Chapter seven
Lucy pov.
Ano ba ito Lucy, dapat umiiwas ka na sakanya ano na naman ito sermon ko sa sarili ko...
Nagpaalam si sky, na mag shower muna kaya nang makapasok ito ng banyo ay agad akong bumaba at hinanap si Mang kanor.
Maayos naman akong nakauwi dahil ipinangako ni Manong na ihahatid ako ,Hindi na ito nakatanggi pa ng pinilit ko siyang ihatid ako.
Mabilis akong naligo at inayos ang sarili, Kailangan ko kasing pumasok sa trabaho, trabahong i nappoing ng masungit na lalaking iyon.
Paglabas ko ng gate ay may puting kotse na huminto sa harap ko.
Alam ko kung
kanino ito,bumaba si Mang kanor at nginitian ako.
"Magandang Umaga po ulit Ma'am Lucy" kasabay ng pagbukas nito sa pinto ng kotse, " Tara na po ma'am " dugtilong nito.
"Hindi na po Manong mag tataxi nalang po ako, magalang kong sabi.
Tumikhim naman si sky ,"Sasakay ka o isasakay kita Sabi nito sa seryosong boses,kaya wala nakong nagawa kundi sundin ito.
Tahimik ang naging byahe namin,at walang umimik sa amin at nang tumapat na kami sa building ng company ay sinabi kong ,"Mang kanor dito nalang po ako bababa".
Huminto naman ang kotse,at nagpasalamat ako,Hindi pa kasi ako nag breakfast kaya dadaan muna ako sa canteen bago dumeretso sa office ni sky,Pababa na ako ng pigilan ni sky ang braso ko.
"Alam ko di ka pa nag breakfast" gusto mo bang mag coffee muna o sa office na kumain? malambing nitong sabi ".
Natahimik ako kasi di ko alam ang gagawin o sasabihin ko, Ni hindi man lang ito umimik mula kanina ngayon naman napa ka sweet may sira na ata ang lalaking ito.
"Hindi na po sir okey lang po" at mabilis na bumaba sa sasakyan.
Mabilis akong naglakad papunta sa entrance ng building,ngunit ng makarating ako sa entrace ay hinarang ako ng guard kasi employee lang daw muna ang mga pwedeng pumasok.
"Ah,sir kasi po wala pa po akong i.d pass,sa president office po - Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may humaklit sa kamay ko at tinangay na ako papasok ng building.
Napatayo ng tuwid ang guard at binati siya ng magandang Umaga nag sorry pa ito sa akin at yumukod ng konti,Ngunit ni Hindi man lang nito binalingan ng tingin, nginitian ko na lang ang guard at nagpatanggay na sa boss ko.
Pag pasok ng elevator ay doon ko lang napansin na tinitignan na kami nang lahat ng mga empleyadong madaanan namin at dahil sa private elevator kami nakasakay ay kaming dalawa lamang ang naroon.
Binitawan na nito ang kamay ko at humarap sa akin ,napa atras naman ako Hanggang sa dumikit na Ang likod ko sa dingding ng elevator.
"Bakit ba Lagi mo nalang akong tinatakasan ? malamig nitong sabi.
"Ha? Sinong tumakas? sagot ko ng mabilis at tumingin sa ibang dereksyon. Hinawakan naman nito ang baba ko at iniharap sa kanya, para akong nalulunod sa mga tingin niya."Ano ba kasi talagang gusto ng lalaking ito ! naiinis na sabi ng isip ko.
"Sino nga ba Lucy?" balik na Tanong niya.Laking pasalamat ko sa pinto ng elevator dahil timing ang pag bukas nito ,hinawakan ulit nito ang kamay ko at hinatak papunta sa loob ng opisina ni sky. Nagulat ako dahil pagka lapat ng pinto pasara ay hinalikan niya ako ,Yung halik na sabik na sabik habang ang dila Niya ay ginagalugad ang aking bibig.Natulos ako sa kinatatayuan ko at di alam ang gagawin ko unti-unti na ding nag iinit ang buong katawan ko at nung di ko na matiis ay tinugon ko na din ang mapusok niyang halik.
Naudlot ang mainit naming halikan ng biglang may kumatok,itinulak ko ito at dumeretso sa table ko Maging siya ay ganoon din ang ginawa.
"Get in" maikli niyang sabi.
"Good Morning boss ! eto na po yung mga papers about sa business trip nyo next month" masayang sabi ni Harold.
Matalim na tinignan ni Sky si Harold,"Alis !"
Tinignan naman ako ni Harold at nag kibit balikat lang ako na parang Hindi ko alam ang nangyayari kaya natatawa ako.
"Ako po ba o si miss Lucy?" Tanong ulit nito sa boss niya,tinignan siya ni sky ng masama.
"Okey boss,your bm meeting will begin in 15 minutes.
Paglabas ni Harold ay Siya namang pagpasok ng maganda at sophisticated na babae.
"Lucas'?? tawag nito na nagpaangat ng tingin ko,tumingin ito sa akin at sinenyasan na lumabas muna.tumayo naman ako at naglakad na papuntang pinto,pero bago ako lumabas ay narinig ko pa ang malambing na pag tawag nito ng "Honey!"
"Honey"ulit ko sa sinabi ni sky,"Buset kang lalaki ka! parang biglang sumakit ang dibdib ko ng maisip ko ang mainit naming halikan Kani kanina lang pero may honey pa pala Siya!! Nag iinit din ang mga mata ko at parang gustong tumulo ng luha ko. Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba sa 3rd flr kung nasaan ang cafeteria, bubusugin ko nalang ang sarili ko.
Dumeretso ako papuntang counter at nag order,self service pala kasi dito, Syempre cappuccino, carbonara at Isang slice ng cake ang inorder ko. "alam ko Hindi ka nag breakfast" bulong na sambit ko sa hangin habang inaalala ko ang sinabi ni sky,Manloloko talaga ang lalaking iyon.
Susubo na sana ako ng carbonara ng may pigura ng isang lalaki ang palapit sa akin. "Lucianna?" tawag nito sa pangalan ko.
"Omgggg Zaki ?? excited Kong sabi,Yes on the flesh natatawa nitong sambit at inilahad ang mga kamay nito.Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit."Ilang taon na ba simula nung binusted mo ako?? awkward na tanong nito.Pasimangot naman akong sumagot "hoy Hindi mo ko niligawan no? kahit alam mo na crush na crush kit nung grade school natatawa kong sagot,Masaya kaming nag kwentuhan habang kumakain,Hanggang sa matanong ko kung bakit siya nandoon sinamahan nya pala ang daddy Niya na isang share holders sa Isang meeting, "Eh ika cy bakit ka narito??" Tanong nito na biglang nagpakaba sa akin."I need a favor Zaki, Employee ako dito at Hindi nila alam na ako si lucianna Alarcon,Isang normal na tao lang ako dito at payak na namumuhay,mahaba kong sabi.
"Oh nag paplay role kapa rin na ordinary person?? kahit na kayo ang may Pina ka malaking network sa bansa Sabi nito .
"Hey hinaan mo ang boses mo tsaka need ko ng bumalik,tumayo na ako at bumeso kay Zaki .
"Cy, kung may problema I'm one call away and dinner tayo minsan Sabi nito na sinabayan pa ng killer smile.
"Yes,no problem Bye"! paalam na sambit ko, Zaki is one of our neighbors sa villa Siya din ang first crush ko ,Chinito siya maputi matangkad matangos ang ilong mabait at Isang doctor,Kung tatanungin nyo kung gusto ko padin siya ang sagot "Hindi na" ,siguro poging pogi lang talaga ako sa kanya noon pero si Matt patay na patay yun kay Zaki,natawa akong bigla sa isiping iyon.
Bago umakyat sa floor ng office ni sky ay pumasok muna ko ng comfort room sigurado Hindi naman ako hahanapin dahil nag paalam naman ako Kay harold na kakain bago bumaba dito,at Lalong di ako hahanapin ng boss kong Manloloko dahil Kasama Niya ang "Honey" niya na pinalabas pa ako baka may gagawin din sila katulad ng ginawa ni gerald, napahawak ako sa dibdib ko ng may parang kumirot dahil sa isiping iyon kanino ba ako nasaktan Kay Gerald o Kay sky tanong ko sa sarili ko.
Kasalukuyan akong nasa cubicle ng may narinig akong nag uusap sa labas, "Nakita mo si ate girl na bagong personal assistant ni sir?" tanong ng isa,"Yes sis maganda siya at sexy,"Sabi ng isa.
"Pero mukhang malandi,hay sayang ang ganda kung gagamitin lang ito sa ganyang paraan para Maka anggat sa buhay"sagot naman ng isa.
"Oo malandi talaga siya kasi usap-usapan na may hinalikan pa siyang lalaki sa cafeteria kanina exaggerated na kwento ng isa.
"Talaga ba? sure ka ba da marites mo? Tanong ng isa .
"Sure na sure sis iyon daw ang may ari ng Gonzalo medical center,Gusto ng ate girl na bingwitin ang dalawang isda ,baka nagsasawa na si sir sa kanya kaya ganun. Hay Tara na nga madami pa tayong gagawin sa office.
Nang matapos sila ay doon lang ako nakalabas,nalungkot ako bigla dahil sa mga narinig ko. Nang lumabas ako sa banyo ay madami din matang nakatingin sa akin at nagbubulungan habang tinitignan ako.
Nang makarating ako sa opisina ay matalim na tingin ang lumapit sa akin."Tapos ka ng makipaglandian sa Iba?" Galit na sambit ni sky.
"Ha? nalilitong tanong ko.
"tss! Sino ka ba talaga ha ?Pinlano mo ba na magkakilala tayo? Nung una si feggar ang kasama mo tapos Nakita kitang Kasama ang Isang Alarcon,Ngayon ang doctor naman si zaki o Ano bang Meron sa kanila na wala ako ?? Hindi ka nag tagumpay na makasal sa Isang Jaime kaya ako ang nilapitan mo ??
galit nitong sigaw..
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko napigilang mapaluha at manginig sa mga sinabi nito sa akin,lumunok muna ko para matanggal ang bara sa aking lalamunan at pinunasan ko ang mga luhang nag sisi unahang bumagsak."Unang una Mr. falcon,Wala po kayong pakealam kung sino ang landiin ko, pangalawa wala po kayong karapatang husgahan kung anong klaseng tao ako dahil hindi mo ako kilala at Hinding Hindi ako maghahabol sa lalaking tulad mo !!! madiing sambit to habang umiiyak ,kinuha ko ang gamit ko at tumayo na ngunit pumasok si harold at sinabing
" Boss handa na po ang sasakyan"
Kaya napatalikod ako para di Niya makita ang mga luhang parang ulan na ayaw tumila.Lumabas si Sky Kasama si Harold at naiwan akong umiiyak ,umupo ako sa sofa malapit sa table ko at Umiyak ,Umiyak ako ng umiyak hanggang sa naubos na Ang luha ko ,inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng opisina.
Paalam Sky ...