♞♟♜♚ Mabilis natapos ang mga buwan na kailangan nilang paghandaan, sa lumipas na mga araw ay nagkaroon ng samu't saring usapan patungkol kay Reo dahil na pagpasyahan niya na sabihin sa ibang player ang totoong pagkatao niya. Inamin niya sa buong guild nila na siya si Reo Salazar, ang taong gumawa ng game na Zero to Hero na siyang lugar kung saan sila nakakulong ngayon. Maraming nagalit, marami rin naman umindinti. Sa mga panahon na nakasama nila si Reo ay hindi nila maiiwasan na magtiwala rito dahil kitang-kita naman nila ang paghihirap ni Reo para mailaabs sila sa game at katulad ni Leo, na tanggap at naintindihan nila ang bawat paliwanag na binigay ninto. Ngunit hindi naman maiiwasan na may mga tao pa ring galit sa kaniya, sinisisi siya sa mga bagay na hindi naman siya ang may gawa.

