"Ina, nagkakamali ka. Hindi siya si Amity," pagtatama ni Prinsipe Arsh sa kaniyang Inang Reyna. Ilang ulit niyang sinasabi sa kaniyang Ina na hindi ako si Prinsesa Amity pero hindi pa rin nakikinig ang Mahal na Reyna. Pinagdidiinan niya kanina pa sa kaniyang Anak ang totoo kong pangalan. Naging matigas siya at tanging ang kaniyang sinasabi ang pinaniniwalaan niya. Walang kwenta ang pagtatama ni Prinsipe Arsh sa pangalan ko dahil siguradong-sigurado ang kaniyang Ina sa bawat salitang binibigkas kaya mahihirapan din akong makalusot sa Inang Reyna ng Prinsipe. Kilala niya ako. Alam naming dalawa na totoo ang kaniyang sinasabi. Alam niya kung sino ang mga magulang ko. Hindi na niya hawak ang magkabilaang pisngi ko. Naningkit ang mga mata niya nang pauli-ulit nitong binibigkas ang totoong

