share niya pero di nito tinanggap. "Sagot ni Aki itong trip natin," bulong ni Kriselle. "Anniversary kasi nila kaya ito ang celebration nila." Nakasunod lang siya kay Kriselle na nagbubukas ng pinto ng room gamit ang keycard. Pagbukas ay tiningnan siya nito. "Uy, tara na pumasok na tayo," pumasok na si Kriselle. "Iisa lang ba kwarto natin?" Twin-sharing ang room na may dalawang single beds. "Wag ka magworry, safe ka sa akin," nilapag nya ang gamit sa kama na malapit sa glass kung saan kita ang pool. "Ako nga dapat mangamba dahil stalker kita." "Baka kasi maakit ka sa akin at di mo mapigilan ang sarili mo," pangmalakasang biro ni Daryl. Malulutong na halakhak ang pinakawalan ni Kriselle. " I like your humor. Partida ako pa ang matutukso ng lagay na yan." Hinubad niya ang jacket. Lalong lumabas ang hubog ng katawan niya sa suot nitong fit na white razorback shirt. Sinuklay ng daliri ang nakalugay niyang buhok. "Magswimming na ba agad kayo?" Binuksan ni Kriselle ang kalahati ng blackout curtain. "Anong kayo? Tayo no. Magbibihis lang yun sila Lani para handa na agad lumusong. Ikaw, magswimming ka na ba agad?" "Oo naman, ikaw? " Syempre. Magsusuot ka ba ng swimming trunks? " "Kung magsusuot ka ng bikini," hamon ni Daryl. Nasasanay na siya sa lakas ng dating ni Kriselle. "Maliit na bagay yang sinasabi mo," sagot ni Kriselle. "magpalit ka na dahil kinakagat ko na ang hamon mo ngayon pa lang." Mapapalaban yata siya kay Kriselle. Buti na lang name-maintain din niya ang kanyang katawan sa pagwoworkout sa tinutuluyan niya. Paglabas ni Kriselle ay nakastring bikini na may kombonasyon ng black at red streaks na may pang-ibabaw na see-through dress. Binitbit niya ang pouch na may cellphone. Si Daryl naman ay nakasleeveless na shirt at shorts pero suot na niya ang trunks. Pagkababa sa pool ay nagbanlaw lang sila at lumusong. Mas maigi daw na maligo na ngayon para mamaya ay magcecebrate na lang. Unang umahon si Daryl na umupo sa tabi na sinundan ni Carlos. "Daming tao ngayon. Nun nakaraan, hindi ganito karami," kwento ni Carlos. "Madalas pala kayo dito," ani Daryl. "Salitan lang dun sa isang resort na pinupuntahan namin. Pero mas malawak lang kasi ang pool nito." "Matagal na kayong magkakakilala?" tanong ni Daryl. "Si Lani talaga best friend ni Kriselle na nauna dito sa Japan," kwento ni Carlos. "Kaya nun pinadala si Kriselle dito ay tuwang-tuwa si Lani kasi magkakasama na sila. Dito na kami nagkakilala ni Lani." "Mukhang nakapag-adjust naman na si Kriselle sa buhay dito," pumaparaan si Daryl na makakuha pa ng impormasyon tungkol kay Kriselle. "kita sa pakikipag-usap at galaw niya na sanay na siya dito." "Wala naman akong masasabi diyan kay Kriselle," patuloy ni Carlos. "napakacompetitive niya, ambitious kumbaga. Kaya hindi na pinakawalan ng mother company niya." Nagyaya na silang magpalit para makapagcelebrate na sila. Nagpahanda lang si Aki ng special dinner para sa kanila. Mabait si Aki na pinipilit makibagay kahit sa pakonti-konting english. Bumaha ng pagkain at alak. Nun napagod at inantok na ay nagdesisyon silang magpahinga na. Nakahawak si Kriselle sa braso ni Daryl. Tuwid pa naman ang lakad ni Kriselle kaya lang nakahawak ito sa ulo niya. "Okay ka lang?" Tanong ni Daryl. Tumingin si Kriselle kay Daryl. Mapungay na ang mata. "Tama lang kaya lang naparami lang siguro ang inom ko. Grabe naman kasi umorder si Aki." Si Daryl na ang nagbukas ng kwarto. Dumiretso naman si Kriselle sa CR para magpalit. Nakashorts ito at spaghetti strap na pang-itaas na walang bra kaya kahit nakainom na si Daryl ay naaninag niya ito. Iniwas niya ang tingin. Paglabas ni Daryl sa CR ay tulog na si Kriselle. Pinilit din niyang matulog na nakatalikod para maiwasan niyang matukso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD