Chapter ten🌼
Luciyaa
Katatapos ko lang maligo ng may kumakatok sa kwarto ko,
"Matty ? nabigla ako ng iluwa ng pinto ay si matteo."Nakakabigla ka ah anong masamang hangin ang nag dala sayo dito?? bungad ko sa kanya.
"Hoy babae !! Napagalitan ako sa pudra mo huhuhu! mataray niyang sabi.
"Ganoon ba kalala??naka ngiwi Kong tanong ko dito .
"Sorry bes kasalanan ko di ko talaga na check yung email mo about sa event kagabi,nalulungkot kong sagot.
Huy,wag ka ngang mag emote,Okey lang noh! Sulit naman kasi pagdating ko dito Nakita ko ang kuya mo topless sa pool area nyo,"Wah!!!!!
Napaka perpektong nilalang kinikilig nitong sabi, And eto pa nandyan pa si tita para I defend tayo,dagdag pa nito
Mula sa baba narinig Kong sumigaw si mommy "Iha's kakain na" Kaya bumaba na lamang kami ni Matteo na sobrang kinikilig dahil sa pagtawag na iha ni mommy sakanya.
---
Masayang natapos ang aming agahan na may asaran at konting sermunan,umalis na din si Mateo , daddy at kuya.
Naka-upo ako sa sala ng tinabihan ako ni mommy.
"Mommy? bakit po ? Tanong ko dito ng mula sa likod ko ay niyakap ako.
"Anak kung may problema ka, magsabi ka kay mommy ha ?? malambing na sambit ng aking Ina.
Kumawala ako sa yakap Niya at Paharap na yumakap dito, I feel home ,I feel loved kahit na lagi kong binibigyan ng problema si mommy at ang pamilya they always here for me.
"Opo mom,magsasabi po ako, pero mommy sana hindi bawiin ni dad yung freedom ko na sinabi niya last time, mahinahon kong sabi habang nakasandal sa balikat ni mom.
"Of course not darling akong bahala,pero after ng birthday mo alam mo na," tugon ni mom
Kinabukasan ay inihatid ako ni kuya sa apartment ko, Pinapasok ko siya kasama ng mga foods at gamit na binili ni mommy for me.
"Luciyaa,can we talk ??" Sabi nito
"Sure kuya,sagot ko at niyayang umupo ito sa maliit kong sala.
"Alam mo bang nakita ko yung video about sa - Hindi ko na pinatapos si kuya sa sasabihin pa niya
"Sorry kuya kinakabahan Kong sabi !! Please wag mong Sabihin kina daddy!! mabilis Kong sambit dito "please kuya!" dugtong kupa .
"F*ck Luciyaa!!! Ano ba talagang Buhay ang gusto mo ???! ganito ba sigaw ni kuya ,Anong gusto mong patunayan ha ? dugtong pa nito.
Yumukod lang ako at parang naiiyak na , wala akong mahagilap na sagot sa Tanong ni kuya..
Kasalanan din kasi Nina daddy,bakit ba kasi hinayaan ka nila ng mabuhay ng parang ordenaryong mamamayan lang,"You're the princess of Alarcon Empire tapos tatawagin at tatratuhin ka lang ng ganoon ng ibang tao?? mahabang Sabi ni kuya.
"Lumapit ako kay kuya at niyakap ito."After my birthday kuya i promise iaayon ko na lahat ang buhay ko promise sabi ko, ito pala ang dahilan kung bakit dalawang araw ako sa bahay ngunit para akong hangin kung ituring nito.
Niyakap ako nito pabalik at sinabing "Hihintayin ko ang pangako mo pero hindi mo ko mapipigilang gumanti sa mga taong nanakit sa sa iyo" matigas nitong sabi at nagpaalam na ito.
"Hindi na ako nakapagsalita pa Hanggang Maka alis ang kuya ko.
Lunes ngayon at alam kong patungo na ito sa trabaho, trabaho?? ulit ng utak ko sa sinabi ko.
Ayoko ng pumasok,nabulalas ko sa hangin.Humiga ako at nagbukas ng tv para manood ng movie.
Kasalukuyan akong umiiyak dahil sa aking pinapanuod ng biglang may sunod sunod na katok akong narinig, Sino ba iyon ,istorbo simangot kong sabi sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto ay si "Sky".
Nanlaki ang mga mata ko ng maisip ang itsura ko, magulo ang buhok ko at pulang pula ang mga mata ko dahil sa kakaiyak sa pinapanuod ko may uhog pa nga ata ako.
"What happened?? narinig kong sabi niya.. Okey ka lang ba ? may sakit ka ba ?? sunod sunod nitong tanong.
Tinulak ko ito at sinaraduhan ng pinto.
Shocks !!! bakit ba nandito ang malditong lalaking iyon!
Kumatok ulit ito na parang gigibain na ang pinto , Subalit Bigla itong tumigil,kaya idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung umalis na ito,Pero wala na akong marinig ng kahit anong tunog,
"Tss!!.Umalis na siguro, malungkot kong sabi, Hala self, bakit nalulungkot ka !! kastigo ko sa sarili. Hala nababaliw na ba ako ??
Pabalik na ako sa sala ng marinig ko ang landlady kong si nanay Berta.
"Huh ?si Nanay Berta ?? nagtatakang tanong ng isip ko.
"Luciyaaa.. Luciyaaa anak.. tawag ni nanay Berta.
Nagtaka ako, bakit naman pupunta dito ang matanda e nagbayad na ako ng upa para sa buong taon, baka may masamang nangyari?? Ani ng utak ko
Binuksan ko ang pinto, at nandoon nga ang matanda na naka ngiti sa akin.Si nanay Berta ang may ari ng duplex studio type apartment na inuupahan ko ,nakatira sila sa kabilang unit ng apartment Kasama ang Asawa Niya.
"Nay bakit ho? may problema ba ?? magalang kong tanong..
"Birthday ng asawa ko, alam mo naman na wala kaming anak para makasama sa pagdiriwang na ito kaya iimbitahan sana kita, para sabayan kaming kumain sinserong sabi ng matanda.
"Ha?nalungkot naman ako sa sinabit ni nanay "Ah sige po nay Ngayon na ho ba ?, pero napaka aga naman po ata ng celebration nyo alas dyes palang po ng Umaga natatawa kong sabi,sabay linga ko sa daan .
"Sinundan naman ng matanda ang tingin ko," Ay Oo,Tara na .. May hinahanap ka ba iha ??na tumingin di sa deriksyon ng daan," May sponsor kasi iha ng bilao foods aniya habang naka ngiti.
"Ay wala ho nay ,nagpaalam lang ako sa matanda na magpapalit ng t-shirt at mag popony lang Bago sumama dito .
Nakarating kami sa kabilang Bahay, agad ko namang binati si Tatay Eddie na kabiyak ni nanay Berta,ibinaba nito ang dyaryong binabasa niya at nginitian ako.
"Happy Birthday Tatay Eddie masiglang Sabi ko sabay abot ko ng puting sobre.
"Ay salamat iha, ano ito bat may pasobre sagot nito Hindi ko matatanggap ito kung cash ito ,natatawang sabi nito.
"Nagulat ako dahil ibinalik nito sa kamay ko ang sobre. "Ano ka ba Tay sayang iyan pang maintenance mo o kaya pan libre mo sa mga kaibigan mo pa birthday ko na ho sa Inyo .. " Please Tatay Pogi pambobola ko pa sa matanda.
Napangiti Naman ang matanda at sumilip sa sobreng inabot ko, "Aba luciyaa napakadami naman nito,Eh sobra sobra pa ito kumpara sa binabayad mo sa buwanang upa gulat na bulalas ng matanda.
"Okey lang po iyon Tay ,dahil kabayaran na din po sa pagmamalasakit nyo sakin ni nanay Berta po,pagkasabi kong iyon ,ay binalingan ko si nay Berta at sinabing " Nay gutom na ho ako pagkukunwari kong sabi para makaiwas na Kay tatay Eddie baka ibalik pa yung regalo ko pero ng ma dako ang paningin ko sa kumedor ay ganung na lamang ang gulat ko.
