Fauna Mendoza’s POV "Fauna," isang malambot na tinig ang narinig ko kasunod ng mahinang yugyog para gisingin ako. Umingit lang ako at hinila ang kumot para takpan ang mukha ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Dave. Hinila niya ang duvet mula sa mukha ko at yumuko para halikan ako sa noo. Biglang namulat ang mga mata ko sa ginawa niya. "Morning, beautiful." Ngumiti sa akin si Dave at mukhang fresh na fresh siya mula sa shower. Nakaupo siya sa tabi ko sa kama; habang nakatitig siya sa akin, amoy na amoy ko ang bango ng shampoo at sabon niya. Inilibot ko ang paningin ko at nakilala ko ang kuwarto niya. Hindi ko na matandaan kung paano kami napadpad dito kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay nauwi kami sa sofa sa sala dahil sa tama ng wine. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalaw

