♞♟♜♚ Naging blangko ang lahat kay Reo, ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib at ang namumuong galit sa kaniyang isip. Para bang nagdilim ang paningin kiya at walang ibang nakikita kung hindi ang kalaban sa harapan niya na hirap na hirap sa paghinga. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan, rinig na rinig niya ang pagsigaw ng bawat player sa loob ng game, mga iyakan ninto at paghingi ng tulong dahil sa natamong sakit sa atakeng ginawa ni Arch. Napatingin siya sa biyak na shield sa kaniyang harapan, ito ang paborito ng kaibigan niyang si Kyo at alam niyang hindi na 'to magagamit ng kaibigan paglabas niya sa game o kahit nasa loob pa sila ninto. Napatingin siya sa kaniyang palad na kanina lamang ay hawak ang kamay ng kaibigan na ngayon ay hindi niya na maramdaman. Sandali

