Chapter 3

641 Words
Dave's POV Hindi ako agad nakatulog kagabi. At kahit ngayon… habang nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng penthouse ko, isang tao lang ang laman ng isip ko. Si Fauna Mendoza. Napabuntong-hininga ako habang hinahaplos ang labi ko, parang bumabalik lahat ng nangyari kagabi. “Damn…” Last night wasn’t just good. It was different. At hindi ko gusto na inaamin ko ‘yon. Ilang beses na akong nagkaroon ng one-night stand. Hindi na bago sa akin ang ganitong setup. Walang pangalan, walang commitment, walang balikan. Simple. Pero siya? Hindi simple. Napapikit ako sandali. “Iba siya…” Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Oo, maganda siya. Oo, may katawan siyang kayang magpabaliw ng kahit sinong lalaki. Pero hindi lang ‘yon. May something sa kanya. Yung mga mata niya, kahit may tama ng alak kagabi, parang may dinadalang bigat. At doon ako pinaka-na-curious sa kanya. Napalingon ako sa desk ko kung saan nakabukas ang laptop. Hindi ko ugali ‘to. Hindi ako nagpapaimbestiga ng mga babaeng nakakasama ko. Never. Pero paggising ko kanina… Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko yung wallet niya. Doon ko nakita ang totoong pangalan niya. Hindi siya si "Nicole.” “Fauna Mendoza,” mahina kong basa. Mas unique. Within an hour, nakuha ng investigator ko ang buong profile niya. Mabilis. Efficient. Pero habang binabasa ko… Mas lalo akong natahimik. “Both parents alive…” bulong ko, nag-scroll pababa. Napahinto ako. Correction. Isa na lang pala. Yung nanay niya. Currently hospitalized. Napakunot ang noo ko habang binabasa ang details. Critical condition. Long-term treatment. High medical expenses. Napabuntong-hininga ako nang mabigat. “So that’s where the money went…” Nag-scroll pa ako. Bank records. Consistent saver. Disiplinado. Every month, may tinatabi. Hindi maluho. Hindi pabaya. Pero biglang... “Full withdrawal…” bulong ko. Lahat ng ipon niya ay ginastos. In just a few days. Hospital bills. Medications. Emergency payments. Napahawak ako sa panga ko. “Damn, Fauna…” Ngayon malinaw na. Kaya siya desperado. Kaya siya nasa bar kagabi. Kaya siya umiinom na parang gusto niyang kalimutan ang mundo. At kaya niya nasabi... “My last day on universe.” Hindi pala ‘yon joke. Hindi pala ‘yon drama. Pagod na siya. Pagod na lumaban. Parang walang problema. Pero ngayon alam ko na. Hindi totoo ‘yon. She’s carrying something heavy. Something bigger than her. Napabuntong-hininga ako. “Your mom…” bulong ko. How are you even holding up? Paano mo kinakaya ‘to mag-isa? Walang pamilya. Walang backup. Ikaw lang. At doon ako mas lalong napatigil. “She’s strong…” sabi ko sa sarili ko. Pero kahit gaano ka katatag… May limit. At mukhang malapit na siya doon. “Is that why?” bulong ko. Kaya ka sumama sa akin? Kaya ka hindi nag-isip? Kasi gusto mo lang… tumakas kahit isang gabi? Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko gusto yung idea na ‘yon. Hindi ko alam kung bakit. Dapat wala akong pakialam. Hindi ko siya responsibility. This should’ve been just another night. Another girl. Another ending. Dapat ngayon... Wala na akong pake. Pero hindi. Nakatayo pa rin ako dito. Nag-iisip. At sa unang pagkakataon… May gustong gawin ang utak ko na hindi ko pa nagagawa dati. A plan. Slowly, a dangerous idea formed. Napangisi ako nang bahagya. “She needs money…” I can give that. Easily. Walang kahirap-hirap. Pero syempre… Nothing comes for free. Hindi ako charity. At alam ko... Hindi siya basta-basta papayag. Knowing her attitude kagabi? Matapang. Palaban. Hindi basta nagpapadala. “She’ll resist…” bulong ko. “And that makes it more interesting.” Napatingin ulit ako sa kanya, this time mas seryoso. “I can help you,” mahina kong sabi. “Save your mom.” Napahinto ako. Then slowly… ngumiti. “But the question is… What are you willing to give in return, Fauna Mendoza?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD