"Hindi mo na kailangang sumama pa, Zariya. Ngayon ay ang araw ng iyong pamamahinga kaya't magpahinga ka na lamang," ani ni Ysabelle. “Kaya na namin ito.”
Kahit anong pamimilit niya sa akin na huwag nang sumama, hindi pa rin ako nakinig sa kaniya. Hindi niya ako mapipilit na magpahinga na lamang maghapon at walang gawin.
Gaya niya ay kumuha rin ako ng basket na gawa sa hinabling kawayan. Isinuot ko sa aking kamay ang hawakan nito. Napagdesisyonan ko kasi na sumama na lang sa kanila sa pangunguha ng mga prutas sa hardin. Mas nakaka-enjoy 'yon kaysa magmukmok sa kwarto at humiga lang maghapon. Sasakit lamang ang likod ko roon. Buti sana kung uso ang cellphone at wifi sa panahong ito, gugustuhin ko talagang tumambay na lamang sa kwarto at ‘wag na lumabas pa. Gaya ng ginagawa ko sa modern world, manonood lang ako hanggang umabot ako ng gabi.
Matapos ng nangyari kanina sa silid ni Haya Kaira, pinaalis na ako nito. Magpapalit pa raw kasi siya ng damit niyang siya mismo ang may kagagawan kung bakit ito nabasa at nadumihan. Pinasa pa nito sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Ako pa tuloy ang nagmukhang masama sa harap ni Prinsiper Ravi samantalang siya, inosente at ang biktima sa nangyari.
Ang weird nga, e'. Ano naman ang gusto niyang palabasin sa ginawa niya? Bakit nag-iba ang timpla ng ugali niya noong dumating si Prinsipe Ravi? Ang kaninang mabangis na lion ay naging mahinhing kuting noong dumating ang kaniyang amo.
Pinaplastic niya ba kami?
"Ayos lang, Ysabelle. Wala rin naman akong gagawin sa aming silid kaya mas mabuting sumama na lang ako sa inyo. I'm sure that I will enjoy harvesting at the same time, makakatulong pa ako sa inyo,” masiglang ani ko.
Sa t'wing gumagamit ako ng English words, nakakunot lang ang noo ni Ysabelle. Aware naman akong 'di niya ako naiintindihan pero 'di ko pa rin mapigilan magsalita ng nakasanayan kong lengwahe. Mabuti na lang at tanging tipid na ngiti lang ang isinasagot nito sa 'kin dahil tamad akong mag-translate. Hindi gaya ng dalawang Prinsipe, sina Prinsipe Nesh at Dern na talaga namang kinukulit pa ako para maintindihan nila ang bawat salitang ginamit ko.
"Dahil mapilit ka, halika na." Abot hanggang tainga ang ngiti ko sa pagsang-ayon niya. Sa wakas, pumayag din ito!
Bale apat kaming taga-silbi ang papunta ngayon sa hardin para kumuha ng mga prutas. Paubos na kasi ang mga prutas na nakaimbak sa kusina. Apat na beses sa isang linggo ang pagha-harvest ng mga prutas na wala na sa kusina. Maraming naninilbihan sa palasiyo kaya naman hindi na nakakapagtaka kung paanong madaling maubos ang mga pagkain.
"Kumusta pala ang iyong pagsilbi kay Haya Kaira?" Tumabi sa 'kin si Ysabelle para tanungin ako at makichismis na rin. “Ano ang kaniyang iniutos sa ‘yo? Ikaw ang kaniyang hinanap kahit pa araw ng pamamahinga mo ngayon.”
Hinawi ko muna ang ilang hibla ng buhok sa 'king tainga. Lumalakas na ang hangin dahil hapon na. At sa ganitong oras, tila nagsasayawan ang mga puno na nakahilera sa hallway na dinadaanan namin papunta sa hardin dahilan para mahampas din kami ng preskong simoy ng hangin. Maging ang suot naming hanbok ay nililipad na ang laylayan nito. Hinahawakan ko naman ito para hindi ako matalisod kung sakaling maapakan ko ito.
