Chapter seventeen🌸
Luciyaa
"tss! Tama na baka di ako makapagpigil puntahan kita sa inyo then he cough you make me kilig !!" parang naiinis na boses ni Sky ..
call ended
Natigilan ako sa sinabi niya galit ba ito ?
Kasabay ng pag putol nito sa tawag.
Hala ka ! Pinatayan ako.
"You make me kilig" ulit ko sa sinabi nito, bigla akong napatili ng mapagtanto ko ang mga salitang kanyang naisambit.Napatumba ako sa kama na parang nahimatay ,naglupasay pa ako na parang isdang nawala sa tubig,"Ouch" sabi ko dahil pa hilom pa lang ang sugat sa aking balikat pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi ko.Imagine si Lucas Sky Montefalcon ay napapakilig ko ? Waaaahhhhh !!!!! Napa cute naman ng boss ko sarap kagatin Este kurutin parang baliw na naibulalas ko sa hangin.
In less than a month ipapakilala na ako ni dad,bilang Isang Alarcon kaya muli ay nagtipon kmi sa Isang hapag para pag usapan ang pagpasok ko sa kumpanya,humingi pa ako ng Ilang linggo para makapag paalam sa lahat ng kaibigan ko ,pumayag pa din ito na sa apartment mag stay ng Ilan pang linggo pero with my two bodyguards. Yes ayaw ni mommy at kuya pero dahil iyon ang napag usapan na nung una pa ay pumayag pa din ang daddy Subalit may bodyguards na ako mula sa malayo.
Araw na ng lunes, I wear my signature corporate dress sleeveless na kulay black na umabot hanggang kalahati ng aking hita, medyo mababa ang neckine pero pinatungan ko naman ng puting coat para hindi masyadong revealing tignan tenernohan ko din ng sandals na medyo mataas para makadagdag sa power ng look ko,nag pahid din ako ng manipis na make up para mabuhay ang aking mukha inilugay ko din ang aking buhok at ng makontento na ako sa itsura ko ay pinagpasyahan ko ng magtungo sa trabaho.
Nagtatalo ang isip ko habang binabaybay namin ng driver bodyguard ko ang Daan patungo sa office baka kasi over dressed naman ako at Sabihin na nag papa impressed ako.
Excited na ako,Oo tatlong araw ko din itong hindi nakikita, puro chat at video calls lamang para tuloy kaming teenager na excited makita ang Ldr boyfriend mo. I miss him bulong ng puso ko.
Nakatingin ako sa matayog na building na aking papasukan,huminga muna ako ng malalim bago magtungo sa aming opisina. Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni manong guard pag swipe ko ng I'd. Masaya po ako dahil okey po kayo at ligtas pasensya na po kayo miss Lucy Hindi ko po kayo natulungan sensero nitong sambit,Okey lang ho,ngumiti ako dito at nagpaalam na.
Pagdating ko sa lobby ay madaming mata ang matiim na nakatingin sa akin at nagbubulungan.
muntik pa akong mapasigaw ng may humawak sa kamay ko at iginaya ako sa loob ng elevator.
"Okey ka na ba ??" boses na kilalang Kilala ko.Tumingala ako dito at napangiti ako ng makita ang napaka gwapo nitong mukha.Nanigas ang katawan ko ng ikulong ako nito sa mga bisig niya na napakahigpit..
"I miss you baby !!!" pabulong na sabi nito.Napatingin ako dito at niyakap din ito ng mahigpit inihilig ko ang ulo ko sa matigas na dibdib.. "I miss you too" nahihiya kong sagot dito.Tahimik namin dinama ang init ng katawan ng bawat isa.
Humiwalay na ako sakanya nang mapansin na malapit na ang floor ng opisina ni sky,Hindi din ako natakot na baka may makakita sa Amin dahil isa itong private elevator.
Lumabas ako ng elevator na patakbo para hindi kami magkasabay papasok sa aming opisina.Narinig ko pa ang mahinang hagikgik nito.
Shocks! Kinikilig ako! mahina kong sabi sa sarili ko.
"Baby??napa angat ang mukha ko dahil sa sinabi nito, may dala na itong supot ng take out foods.
"Lets eat baby" sabi pa nito ,Ano ba itong nararamdaman ko parang sasabog ang puso ko sa kilig at saya,
Nagtaka akong lumapit dito at tinanong kung saan galing ang mga take out foods, "I Pinabili ko kay Harold" kaswal na sagot nito. " Did you take your medicine?? let me see your wound" dagdag pa nito.
" Not yet, okey na ito wag mo nang tignan. tumingin ito ng mataimtim sa akin Ano ba Siya gusto Niya ba akong matunaw .
