Halos nalibot na namin ang buong paligid ng Simala Shrine Church at malapit na rin magtakip-silim pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naalala ni Prinsipe Arsh. Maya-maya lang ay uuwi na kami at lilisanin na itong simbahan. Sayang lang dahil ang ine-expect ko ay maalala niya ako habang naririto pa kami dahil malaki ang tulong nitong disenyo ng simbahan upang alalahanin ang mga memories namin noong nasa Kaharian pa kami ng Norland. “Oh, bakit nakabusangot ka riyan?” Tumingala ako kay Kaith na abala pa rin sa pagkuha ng mga pictures sa mini garden na nasa likod ng simbahan. Ako naman ay nakapangalumbabang nakaupo sa likuran niya. Hindi ako sumagot sa kaniya at nanatili pa rin ang ekspresiyon ng aking mukha. Mukhang wala na talagang pag-asa na maalala niya ako. Mas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