"Hindi ba't napakabait niya?" Inunahan niya akong magsalita. "Hinahangaan ko talaga si Haya Kaira. Bukod sa napakaganda niya ay ubod pa ng bait. Bagay na bagay talaga sila ni Prinsipe Ravi.” Hindi nito naitago ang pagkakilig.
Napangiwi ako sabay taas ng kilay sa sinaad niya.
"Hindi ka sure," ani ko.
Ang tagal na ni Ysabelle rito sa palasyo kaya naman matagal na rin niyang kilala si Haya Kaira at ayokong kwestiyon-in ang pagkakilala niya kay Haya Kaira. Marahil ay mabait nga talaga ang binibini sa pakikitungo nito sa kaibigan ko. Pero sapat na rin ang nasaksihan ko kanina para malaman ang tunay na kulay nito. Ibang-iba kami ni Ysabelle ng pagkakilala sa mapapangasawa ni Prinsipe Ravi.
Ngunit nagtataka ako, kung sa mata ng iba, napakabait niya, bakit sa 'kin ay hindi? May galit ba ito sa 'kin kaya gano'n niya na lamang ako itrato kanina?
Nagtanong si Ysabelle kung ano raw ang ibig kong sabihin sa salitang 'sure'. Hindi ko na sinagot ito. Ayoko namang ik'wento sa kaniya ang tungkol sa nangyari kanina. Baka isipin niya ay sinisiraan ko lang si Haya Kaira. Ako na naman ang lalabas na masama. Ayokong baguhin ang pagkakilala niya sa binibini base sa sasabihin ko. Nais kong siya rin mismo ang makatuklas ng tunay na ugali ang mayroon kay Haya Kaira.
"Hindi ko pa naman siya lubos na kilala kaya 'di ko masasabi na mabait nga talaga siya," pagpapaliwanag ko.
Hindi talaga ako sang-ayon na mabait si Haya Kaira. Pakiramdam ko ay tulad din siya ng mga kakilala ko in modern world na nagbabalat-kayo. Akala mo 'di makabasag-pinggan dahil sa mala-anghel niyang mukha pero isa rin pala itong b***h! Nagtatago sa inosente nitong mukha at galaw ang tunay na siya.
Nanggigil talaga ako! Lalo na kaninang bigla na lang nag-iba ang pakikitungo niya no'ng dumating si Prinsipe Ravi. Umakto siyang kawawa at ako nangkawawa sa kaniya. Ayoko talagang binabaliktad ako.
"b***h!" bulalas ko sa sobrang gigil. Agad akong napatakip ng bibig. Akala ko ay sa isip ko lang sinabi 'yon, kusa na pala itong lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko na natimpi ang pagkainis ko.
"B-b***h? Ano naman ang ibig sabihin ng salitang iyong ginamit ngayon?"
"Ah, eh..." Napakamot ako ng batok habang nag-iisip ng ipapalusot.
Buti na lang at expert ako sa pag-iisip ng palusot. Nakaisip ako ng idadahilan ko. Ginagalingan ko na mag-isip ng mga palusot. Buti na lang at ‘di pumupurol ang utak ko.
"b***h, ibig sabihin no'n ay maganda. Tama, maganda! Si Haya Kaira ay b***h!" ani ko na tuwang-tuwa pa.
Malakas ang loob ko na tawagin siya sa gano'n dahil 'di naman nila malalaman ang tunay nitong meaning.
Naniwala naman si Ysabelle dahil napatango ito at manghang-mangha pa habang inuulit ang salitang b***h. Napapahagikhik tuloy ako nang palihim. Kung alam lang nito ang tunay na ibig sabihin nu’n, eh.
"Tunay ngang b-b***h si Haya Kaira. Pero Zariya, gusto ko pa sanang malaman kung ano ang salitang mabait sa iyong lengwahe?" Interesado niyang tanong.
Mas lalong lumawak ang ngisi ko ng makaisip ulit ng kalokohan. "Plastic, ang salitang mabait sa 'king lengwahe ay plastic."
"Plastic? Bukod sa b***h si Haya Kaira ay isa rin siyang plastic!" masigla nitong wika. Ang buong akala niya ay pinupuri nito ang binibini. Mabuti na lang at ligtas ako sa kalokohan na ito dahil ako lamang ang may alam ng wikang Ingles dito.
Nagpipigil na ako ng tawa ngayon pero mahirap talagang pigilan kaya napahalakhak na ako nang malakas. Nagtaka naman ang mga kasabayan ko sa paglalakad lalo na si Ysabelle.
Malaking kabawasan ito sa ligtas points ko sa langit. Babawi na lang ako sa next life.
"Tila napakagandang musika sa 'king pandinig ang iyong pagtawa." Napahinto ako nang may magsalita mula sa likuran.
Lumingon kaming lahat kay... Prinsipe Dern?!
"Saan ang inyong tungo mga Haya?" ganadong tanong nito.
"Wala ka na ro'n kung saan kami patungo," masungit na sagot ni Ysabelle. Pinagpatuloy niya ang paglalakad kaya naman sumunod na rin ako sa kaniya.
Kung gaano ako kasungit kay Prinsipe Dern, mas doble pa ang pagkasungit ni Ysabelle. Kawawang Prinsipe, napakaattitude ng kanilang taga-silbi.
Di ko na tinapunan ng tingin si Prinsipe Dern. Mang-aasar na naman ito, panigurado. Kaya sinusungitan, eh.
"Itong si Ysabelle, laging nagsusungit. Alam mo, magagaya ka kay Kharim Celia na tumanda nang dalaga dahil sa kasungitan," panunukso ni Prinsipe Dern nang makalapit ito sa amin.
Rinig ko rin ang mahinang pagtawa ng dalawa pa naming kasama na taga-silbi rin. Mas lalo tuloy naasar ang kaibigan ko.
Napaawang ang bibig ni Ysabelle na tumingin kay Prinsipe Dern pero 'di rin 'yon nagtagal dahil mas pinili niyang irapan na lang ito kaysa makipagsagutan pa. Alam naman kasi niyang hindi magpapatalo ang binata.
Napangiti ako sa kanilang dalawa. Ang cute kasi nilang tingnan. For me, bagay talaga sila. 'Yong tipong si Ysabelle ang katapat ni Prinsipe Dern sa kakulitan nito at pang-aasar. Kapag sinumpong talaga ang dalaga, papatulan niya ang Prinsipe at hindi magpapatalo sa pang-aasar nito.
"Nga pala…" Napatikhim si Prinsipe Dern na tumabi sa 'kin. "Nagtatampo pa rin ako sa 'yo, Zariya." Siniko pa ako nito.
Napalingon ako sa kaniya. Naka-pout siya ngayon habang ang paningin ay nasa daan. Nakacrossed arms pa ito at padabog na maglakad.
"Ha? B-Bakit? May ginawa ba ako?"
"Nagtatampo ako dahil 'di mo ako isinama sa pangangabayo kahapon. Bakit sila Ravi at Nesh lang ang kasama mo? Dapat ako rin!" Nagmamaktol niyang reklamo sa 'kin. “Napakadaya mo!”
"Paano kita aayain kung isinama lang din ako ni Prinsipe Nesh? Isa pa, 'di nga dapat ako kasama ro'n, e'. Isinama lang nila ako dahil naroon na rin naman ako."
Nagkamali lang naman si Prinsipe Nesh. Ang akala niya ay pinapatawag ako ni Prinsipe Ravi para mangabayo pero hindi talaga. Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag? At anong ikakatampo niya ro'n? Edi mangabayo rin siya. Mas enjoy siguro kung isama niya si Ysabelle.
Barko ko na talaga sila Prinsipe Dern at Ysabelle sa mundong 'to. Sana lang talaga ay lumayag na at hindi kailan man lulubog.
Nakabuntot pa rin sa 'kin si Prinsipe Dern at walang tigil sa kakadaldal hanggang sa makarating kami sa bungad ng hardin.
"Sila Prinsipe Ravi at Haya Kaira ba 'yon?" Turo ni Ysabelle sa gazebo na naroon sa gitna ng malawak na hardin.
Mukhang tama nga si Ysabelle. Kahit nakatalikod ang mga ito, halata sa suot nila kung sino sila. Nakasuot ng asul na hanbok si Prinsipe Ravi at kumikinang na pulang hanbok naman si Haya Kaira.
Mas lumapit pa kami sa kanila. Nasa tabi lang kasi ng gazebo ang nakahilerang tanim na prutas. Ayoko mang makita ang pagmumukha ni Haya Kaira ay wala akong choice.
Abala ang binibini sa pag-aasikaso sa mga pagkaing naroon. Samantalang si Prinsipe Ravi ay abala naman sa pag-iihaw ng isda. Mukhang masarap ang niluluto niya base sa amoy na nanggagaling sa iniihaw nito.
"Kumain na muna kayo bago kayo mamitas ng mga prutas," pa-anyaya ni Prinsipe Ravi.
Marami pang ibang masasarap na pagkain ang nakahilera sa mahabang mesa na naroon. Magkatabing nakatayo si Prinsipe Ravi at Haya Kaira. Nasa likod naman ni Haya Kaira ang dalawang alalay niya na kasalukuyan siyang pinapay-payan gamit ang malaking abaniko, alagang-alaga nila ang kanilang amo. Akala mo naman isa nang malaking kasalanan kung may isang butil ng pawis ang namuo sa kaniya.
Nagkatinginan kami at agad niya akong inirapan nang makitang ako lang ang nakatuon ng atensiyon sa kaniya. Hala, inaano ko siya? Hilahin ko kaya mata niya! Ramdam ko ulit ang pagkulo ng dugo ko sa kaniya.
"Hindi na, Prinsipe Ravi. Nakakahiya naman po," tanggi ni Ysabelle.
Maging ako ay gano'n din ang sasabihin. Nakakahiya namang sumalo sa kanila lalo pa kung may kasama sa hapag na nakatagong dragon na nagbabalat-kayo lang. Baka palihim ako nitong sunggaban ng apoy kapag walang makakita. Ako pa ang magsilbing pagkain niya.
"Huwag kayong mahiya, Ysabelle," malumanay niyang wika na ikinangiwi ko. Hindi naman ganiyan ang boses niya noong kausap ko siya kaninang umaga. Pinipilit nitong magboses mabait at umaktong mahinhin sa harap ng ibang tao. "Halina kayo, samahan niyo kami sa pagkain," dagdag pa nito.
"Napakaplastic mo talaga, Haya Kaira," ani ni Ysabelle na agad kong nilingon.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Gusto kong takpan ang bibig niya pero hindi p’wede, baka mabuking pa ako.
Hindi ko alam pero natatawa ako ngayon. Iginala ko ang paningin ko sa ibang bahagi ng hardin para mapigilan ang pagtawa.
"Napakaplastic?" pang-uulit ni haya Kaira.
Hindi ko inexpect na gagamitin ni Ysabelle ang salitang itinuro ko kanina sa kaniya. Kalokohan ko ang ibinubunyag niya ngayon.
"Ang ibig sabihin nito ay mabait. Natutunan ko ang salitang 'yon mula kay Zariya."
Nilobo ko ang pisngi kong tumingin sa kanila bago tumango. Sa pamamagitan no'n, mapipigilan ko ang pagtawa. Mahirap na dahil baka pagdudahan ako na may iba pang ibig sabihin ang salitang ‘plastic’. Ayoko namang ibuking ang sarili ko.
"Ah, may sarili ka palang talasalitaan, Zariya?" pagkumpirma nito sa 'kin na akala mo hindi ako inirapan kanina.
"Opo, Haya Kaira. Kung papahintulutan mo, maaari kitang turuan ng leng'wahe ko." I smiled at her, a plastic one. Hindi lang siya ang marunong mang-plastic ng ngiti.