May lalaki kasing nakatalikod habang nag piprito ng Shanghai naka white long sleeve ito at nakatupi ang manggas Hanggang siko,pamilyar na pamilyar ang katawan nito maging ang suot nitong ...
"Aba Teka Skyyyyyy?" nabigla kong sabi.
"Ay luciyaa iha ,wag kang magalit kung inimbitihan ko itong si sky nakasalubong ko kasi kanina kaya isinama kuna dito,sinamahan niya din akong bumili ng pansit at nag prisinta din na mag prito ng shanghai ,Sambit ni nay Berta.
Nagulat man ay umupo na ako sa dinning,dahil sobrang speechless ako na si Lucas Sky Falcon ay may soft side din pala, and idagdag mo pa Yung marunong siyang mag prito ?? Shacks!!!
Feeling ko husband material siya,Ani ng isip ko.Huyyy yung puso ko bat ang lakas ng t***k, habang nakikita ko siyang nag seserve at nag aayos ng pagkain sa mesa.
"Hmm okey ka lang ba ? bulong nito sa tenga ko na naghatid ng kuryente sa buong pagkatao ko.
"Ah... O-Yess,takti naman bakit na uutal ako kasi ang lapit Niya sa mukha ko, Hindi tuloy ako makapag isip ng tama .
Naku ! Iha ito ang bimpo punasan mu yung mukha ni iskay ,abot ni nanay berta ng pamunas .
"Halikan nga,tumayo ako at pinunasan ang mukha nito hanggang bumaba ng leeg papunta sa dibdib..
Narinig ko ang tawanan ng mag Asawa kaya na patingin kami sa kanila.
"Tama na iyan halina kayo at kumain na lumalamig na ang pag-kain baka maunahan pa tayo ng mga langgam dahil sa paglalambingan nyo .
"Nanay Berta Naman".. ani ko na hiyang-hiya feeling ko kasi sobrang slow-mo ko.
"sheeeeet!!!!" nakakahiya bulong ko sa utak ko lupa kainin mo na ko !!
Napatingin ako kay sky na pangiti -ngiti lang .
bosett na lalaking to ang pogi pala pag nang aasar.
Pagkatapos ng pagkain namin ay dumating si harold ,may dalang cake kaya pala wala ang sasakyan ng hudyo kasama pala niya si harold.
"Hi miss Lucy! ang cute nyo po sa suot ninyo... nakangiti nitong sabi
Ha haha? Salamat Sabi ko at tinignan ang suot ko ,Nakasuot kasi ako ng oversized shirt at shorts na One piece at naka bun ang buhok.
Napatingin ako kay sky na matalim ang tingin Kay Harold .
Kinantahan namin si Tatay Eddie ng birthday song bago nag paalam.
Palabas na kami ng pinto ng Kunin ni nanay Berta ang Tig Isang kamay namin ni sky at pinag daop, "Sana kahit anong pagsubok ang dumaan sa relasyon niyo ay Maging matatag kayo at laging pag ibig ang mamayani sa Inyo" nakangiting Sabi ni nanay Berta ."Maraming salamat Lovers". dagdag pa nito.
"Huh? ano po nay Mal-hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng akbayan ako ni sky,at nagpaalam na sa dalawang matanda.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay doon ko na kinompronta ang lalaking ito .
"Anong sinabi mo kina nanay bakit tinawag Niya tayong lovers ?" naiinis kong sabi.
"Eh kasi miss Lucy, sinabi ni boss na nobyo niyo daw po siya natatawang Sabi ni Harold"
"Tinignan naman ng masama ni sky si Harold kaya ,Bigla itong nagpaalam at umalis na.
" Bye miss Lucy.. Sabi nito at patakbong sumakay na ng sasakyan!.
Binalingan ko naman ng tingin ang kaharap ko at tinaasan ng kilay.
"Yes! sinabi ko na nobyo kita !aniya
"Bakit ?? Tanong ko.
"Because because I like you.. mahina nitong sambit.