"Fine suko Kong Sabi at ibinaba ang coat ko para Makita Niya ang benda sa aking braso,hinaplos Niya ito at parang hinihipan sana para daw ma lessen ang sakit kahit hindi naman ito masakit na at sa ganoong tagpo ay pumasok ang Isang may edad na babae na masasabi mong napakaganda nung kabataan nito kasama ang Isang middle age man na kung susuriin mo sa pananamit ay driver ng matanda.
"SUSMARIOSEP !!! LUCAS SKY MONTEFALCON!! malakas na sigaw ng matanda.
Gulat na hinablot ko pabalik ang ang coat at iniaayos at tumayo sa likod ni sky dahil Bigla din itong napatayo.
"What the hell are you doing apo?Ganyan mo ba itrato ang iyong mga empleyado Hindi kaman lang humanap ng matinong Lugar! Sabi nito at umupo sa couch na kanina ay kinalalagyan namin.binalingan ko ng tingin ang driver na iniba ang direksyon ng tingin Bigla naman akong nahiya dahil sa iniisip nila kasi kung susumahin mo nga naman ang tagpo ay para kaming mag uumpisa sa Isang love scene.
"Chill mamita,it's not what you think ,Mali po ang iniisip nyo wala po kaming ginagawang masama o kalaswaan natatarantang wika ni sky at tinabihan nito ang matanda.
"At ano nga ba aber,sige at ipaliwanag mo masungit na Sabi ng matanda. Tumayo si sky sa tabi ko at inakbayan ako by the way Lola this is Lucy my girl pakilala nito sa akin ,Lumapit ako sa Lola nito at kinuha ang kamay at nag blessed Hello po naiilang kong sabi kasi Yung itsura nito ay Yung mga masusungit na Lola sa mga Korean novela.
'Ahem tumikim si Sky at napabaling ang tingin namin sakanya at lumapit ito saakin , " And momita about doon sa naabutan nyo ni Mang arman ay ito yon , Let me see again baby, mahinang sabi nito, kahit nasa ganitong sitwasyon kami ay di ko mapigilang kiligin dahil sa indearment nito sa akin kahit na iBang nakakarinig nito.
"Here Lola ,tumabad ang malaking benda sa aking braso,hihipan ko po sana kasi maba masakit pa paliwanag ni sky. Nagtinginan ang dalawa at biglang nagsalita si manong " Pasensya kana Sky "ang pangit kasi ng tagpong nadatnan namin kaya akala namin ay -- ay lalabas ho muna ako paalam nito tango lamang ang iginawad ni sky.
"Come here iha,Sabi ng matanda at tinapik ang kanan bahagi ng kinauupuan nito ,umupo ako at hinawakan nito ang mga palad ko na noo'y napakalamig. "Natakot ba kita ? tanong ng matanda. "Hindi po-
call me mamita " sabay nito.
"Hindi po mamita"wika ko bumaling ako Kay sky na ngayon ay nakangiti sa akin.
Nagkwentuhan kami at nakagaanan ko Naman ng loob ang Lola ni sky habang ito ay nagtatrabaho na,kami din ni mamita ang kumain sa take out foods na binili ni sky.
"Kelan ang kasal iha" Tanong ni Lola para akong mababalaukan sa laway ko dahil sa tanong ni Lola, ayon sa itsura mo ay Hindi kapa ready paano ko kaya makikita agad ang apo ko sa tuhod abay wag na kayong magpatumpik tumpik pa dahil baka mamatay na ako Hindi ko pa kayo makitang ikasal.
Tumayo si sky at lumapit sa akin dahil Nakita Niya sigurong di na ako komportable sa pinag usapan namin kaya inilihis nito ang usapan after 2hrs of kwentuhan nag paalam na si Lola at itoy aalis na. nagpaalam ako dito at pagbeso ko dito ay may ibinulong ito " Ingatan mo ang apo ha,nakikita ko sa mata Niya na mahal ka Niya at Masaya Siya dahil nandito siya at ginawaran Niya ako ng Isang napakagandang ngiti.
Nagpaalam si sky na lalabas lamang sandali at nagtanong kung may kailangan ako Subalit tumanggi lamang ako. binigyan Niya lang ako ng Ilang papers para I review tapos dapat daw wala na akong gagawin dahil daw kung nagkataon na suwayin ko Siya ay may parusa daw ako ..
Pagkaraan ng Ilang minuto ay bumalik ito dala ang tatlong paper bags at iniabot nito sa akin.
"Ano to ? nagtatakang tanong ko
" Change your clothes and shoes.
kaswal na sabi nito.
"What !? but - gulat na tanong ko.Hinatak ako nito patayo at hinalikan sa sentido kasunod ng paggaya nito sa cr. I pout to him Pasok kana baka gusto ming bihisan kita?? he said in a bedroom voice na nagpatindig ng balahibo ko kaya mabilis akong pumasok sa banyo at isinara ang pinto. Shocks!!! napaka hot niya feeling ko Basta na ang ibabang underware ko sa ganoong gawi palang ni sky.