Tipid na ngiti rin ang pinukol niya sa 'kin pero may kalakip pa ring pangpla-plastic. "Hindi na kailangan pa."
Kahit anong pilit nila sa amin na kumain muna ay tumanggi pa rin kami. Si Prinsipe Dern lang ang nagpa-iwan para sumalo sa kanila. Kapag usapang pagkain talaga, bumibigay agad ang isang ‘yon.
Nagpatuloy na kami sa hile-hilerang tanim na mga prutas. Pumunta ako sa pinakadulo. Mas gusto kong pumitas ng ubas at matatagpuan ‘yon sa dulong bahagi. Si Ysabelle naman piniling pitasin ang mga mansanas. Ang dalawang taga-silbi naman ay sa bandang sagingan nagpunta.
Inilapag ko ang dala kong basket sa lupa. Tumingala ako sa napakaraming ubas na nakasabit sa tuktok ko. Gawa sa kawayan ang pag-gapangan ng dahon ng ubas para ro'n mamunga. Kulay lila na ang karamihan at ang iba ay kulay berde ngunit hinog na rin ang mga ito.
Dahan-dahan kong hinawakan ang ubas na nasa tapat ng ulo ko. Marahan ko itong pinitas at maingat na nilagay sa basket. Ayokong maalis sa tangkay nito ang mga ubas. Mas magandang tingnan kung sama-sama ito sa iisang tangkay.
Nakailang kuha na rin ako ng ubas at malapit na mapuno ang basket ko nang may narinig akong ilang yapak papalapit sa 'kin. Tiningnan ko ang daan na dinaanan ko kanina. Nakita ko ang tatlong babae na papunta ngayon sa kinaroroonan ko.
Si Haya Kaira at ang dalawa niyang taga-silbi. Anong ginagawa nila rito?
"Maaari ba kitang tulungan?" tanong nito nang tuluyan na itong makalapit sa 'kin.
Hindi ko mabasa kung anong nais niyang gawin dito pero iisa lang ang sigurado ko, may masama itong balak sa 'kin.
"Huwag na, Haya Kaira. Kaya ko naman na ito," sagot ko at saka inalis ang paningin sa kaniya. Nag-focus na lamang ako sa pagkuha ng mga ubas.
"Ang lakas naman ng loob mong tanggihan ako."
Hindi ko siya tiningnan. Sa tono pa lang ng boses niya ay nanghahamon na siya ng away. Wala ako ngayon sa mood na makipag-attitude sa kaniya. Nag-e-enjoy ako sa pamimitas kaya sana 'wag niya akong simulan.
"Hala!" Napatingin ako agad sa gawi nila ng sumigaw ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa lupa na ang mga pinitas kong ubas. Natapon ang lahat ng nasa basket. Sira at madumi na ang mga ubas!
Nagsalubong ang kilay ko at tinapunan siya ng masamang tingin habang hawak pa rin ang basket na wala nang laman. Nag-iinit ang ulo ko sa kaniya!
"Hindi ko sinasadya, Zariya."
Hindi raw sinasadya pero tumatawa sila ngayon kasama ang dalawa pa niyang taga-silbi na mukha namang palaka!
"Ano bang ginawa ko sa 'yo para itrato mo ako ng gan'to? Ang sabi sa 'kin ni Ysabelle ay mabait ka naman raw pero tila 'di pa niya nakikita ang tunay mong kulay." I chuckled.
Nanliit ang mga mata nito at halata ang pagkainis. "Dahil sa 'yo lang naman ako naiinis," wika niya.
Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawa sa kaniya para mainis siya sa 'kin.
Nakatitig lang ako sa kaniya at nanatiling tahimik.
"Layuan mo si Prinsipe Ravi kung ayaw mong maghirap habang naririto ako," mariin niyang usal.
Lumabas din ang rason kung bakit siya ganito umasta.
Paano ko lalayuan si Prinsipe Ravi? Eh, hindi naman ako lumalapit sa Prinsipe.
Tinapon nito ang hawak niyang basket sa harap ko at walang pasabing tinalikuran ako.