Fauna Mendoza’s POV
Hindi pa man ako nakaka-get over sa nightmare ko kanina, heto na naman ako, abot-abot ang inis. Pagbukas ko ng pinto, hindi ko na inintindi kung mukha ba akong bagong gising o kung sabog ba ang buhok ko. Sino ba kasi 'tong istorbong 'to?
"Yes, what can I—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Ang mga salita ko, parang barya na nabaon sa lalamunan ko nang makita ko si Dave. Hindi man lang siya naghintay na imbitahan ko; basta na lang siyang pumasok at nagtuloy-tuloy sa living room ko na parang siya ang may-ari ng building.
Kagabi lang, bigla siyang sumulpot sa workplace ko nang walang pasabi pagkatapos akong ihatid, at ngayon, heto siya, bina-barge ang apartment ko nang alas-siyete ng umaga. Ano na naman bang trip ng lalakeng ito?
"Pack your clothes. You’re coming with me," diretsong utos niya sa akin pagkatapak na pagkatapak sa loob. No "good morning," utos agad ang bumungad.
"Wait, what?" kunot-noong tanong ko. Literal na loading ang utak ko.
Hindi niya ako sinagot o binigyan man lang ng explanation.
Sa halip, dire-diretso siyang pumasok sa bedroom ko! Binuksan niya ang closet ko at nagsimulang mag-inspect ng mga damit ko na parang siya ang stylist ko.
Sumunod din sa loob si Johny, yung driver niya. Nag-nod lang siya sa akin—halatang professional at sanay na sa mga ganitong eksena—habang hila-hila ang isang maliit na luggage.
"Hey, wait! Ano ba talagang nangyayari? Ano 'to?!" halos pasigaw kong habol sa kanila.
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Dave na padaskol na kumukuha ng mga damit ko at nilalagay sa luggage, habang si Johny naman ay mabilis na tinutulungan siyang ayusin at itupi ang mga 'yun para magkasya.
"I told you, we’re going somewhere," sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan.
Huminto siya sandali, kumuha ng isang jacket mula sa hanger ko, at bigla itong ibinalot sa akin. "And Fauna," seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko, "you need to get ready. We will be leaving in twenty minutes."
Twenty minutes? Seryoso ba siya?
"Dave!" itinaas ko ang mga kamay ko bilang protesta at mabilis na tinanggal yung jacket. "Dave, hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok dito at kaladkarin ako sa kung saang lupalop! My God, I have a life!"
Pero itong si Dave, parang hindi man lang natinag. Sa halip, nag-cross siya ng mga braso sa harap ng dibdib niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may halong amusement. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi niya.
"You look sexy in that shirt."
Shit!
Bigla kong nayakap ang sarili ko. Doon ko lang narealize na puting t-shirt lang pala ang suot ko at... wala akong bra. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
"Oh, there's no need to be ashamed," pang-aasar niya sabay kindat sa akin. Alam kong nakita na niya ang katawan ko dati dahil sa deal namin, pero iba pa rin yung feeling na ganito ang sitwasyon, lalo na't nandoon din si Johny.
Inirapan ko siya nang matindi. "Anyway, hindi ako sasama. I have my own schedule today, at unlike you, hindi ko hobby ang mag-aksaya ng oras."
"But you were sleeping," pambabara niya.
"Excuse me? Ang matulog ay part ng schedule ko!" ganti ko sa kanya.
Tumingin siya sa suot niyang mamahaling relo. "Fifteen minutes left, Fauna. Pack your necessities and let’s go—"
"Sabi nang hindi ako sasama!" matigas kong paninindigan.
Huminga nang malalim si Dave at sinenyasan si Johny na lumabas muna.
My heart started racing. Pagkasara ng pinto, kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kwarto. Ang awkward, ang sikip ng hangin.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya, umaatras ako hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko.
He trapped me. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa pader, sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Fauna, it’s either you get ready, or I will forcefully drag you out of here," bulong niya. Bawat salita, punong-puno ng awtoridad.
Kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang lapit niya, pilit kong pinatatag ang loob ko. Tiningnan ko siya nang diretso sa kanyang mapanuring mga mata.
"Dave, ang pilitin ako at kaladkarin sa kung saan laban sa kagustuhan ko... hindi yan part ng deal natin."
Lumapit pa siya lalo, halos magdikit na ang mga ilong namin. "I get your point... but I thought you always wanted to go to Batanes."
Batanes? Biglang nag-spark ang mga mata ko. Ang bucket list ko!
"Did you just say Batanes?" tanong ko, medyo nawala ang galit sa boses ko.
Hindi siya sumagot nang diretso, nagkibit-balikat lang siya.
"Paano mo nalaman na gusto kong pumunta doon?"
"Fauna, sinabi mo sa akin nung huling nag-dinner tayo. At tsaka, your life on f*******: was an open book."
Napa-nga-nga ako. "Stinalk mo ako sa f*******:?!" I couldn't believe it. "Pero matagal ko nang hindi ginagamit ang account na 'yun!"
Naalala ko tuloy nung nag-post ako dati ng picture ng Basco Lighthouse na may caption kung gaano ko gustong makakita ng rolling hills sa Batanes. Pero itinigil ko ang lahat ng social media accounts ko nung namatay ang tatay ko—safety measure ko 'yun laban sa mga naniningil sa akin.
"Nothing’s too hard to search when you have the resources," mayabang niyang sagot. Yung konting excitement ko kanina, biglang napalitan ng inis sa kayabangan niya.
"Anyway, kahit Batanes pa 'yan, bakit mo ako isasama doon?" Sinubukan ko siyang itulak palayo pero para akong nagtutulak ng pader.
"May I remind you, dear Fauna, we had a deal, remember?"
"And that deal doesn't include travel buddy duties!"
Bumuntong-hininga siya, mukhang naiinip na. Bigla niyang hinila ang bewang ko palapit sa kanya. Napasinghap ako sa gulat.
"Fauna, don’t you think I need some pleasure while I’m away in Batanes?" bulong niya sa mababang boses. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Alam na alam ko kung anong "pleasure" ang tinutukoy niya.
Muli ko siyang itinulak, at sa pagkakataong ito, lumayo na siya habang mahinang tumatawa. "You look so flustered, Fauna."
Bwisit! Bakit ba ako nagba-blush?
"Fine! Sasama na ako!" sigaw ko para matigil na ang pang-aasar niya. "Pero dapat double ang bayad mo sa akin since out of town 'to at—"
"Deal."
Napa-nga-nga na naman ako. Akala ko magrereklamo siya o tatawad man lang dahil sa tinaas kong presyo. Pero nakalimutan ko... he is a rich bastard. Pera lang sa kanya ang lahat.
"Ten minutes left, Fauna. Make it fast," sabi niya bago lumabas ng kwarto, iniwan akong tulala.
Habang nag-e-empake ako nang mabilisan, pumasok sa isip ko ang mga kaibigan ko. Ano kayang sasabihin ni Katrina kapag nalaman niyang nasa Batanes ako kasama ang isang bilyonaryo? siguradong maba-bash ako nun sa inggit. Baka kailangan ko ring i-text si Keith para ipaalam na hindi ako nakidnap.
Pero higit sa lahat, nagooverthink ako. May kinalaman kaya siya rito? O baka talagang gusto lang akong 'gamitin' ni Dave sa malayong lugar kung saan walang makaka-istorbo sa amin?
Ewan. Basta ang alam ko, papunta akong Batanes. At kailangan kong siguraduhin na pagbalik ko, sapat ang kikitain ko para tuluyan nang mawala sa landas ko ang mga naniningil ng buhay ko.
"Fauna! Five minutes!" sigaw ni Dave mula sa sala.
"Eto na! Malapit na!" sigaw ko pabalik habang padaskol na sinisiksik ang mga gamit ko.
Batanes, here I come. Sana lang, hindi maging nightmare ang trip na 'to.